11.30.2008

Tagalog Love Songs

DAHIL SA IYO
Mike Velarde -- Composer

Sa buhay ko'y labis
Ang hirap at pasakit, ng pusong umiibig
Mandin wala ng langit
At ng lumigaya, hinango mo sa dusa
Tanging ikaw sinta, ang aking pag-asa.

Dahil sa iyo, nais kong mabuhay
Dahil sa iyo, hanggang mamatay
Dapat mong tantuin, wala ng ibang giliw
Puso ko'y tanungin, ikaw at ikaw rin

Dahil sa iyo, ako'y lumigaya
Pagmamahal, ay alayan ka
Kung tunay man ako, ay alipinin mo
Ang lahat ng ito, dahil sa iyo

This song desribes the reason for one's undying love for someone.


ANG TANGI KONG PAG-IBIG
ni Constancio C. de Guzman

Ang tangi kong pag-ibig ay minsan lamang
Ngunit ang 'yong akala ay hindi tunay
Hindi ka lilimutin magpakailan man
Habang ako ay narito at nabubuhay.

Koro:
Malasin mo't nagtitiis ng kalungkutan
Ang buhay ko'y unti-unti nang pumapanaw
Wari ko ba, sinta, ako'y mamamatay
Kundi ikaw ang kapiling habang buhay.

This song describes a man's vicarious "slow death" as he longs for his beloved. It appears that the man's love was thought to be insincere by the object of his affection.


MAALA-ALA MO KAYA?

Huwag mong sabihing ikaw'y hamak
Kahit na isang mahirap
Pagkat ang tangi kong pag-ibig
Ganyan ang hinahanap

Aanhin ko ang kayamanan
Kung ang puso'y salawahan
Nais ko'y pag-ibig na tunay
At walang kamatayan

Maala-ala mo kaya
Ang sumpa mo sa akin
Na ang pag-ibig mo ay
Sadyang di magmamaliw
Kung nais mong matanto
Buksan ang aking puso
At tanging larawan mo
Ang doo'y nakatago.
Di ka kaya magbago
Sa 'yong pagmamahal
Hinding-hindi giliw ko
Hanggang sa libingan
O kay sarap mabuhay
Lalo na't may lambingan
Ligaya sa puso ko
Ay di na mapaparam

(repeat 4th and 5th stanzas)

This song is about promises made by lovers to be faithful to each other. It is also about the way love is able to overcome economic disparities among people in love. What is important, according to the song, is love that is sincere, true, and eternal. Love makes life worth living.


HINDI KITA MALIMOT
ni J. Cenezal

Hindi kita malimot, alaala kita
Hindi kita malimot, minamahal kita
Na ikaw lamang ang tangi kong minamahal
Hindi kita malimot huwag kang manimdiman
Hindi kita malimot manalig ka sinta
At kung ikaw man ay lumimot
Iyong alalahanin mahal pa rin kita
Sa pangarap ko lamang lagi kang nakikita
Dahil sa nawawalay ka sa akin sinta
Ako'y dumadalangin lalo na kay Bathala
Upang huwag kang lumimot
Pagkat mahal kita

(repeat first stanza)

This song talks about one's beloved who cannot be forgotten. He swears that even if his beloved forgets, he will still love her. He prays to God that she will not forget him even though he sees her only in his dreams because he is so far away from her.


BUHAT
ni Mike Velarde

Bawat buhay ay may kasaysayan
Tulad ng pinangyarihan
Nang tayo'y magtanaw
Takot lamang ay di mo pakinggan
Ngunit ang katotohanan
Kita'y minamahal
Buhat ng kita'y masilayan
Buhat ng mapanagimpan
Laging hinahanap at inaasam
Bilin ay damhin yaring pagmamahal

At magbuhat ng makita ka lamang
Bawat masdan ko'y kariktan
Dulot ay sadyang kaligayahan
Na nagbuhat sa iyo buhay n'yaring buhay

(repeat 3rd stanza)

This song is about someone who reminisces the first time that he saw his beloved's face, and how since then he has been smitten by her. His life has been much happier since he saw her face.


DAHIL SA ISANG BULAKLAK
ni Leopoldo Silos at Levi Celerio

Dahil sa isang bulaklak
Sumilang ang pag-ibig
Bawat tibok ng kanyang puso
Ay luha at paghihirap
Puso'y sadyang natiis
Nagdusa sa pag-ibig
Di magbabago kailan man
Ang pagmamahal
Iyan ang pag-ibig
Dahil sa isang bulaklak

Bawat tibok ng kanyang puso
Ay luha at paghihirap
Puso'y sadyang nagtiis
Nagdusa sa pag-ibig
Di magbabago kailan man
Ang pagmamahal
'Yan ang pag-ibig
Dahil sa isang bulaklak

This song is about how, because of a flower, love was born and how that love has to endure all suffering and pain. Love is eternal and changeless, all because of a flower.


BASTA'T MAHAL KITA
ni Leopoldo Silos/Levi Celerio

Isipin mong basta't mahal kita
Wala namang magagawa sila
Kapag ako'y kausap ng iba
Walang dapat ipangamba
Basta't mahal kita'y sapat na 'yan
Ituring mong sumpa kailan pa man
Basta't mahal kita
Tahimik na itong buhay

chorus:
Kahit tayo'y di magkita
Sa puso ko'y kapiling ka
Basta't mahal kita sa gabi't araw
Basta't mahal kita'y kasiyahan.

(repeat 1st, 2nd stanzas, and chorus)

This song is about someone assuring his beloved not to be worried about his love for her, that he is forever faithful regardless of what other people say.


WALANG KAPANTAY
ni. M.P. Villar/Ed Sangcap

Nagmamahal ako sa iyo
Kahit ako'y iyong iniwan
Masakit man ang nangyari
Hindi kita malimutan
Alam kong mayroon kang ibang minamahal
At 'yan ang katotohanan
Sa wari ko ang sabi niya
Pag-ibig ko sa iyo'y
Langit ang kapantay

Sayang at hindi mo nalaman
Na ang aking pag-ibig
Ay walang kapantay

(repeat 1st, 2nd, and 3rd stanzas)

This song is about one's undying love to his beloved, who already loves someone else. He recognizes the hurt and pain of it all but regrets that his beloved failed to realize this his love does not equal anything, even heaven.


SAAN KA MAN NAROROON
ni Resty Umali/Levi Celerio

Saan ka man naroroon sinta
Pag-ibig kong wagas
Ang iyong madarama
Kailan pa man sa iyo'y di lilimot
Pusong uhaw sa iyong pag-irog

Saan ka man naroroon sinta
Pangarap ko'y ikaw
Pagkat mahal kita
Asahan mong sa habang panahon
Alaala kita
Saan ka man naroroon

Asahan mong sa habang panahon
Alaala kita
Saan ka man naroroon

(repeat last stanza)

This song is about one's undying love to his beloved, wherever she goes, wherever she may be. His love is eternal and will only be filled of her memory.


Mga Awiting Pinoy

No comments:

Post a Comment

Popular Posts

Featured Post

Benefits And Social Privileges Of Senior Citizens