BAHAY, TAHANAN, AT PAMILYA
(House, Home, and Family)
1. Pagpapatayo ng Bahay (Constructing a House)
- Kung magpapatayo ng bahay, laging magsimula sa kabilugan ng buwan. (If you are to build a house, always begin during a full moon.)
- Ang pinakamainam na panahon sa pagpapatayo ng bahay ay sa mga buwan ng Marso, Hunyo, Hulyo, Agosto, Septyembre, at Nobyembre. (The best months to build a house is during the months of March, June, July, August, September, and November.)
- Huwag na huwag magpapatayo ng bahay sa pinakadulo ng kalsadang walang lagusan. (Never build your house at the end of a cul de sac, or "dead end" road.)
- Malas ang bahay na may labing-tatlong poste. (It is bad luck for a house to have thirteen posts.)
- Kapag magpapatayo ng bahay, laging isipin na maglagay ng ilang bagay sa ilalim ng bawat haligi o poste ng bahay, gaya ng mga lumang barya at mga medalyang pangrelihiyoso. Ito ay magpapa-alis ng mga masasamang espiritu at mangangalaga ng prosperidad. Ang mga piyesa ng musika, medalya, at mga barya ay magngangalaga ng pagkakaisa at katahimikan sa loob ng bahay. (When building a house, always remember to place certain things under each structural post. Old coins and religious medals will drive away evil spirits and ensure prosperity. Musical score sheets, medals, coins ensure harmony as well.)
- Ang bilang ng mga hakbang sa hagdanan ay hindi dapat napapangkat ng tatluhan. Bilangin ang mga hakbang mg oro (ginto), plata (pilak), at mata (kamatayan). Ang huling hakbang ay hindi dapat magtapos sa mata. (The number of steps ona stairase should not be in multiples of three. Count off the steps as oro (gold), plata (silver), and mata (death). The last step must not fall on mata.)
- Laging lumipat sa bagong bahay sa araw ng Miyerkules o Sabado. (Always move into a new house on a Wednesday or Saturday.)
- Kapag ikaw ay lumipat sa bagong bahay isang araw bago sumapit ang kadiliman ng buwan, ikaw ay hindi magugutom. (If you move to a new home one day before the new moon, you will never go hungry.)
- Ang unang mga bagay na dapat ipasok sa loob ng bagong bahay sa araw ng paglipat ay bigas at asin. (The first things one should carry into a new home n moving day are rice and salt.)
- Sa paglipat sa bagong bahay, isabog ang mga barya sa sala upang ang prosperidad ay maghari. (When moving into a new home, scatter coins in the living room so prosperity will reign.)
- Ang bilang ng mga taong natutulog sa loob ng bagong bahay sa unang araw ng pagkalipat ay dapat pareho sa loob ng siyam na araw. Kung hindi, may mamamatay sa bahay na iyon. (The number of people sleeping in a new house the first night should be the same for nine consecutive days. Otherwise, death will occur in that house.)
2. Mga Palatandaan at Pahiwatig (Signs and Omens)
- Kapag nakakita ng mga bubuyog sa loob ng bahay, ito ay maghahatid ng kayamanan at swerte sa mga naninirahan. (Bees found inside the house will bring fortune and good luck to its occupants.)
- Kapag ang mga kalapati ay lumisan mula sa isang bahay, ito ay tanda ng kawalan ng pagkakaisa at harmonya doon, dahil ang mga nakatira doon ay laging nag-aaway. (When doves and pigeons leave a house, it is a sign that there is no harmony there, because its owners quarrel all the time.)
- Kung nais mong maalisan ng mga surot sa iyong bahay, maglagay ka ng ilan sa isang papel at iwan mo ito sa bahay ng sinuman. Ang mga surot ay lilipat sa bahay na iyon. (If you want to rid your house of bedbugs (fleas), place some on a piece of paper and then leave them in someone else's house. The bedbugs will move to that house.)
- Kung gusto mong umalis agad ang mga bisitang hindi kanais-nais sa iyong bahay, patago kang magsabog ng asin palibot sa iyong bahay at sila ay agad na aalis. (If you wish to rid your home of unwanted visitors, secretly sprinkle salt around the house and they will soon depart.)
- Ang isang bisita ay hindi dapat umalis ng isang bahay habang ang pamilya doon ay kumakain pa, dahil ang pagbubukas ng pinto ay magiging sanhi ng pagkawala ng lahat ng magandang swerte ng pamilya. (A guest should not leave the house while the family is eating because opening the doors will let out all the family's good fortune.)
- Ang lahat ng bintana sa bahay ay dapat bukas sa Araw ng Bagong Taon upang papasukin ang biyaya ng Diyos. (All windows in a house should be opened on New Year's Day to let God's grace in.)
Mga iba pang Pamahiin:
- PAG-IBIG, PANLILIGAW, AT PAG-AASAWA (Love, Courtship, and Marriage)
- PAGBUBUNTIS AT PANGANGANAK (Conception and Childbirth)
- MGA SANGGOL AT MGA BATA (Infants and Children)
- SALAPI AT KAYAMANAN (Money and Wealth)
- MGA PAGKAIN AT ANG PAGKAIN (Food and Eating)
- PAGKAKASAKIT AT KAMATAYAN (Illness and Death)
- MGA BILANG AT KULAY (Numbers and Colors)
- MGA HAYOP (Animals)
- MGA PALATANDAAN AT PAHIWATIG (Signs and Premonitions)
- MALAS, SWERTE (Bad Luck, Good Luck)
- MGA IBA PANG PAMAHIIN (Other Folk Beliefs)
related article: Your Sign and Personality Traits
No comments:
Post a Comment