11.26.2008

Mga Tula (Poems)

Ang Tahanan

Bayan ang aking tahanan na
pugad ng tuwa’t aliw,
na siya kong tinirahan mulang
ako ay lalangin.

Diyan ako inaruga, pinalaki at
nang ginising!
diyan ako nagkaisip, nagkadiwa
at nagkadamdam.

Diyan ko rin nakilala ang masama
at magaling,
na sa turo ng ina ko’y iwawaksi’t
mamahalin

Sa tahanan sinimulan na pinanday
at ninutok
ang diwa ng kabataang sa matanda’y
siyang tungkod;

Sa tahanan una-unang binigkas ang
sampung utos
ng ina sa kanyang anak na may puso
pang malambot

Doon natutong magdasal at makilala
ang Diyos;
Ang gumalang sa matanda’t sa kapwa
ay umirog.

No comments:

Post a Comment

Popular Posts

Featured Post

Benefits And Social Privileges Of Senior Citizens