S. S. Suarez - Composer
Bakya mo, Neneng, luma at kupas na
Ngunit may bakas pa ng luha mo, Sinta;
Sa alaala'y muling nagbalik pa
Ang dating kahapong tigib ng ligaya.
Ngunit, irog ko, bakit isang araw
Hindi mo ginamit ang bakya kong inalay?
Sa wari ko ba'y di mo kailangan
Pagkat kinupasan ng ganda at kulay.
Ang aking pag-asa'y saglit na pumanaw
Sa bakya mo, Neneng, na di pa nasilayan.
Kung inaakalang 'yan ang munting bagay,
Huwag itapon, aking hirang,
Ang aliw ko kailan man.
This traditional song is about a man who asks why his former beloved decided, one day, not to wear the wooden shoe which he gave her. He wonders if she will just throw it away, now that it is already old and worn out, but he still hopes that she will not.
ANG DALAGANG PILIPINA
J. Santos -- composer
Ang dalagang Pilipina, parang tala sa umaga
Kung tanawin ay nakaliligaya
May ningning na tangi at dakilang ganda
Maging sa ugali, maging kumilos
mayumi, mahinhin, mabini ang lahat ng
ayos
Malinis ang puso maging sa pag-irog
may tibay at tining ng loob
Bulaklak na tanging marilag, ang bango
ay humahalimuyak
Sa mundo'y dakilang panghiyas,
pang-aliw sa pusong may hirap.
Batis ng ligaya at galak, hantungan ng
madlang pangarap.
Iyan ang dalagang Pilipina, karapat-dapat
sa isang tunay na pagsinta.
This song basically describes the beauty of a Filipina woman. It tells about the attributes of a Filipina and why she deserves genuine love.
SAPAGKAT KAMI AY TAO LAMANG
ni Tony Maiquez
Puso, kahit hindi turuan
Nakapagtataka natututuhan din ang magmahal
Tunay kami'y nagmamahalan
Kung kasalanan man ay sapagkat
Kami ay tao lamang
Kahit Diyos na ang siyang may utos
Dahil sa pagsinta
Damdamin din ang siyang nasusunod
Di ba tayo ay tao lamang
Ganyan tayong lahat
O kay saklap ng buhay
At kung iyan may ay kasalanan
Ay sapagkat kami ay tao lamang
(Bridge)
Kahit Diyos na ang siyang may utos
Dahil sa pagsinta
Damdamin din ang siyang nasusunod
Di ba tayo ay tao lamang
Ganyan tayong lahat
O kay saklap ng buhay
At kung iyan man ay kasalanan
Ay sapagkat kami ay tao lamang
This song is about human imperfection, about the power of love over obedience to laws, including God's commandments. The song finds human imperfection as a justification to love that goes against convention and God's laws.
Mga Awiting Pinoy
No comments:
Post a Comment