Showing posts with label sawikain. Show all posts
Showing posts with label sawikain. Show all posts

11.27.2008

Mga Sawikain (Filipino Idioms)

Mga halimbawa ng Sawikain:

MALAWAK ANG ISIP -- madaling umunawa; mararaming nalalaman
MALIKOT ANG KAMAY - kumukuha ng hindi kanya; kawatan
MANIPIS ANG MUKHA — mahiyain
MAPUROL ANG UTAK - bobo
MAPUTI ANG TAINGA — kuripot
MASAMA ANG LOOB - nagdaramdam
MATALAS ANG DILA — masakit magsalita
MATALAS AND MATA — madaling makakita
MATALAS ANG ULO - matalino
MATALAS ANG TAINGA - madaling makarinig o makaulinig
MATALAS ANG UTAK — matalino
MATAMIS ANG DILA — mahusay mangusap, bolero
MATIGAS ANG KATAWAN — tamad
MATIGAS ANG LEEG — mapag-mataas, di namamansin
MATIGAS ANG ULO — ayaw makinig sa pangaral o utos
MAY IPOT SA ULO — taong pinagtaksilan ng asawa
MAY KRUS ANG DILA — nakapanghihimatong
MAY MAGANDANG HINAHARAP — may magandang kinabukasan
MAY SINABI — mayaman, may likas na talino NAGBABATAK NG BUTO — nagtatrabaho ng higit sa kinakailangan
NAGBIBILANG NG POSTE - walang trabaho
NAGMUMURANG KAMATIS - matandang lalaking nag-aayos binata; matandang babaing nag-aayos dalaga.
NAGPUPUSA — nagsasabi ng mga kuwento ukol sa isang tao
NAKAHIGA SA SALAPI - mayaman
NAKAPINID ANG TAINGA — nagbibingi-bingihan
NAMAMANGKA SA DALAWANG ILOG - salawahan
NAMUTI ANG MATA — nainip sa kahihintay, matagal nang naghihintay
NANININGALANG-PUGAD - nanliligaw
NINGAS-KUGON — panandalian, di pang-matagalan
PAGPUTI NG UWAK - walang maaasahan; walang kahihinatnan
PAG-IISANG DIBDIB - kasal
PAGKAGAT NG DILIM — pag lubog ng araw
PANIS ANG LAWAY — taong di-palakibo
PANTAY ANG MGA PAA — patay na
PATAY-GUTOM — matakaw
PULOT-GATA — pagtatalik ng bagong kasal
PUSONG-BAKAL - hindi marunong magpatawad
PUTOK SA BUHO — anak sa labas
SALING-PUSA — pansamantalang kasali sa laro o trabaho
SAMAING PALAD — malas na tao
SAMPAY-BAKOD — taong nagpapanggap, hindi mapagkakatiwalaan ang sinasabi
SAMPID-BAKOD — nakikisunod, nakikikain, o nakikitira
SANGA-SANGANG DILA — sinungaling
SIRA ANG ULO O TUKTOK — taong maraming kalokohan ang nasa isip; gago; luko-luko
TAINGANG KAWALI — nagbibingi-bingihan
TAKAW-TULOG — mahilig matulog
TATLO ANG MATA — maraming nakikita, mapaghanap ng mali
TAKIPSILM — paglubog ng araw
TALUSALING — manipis ang balat
TALUSIRA — madaling magbago
TAWANG-ASO — nagmamayabang, nangmamaliit
TINIK SA LALAMUNAN - hadlang sa layunin
TULAK NG BIBIG - salita lamang; di tunay sa loob
UTAK-BIYA — bobo, mahina ang ulo
UTANG NA LOOB — malaking pasasalamat na hindi kayang bayaran ng ano pa man
UTANG NA LOOB (pakiusap) — malaking pakiusap, madalas ginagamit upang ipahiwatig ang masidhing damdamin ng nakikiusap, tulad ng “parang awa mo na".

