11.27.2008

Mga Sawikain (Filipino Idioms)

Mga halimbawa ng Sawikain:

MALAWAK ANG ISIP -- madaling umunawa; mararaming nalalaman
MALIKOT ANG KAMAY - kumukuha ng hindi kanya; kawatan
MANIPIS ANG MUKHA — mahiyain
MAPUROL ANG UTAK - bobo
MAPUTI ANG TAINGA — kuripot
MASAMA ANG LOOB - nagdaramdam
MATALAS ANG DILA — masakit magsalita
MATALAS AND MATA — madaling makakita
MATALAS ANG ULO - matalino
MATALAS ANG TAINGA - madaling makarinig o makaulinig
MATALAS ANG UTAK — matalino
MATAMIS ANG DILA — mahusay mangusap, bolero
MATIGAS ANG KATAWAN — tamad
MATIGAS ANG LEEG — mapag-mataas, di namamansin
MATIGAS ANG ULO — ayaw makinig sa pangaral o utos
MAY IPOT SA ULO — taong pinagtaksilan ng asawa
MAY KRUS ANG DILA — nakapanghihimatong
MAY MAGANDANG HINAHARAP — may magandang kinabukasan
MAY SINABI — mayaman, may likas na talino NAGBABATAK NG BUTO — nagtatrabaho ng higit sa kinakailangan
NAGBIBILANG NG POSTE - walang trabaho
NAGMUMURANG KAMATIS - matandang lalaking nag-aayos binata; matandang babaing nag-aayos dalaga.
NAGPUPUSA — nagsasabi ng mga kuwento ukol sa isang tao
NAKAHIGA SA SALAPI - mayaman
NAKAPINID ANG TAINGA — nagbibingi-bingihan
NAMAMANGKA SA DALAWANG ILOG - salawahan
NAMUTI ANG MATA — nainip sa kahihintay, matagal nang naghihintay
NANININGALANG-PUGAD - nanliligaw
NINGAS-KUGON — panandalian, di pang-matagalan
PAGPUTI NG UWAK - walang maaasahan; walang kahihinatnan
PAG-IISANG DIBDIB - kasal
PAGKAGAT NG DILIM — pag lubog ng araw
PANIS ANG LAWAY — taong di-palakibo
PANTAY ANG MGA PAA — patay na
PATAY-GUTOM — matakaw
PULOT-GATA — pagtatalik ng bagong kasal
PUSONG-BAKAL - hindi marunong magpatawad
PUTOK SA BUHO — anak sa labas
SALING-PUSA — pansamantalang kasali sa laro o trabaho
SAMAING PALAD — malas na tao
SAMPAY-BAKOD — taong nagpapanggap, hindi mapagkakatiwalaan ang sinasabi
SAMPID-BAKOD — nakikisunod, nakikikain, o nakikitira
SANGA-SANGANG DILA — sinungaling
SIRA ANG ULO O TUKTOK — taong maraming kalokohan ang nasa isip; gago; luko-luko
TAINGANG KAWALI — nagbibingi-bingihan
TAKAW-TULOG — mahilig matulog
TATLO ANG MATA — maraming nakikita, mapaghanap ng mali
TAKIPSILM — paglubog ng araw
TALUSALING — manipis ang balat
TALUSIRA — madaling magbago
TAWANG-ASO — nagmamayabang, nangmamaliit
TINIK SA LALAMUNAN - hadlang sa layunin
TULAK NG BIBIG - salita lamang; di tunay sa loob
UTAK-BIYA — bobo, mahina ang ulo
UTANG NA LOOB — malaking pasasalamat na hindi kayang bayaran ng ano pa man
UTANG NA LOOB (pakiusap) — malaking pakiusap, madalas ginagamit upang ipahiwatig ang masidhing damdamin ng nakikiusap, tulad ng “parang awa mo na".

No comments:

Post a Comment

Popular Posts

Featured Post

Benefits And Social Privileges Of Senior Citizens