11.26.2008

Mga Sawikain (Filipino Idioms)

Ang sawikain o idioma ay salita o grupo ng mga salitang patalanghaga ang gamit. Ito'y nagbibigay ng di tuwirang kahulugan.

Mga halimbawa:

AGAW-BUHAY — naghihingalo
ALILANG-KANIN - utusang walang bayad, pakain lang; pabahay at pakain ngunit walang suweldo.
ANAK-PAWIS — magsasaka; manggagawa
ANAK-DALITA - Mahirap
BALAT-KALABAW — mahina ang pakiramdam, di agad tinatablan ng hiya
BALAT-SIBUYAS — manipis, maramdamin
BALIK-HARAP - mabuti ang pakikitungo sa harapan ngunit taksil sa likuran.
BALITANG-KUTSERO - balitang hindi totoo o hindi mapang-hahawakan.
BANTAY-SALAKAY - taong nagbabait-baitan
BASA ANG PAPEL - bistado na
BASAG-ULO — gulo, away
BUKAL SA LOOB - taos-puso; tapat
BULAKLAK NG DILA — pagpapalabis sa katotohanan
BUNGANG-ARAW — sakit sa balat
BUNGANG-TULOG - panaginip
BUSILAK ANG PUSO - malinis ang kalooban
BUTAS ANG BULSA - walang pera
BUTO'T BALAT — payat na payat
BUWAYA SA KATIHAN - usisera; nagpapautang nang malaking pera.
DALAWA ANG BIBIG — mabunganga, madaldal
DALAWA ANG MUKHA — kabilanin, balik-harap
DI MADAPUANG LANGAW - maganda ang bihis
DI MAKABASAG-PINGGAN - mahinhin
DI MAHULUGANG-KARAYOM — maraming tao
HALANG ANG BITUKA — salbahe, desperado, hindi nangingiming pumatay ng tao
HALIGI NG TAHANAN - ama
HAMPASLUPA - lagalag; busabos
ILAW NG TAHANAN - ina
ISANG KAHIG, ISANG TUKA - kakarampot na kita na hindi makakasapat sa ibang pangangailangan.
ISULAT SA TUBIG — kalimutan
ITAGA SA BATO - tandaan
ITIM NA TUPA - masamang anak
KABIYAK NG DIBDIB - asawa
KAKANING-ITIK - walang gaanong halaga; hindi maipagpaparangalan
KALAPATING MABABA ANG LIPAD - babaing nagbibili ng aliw; babaing puta.

No comments:

Post a Comment

Popular Posts

Featured Post

Benefits And Social Privileges Of Senior Citizens