Mga Sawikain (Filipino Idioms)

Mga halimbawa ng Sawikain:

MAGDILANG-ANGHEL - magkatotoo sana
MAHABA ANG BUNTOT — laging nasusunod ang gusto, kulang sa palo, salbahe
MAHABANG DULANG - kasalan
MAHANGIN ANG ULO - mayabang
MAHAPDI ANG BITUKA — nagugutom
MAHINA ANG LOOB -
MAINIT ANG ULO — pangit ang disposisyon
MAITIM ANG DUGO — salbahe, tampalasan
MAITIM ANG BUDHI - tuso; masama ang ugali
MAKALAGLAG-MATSING — nakaka-akit
MAKAPAL ANG BULSA - mapera
MAKAPAL ANG MUKHA — di marunong mahiya
MAKAPAL ANG PALAD - masipag
MAKATI ANG DILA — madaldal, mapunahin
MAKATI ANG PAA — mahilig sa gala o lakad
MAKITID ANG ISIP - mahinang umunawa; walang gaanong nalalaman
MAKUSKOS-BALUNGOS — mareklamo, mahirap amuin, mahirap pasayahin
MALAKAS ANG LOOB - matapang
MALAMIG ANG ULO — maganda ang sariling disposisyon
MALAPAD ANG PAPEL — maraming kakilala na makapagbibigay ng tulong

Mga Sawikain (Filipino Idioms)

Mga Halimbawa ng Sawikain:

KAPIT-TUKO - Mahigpit ang hawak
KAUTUTANG DILA — katsismisan
KIDLAT SA BILIS - napakabilis
KILOS-PAGONG - makupad, mabagal
KUSANG PALO — sariling sipag
KUMUKULO ANG DUGO — naiinis, nasusuklam
LUHA NG BUWAYA - hindi totoong nagdadalamhati; pakitang taong pananangis.
LUMAKI ANG ULO — yumabang
MAALIWALAS ANG MUKHA - masayahin; taong palangiti
MAAMONG KORDERO - mabait na tao
MAANGHANG ANG DILA — bastos magsalita
MABABA ANG LOOB — maawain
MABABAW ANG LUHA - iyakin
MABIGAT ANG DUGO - di-makagiliwan
MABIGAT ANG KAMAY — tamad magtrabaho
MABIGAT ANG LOOB — di-makagiliwan
MABILIS ANG KAMAY — mandurukot
MADILIM ANG MUKHA — taong simangot, problemado
MAGAAN ANG DUGO — madaling makapalagayan ng loob
MAGAAN ANG KAMAY — madaling manuntok, manapok, manakit

11.26.2008

Mga Sawikain (Filipino Idioms)

Ang sawikain o idioma ay salita o grupo ng mga salitang patalanghaga ang gamit. Ito'y nagbibigay ng di tuwirang kahulugan.

Mga halimbawa:

AGAW-BUHAY — naghihingalo
ALILANG-KANIN - utusang walang bayad, pakain lang; pabahay at pakain ngunit walang suweldo.
ANAK-PAWIS — magsasaka; manggagawa
ANAK-DALITA - Mahirap
BALAT-KALABAW — mahina ang pakiramdam, di agad tinatablan ng hiya
BALAT-SIBUYAS — manipis, maramdamin
BALIK-HARAP - mabuti ang pakikitungo sa harapan ngunit taksil sa likuran.
BALITANG-KUTSERO - balitang hindi totoo o hindi mapang-hahawakan.
BANTAY-SALAKAY - taong nagbabait-baitan
BASA ANG PAPEL - bistado na
BASAG-ULO — gulo, away
BUKAL SA LOOB - taos-puso; tapat
BULAKLAK NG DILA — pagpapalabis sa katotohanan
BUNGANG-ARAW — sakit sa balat
BUNGANG-TULOG - panaginip
BUSILAK ANG PUSO - malinis ang kalooban
BUTAS ANG BULSA - walang pera
BUTO'T BALAT — payat na payat
BUWAYA SA KATIHAN - usisera; nagpapautang nang malaking pera.
DALAWA ANG BIBIG — mabunganga, madaldal
DALAWA ANG MUKHA — kabilanin, balik-harap
DI MADAPUANG LANGAW - maganda ang bihis
DI MAKABASAG-PINGGAN - mahinhin
DI MAHULUGANG-KARAYOM — maraming tao
HALANG ANG BITUKA — salbahe, desperado, hindi nangingiming pumatay ng tao
HALIGI NG TAHANAN - ama
HAMPASLUPA - lagalag; busabos
ILAW NG TAHANAN - ina
ISANG KAHIG, ISANG TUKA - kakarampot na kita na hindi makakasapat sa ibang pangangailangan.
ISULAT SA TUBIG — kalimutan
ITAGA SA BATO - tandaan
ITIM NA TUPA - masamang anak
KABIYAK NG DIBDIB - asawa
KAKANING-ITIK - walang gaanong halaga; hindi maipagpaparangalan
KALAPATING MABABA ANG LIPAD - babaing nagbibili ng aliw; babaing puta.

Popular Posts

Featured Post

Benefits And Social Privileges Of Senior Citizens