Showing posts with label folk beliefs. Show all posts
Showing posts with label folk beliefs. Show all posts

5.08.2018

Mga Iba Pang Pamahiin

MGA IBA PANG PAMAHIIN
(Other Folk Beliefs)

1. Pagtulog at Pananaginip (Sleeping and Dreaming)

Iwasan ang pag-ulit ng iyong panaginip sa pamamagitan ng pagbaligtad ng iyong unan.
(Avoid recurring dreams by turning your pillow upside down.)

Laging matulog na nakaharap sa silangan, kundi ikaw ay hindi magkakaroon ng magandang kinabukasan.
(Always sleep facing east, or you will not face a bright future.)

Kung tinutulugan ng isang tao ang kanyang mga libro, siya ay magiging palatandain.
(If a person sleeps on her book, she will have a good memory.)

Pagkatapos mag-aral sa gabi, ilagay ang librong iyong pinag-aaralan sa ilalim ng iyong unan, at mananatili ang iyong pinag-aralan sa iyong isip.
(After studying at night, place the book you've been studying under your pillow, and you will retain what you have read.)


2. Kapag Gabi Na (When Night Falls)

Umiyak ka sa gabi upang ikaw masaya sa kinabukasan.
(Cry at night and you will be happy tomorrow.)

Huwag kang magsuklay ng iyong buhok sa gabi dahil baka ikaw ay maging kalbo, ulila, balo. Subalit kung kailangang suklayin mo ang iyong buhok sa gabi, kagatin mo muna ang dulo ng suklay.
(Don't comb your hair at night, lest you become bald, orphaned, or widowed. But if you must comb at night, bite the tip of the comb first.)

Kapag namamasyal kasama ang iyong mga kaibigan, lalu na sa gabi, dapat ay lagi kayong magkasama bilang isang grupo na pantay ang bilang. Kung hindi pantay ang inyong bilang, ang isa sa inyo ay kukunin ng mga espritu upang gawing pantay ang bilang.
(When walking with friends, especially at night, always travel as a group of even number. If it is an odd number, one of you will be taken away by the spirits to make the number even.)

Ang mga nalabhang damit ay dapat kuhanin mula sa sampayan sa gabi, upang ang mga ito ay hindi kunin at isuot ng mga dwende.
(Washed clothes should be taken fromt he clothesline at night, lest they be stolen and worn by dwarfs.)


3. Sa Ilang Mga Araw (In Some Days)

Anuman ang iyong ginagawa o nararamdaman sa Araw ng Bagong Taon ay magpapatuloy sa loob ng buong taon.
(Whatever you do or feel on New Year's Day will continue the rest of the year.)

Mas mabuti na makakita ng pera sa Araw ng Bagong Taon sa halip na gastusin ito.
(Better to find money on New Year's Day than spend it.)

Ang pagtalon sa umaga ng Pasko ng Pagkabuhay ay magpapabilis ng paglaki at magpapatangkad sa isang tao.
(Jumping on Easter morning hastens growth and makes a person taller.)

Kapag tumunog ang kampana sa Lingo ng Pagkabuhay, sumigaw ng napakalakas at ikaw ay magkakaroon ng mahabang buhay.
(When the bells ring on Easter Sunday, shout at the top of your lungs and you will have a long life.)



4. Mga Dapat at Di Dapat Gawin (Dos and Don'ts)

Huwag kang magsusugal kapag ikaw ay bagong gupit, kung hindi ikaw ay siguradong matatalo.
(Don't gamble if you've just had a haircut, for you are certain to lose.)

Huwag mamimigay ng mga sapatos na walang bayad. Sa halip, itapon ang mga sapatos paitaas sa hangin at kung sino man ang makadampot ng mga ito ay siya ang magmay-ari, o di kaya ay bayaran niya ang mga sapatos ng singko sentimos.
(Never give a pair of shoes away for free. Either throw up the shoes up int he air and let the prospective owner pick them up, or let him or her buy it for five centavos.)

Huwag upuan ang mga libro, kung hindi ikaw ay magiging bobo.
(Don't seat on books, or you will be dumb.)

Bago magtapon ng mainit na tubig sa lupa, magbigay muna ng hudyat sa mga dwende. Kapag sila ay nasalanta, sila ay maaaring maghiganti sa pamamagitan ng pagbibigay sa iyo ng sakit.
(Before throwing hot water onto the ground, give a warning to the elves. When harmed, they may retaliate by making you sick.)

Bago tumapak sa isang bundok ng mga langgam, manghingi muna ng paumanhin. Kung hindi, ikaw ay papaglaruan ng isang espiritu.
(Before stepping on an anthill, first ask to be excused. Otherwise, a spirit may play tricks on you.)

Maglagay ng luya sa iyong katawan kapag ikaw ay bumibisita sa mga lugar na hindi madalas puntahan ng ibang tao, upang ikaw ay hindi mapahamak sa mga kamay ng mga masasamang espiritu sa lugar na iyon.
(Carry a piece of ginger on your body when you visit a place not frequented by others, so that the evil spirits of that place will not harm you.)

Kapag ikaw ay naglalakad sa gubat, magpahid ng bawang sa iyong mga paa upang ikaw ay hindi mapahamak sa mga hayop doon.
(If you walk int he forest, rub your feet with garlic to prevent animals from harming you.)

Huwag sirain o putulin ang isang puno ng balete dahil ito ay bahay ng mga enkantada at iba pang mga esperitu ng mga engkanto.
(Do not harm or cut down a balete tree, because it is a dwelling place of fairies and enchancted spirits.)

Huwag sumipol o umawit sa gubat baka ikaw ay gayahin ng mga engkanto at maging dahilan ng iyong pagkakasakit.
(Don't whistle or sing in the forest, lest the enchanted spirits imitate you and cause to fall ill.)

Kapag may bumahing habang ikaw ay paalis na ng iyong bahay, huwag mo nang ituloy ang iyong lakad dahil baka may sakunang mangyayari sa iyo.
(If someone sneezes while you are about to leave your house, postpone your trip or something bad will happen to you.)

Upang maalis ang iyon takot habang ikaw ay nagsasalita sa harap ng publiko, maglagay ng isang sentimo sa loob ng iyong sapatos.
(To overcome stage fright when speaking in public, tuck one-centavo coin inside the shoes you are wearing.)

Huwag putulin ang iyong kuko sa gabi, o sa mga araw ng Martes, Miyerkules, at Biyernes.
(Don't cut your nails at night, or on Tuesdays, Wednesdays, or Fridays.)

Kung ikaw ay maligaw, baligtarin mo ang iyong damit at makikita mo ang tamang daan.
(If you happen to get lost, invert your clothes and you will find your way.)

Upang huwag umulan, kumuha ng abo mula sa iyong kusina at isabog ito sa iyong bakuran.
(To prevent rain, take ashes from the kitchen and spread them over your yard.)

Huwag lumabas kapag araw ng Huwebes at Biyernes Santo, dahil ang mga masasamang engkantada ay nagsisipaglabasan sa mga araw na ito upang manakit ng mga tao.
(Don't go out on Holy Thursday and Good Friday, for evil fairies are roaming around to hurt people.)


5. Kailan Di Dapat Maligo
(When Not to Take a Bath or Shower)

Huwag maliligo sa araw ng Biyernes (Don't take a bath on a Friday.)

Huwag maliligo sa hapon. (Don't take a bath in the afternoon.)

Huwag maliligo sa gabi. (Don't take a bath in the evening.)

Huwag maliligo sa unang Biyernes ng buwan. (Don't take a bath on the first Friday of the month.)

Huwag maliligo sa araw ng Biyernes Santo. (Don't take a bath on a Good Friday.)

Huwag maliligo sa Araw ng Bagong Taon. (Don't take a bath on New Year's Day.)

Huwag maliligo sa araw ng piyesta ni San Lazaro. (Don't take a bath on the feast day of St. Lazarus.)

Huwag maliligo sa ika-labing tatlong araw ng buwan. (Don't take a bath on the thirteenth day of the month.)

Huwag maliligo kapag ikaw ay gutom. (Don't take a bath when you are hungry.)

Huwag maliligo matapos kumain. (Don't take a bath after eating.)

Huwag maliligo bago magsugal. (Don't take a bath before gambling.)

Huwag maliligo pagkatapos magsimba. (Don't take a bath after going to church.)

Huwag maliligo sa kapag may bahag-hari. (Don't take a bath when there is a rainbow.)

Huwag maliligo sa kabilugan ng buwan. (Don't take a bath during a full moon.)



MGA IBA PANG KASABIHAN O PAMAHIIN UKOL SA:

5.07.2018

Mga Pamahiin ukol sa Malas at Swerte (Bad Luck and Good Luck)

MALAS, SWERTE
(Bad Luck, Good Luck)

1. Mga Pahiwatig (Omens)

Ang isang itim na pusa na dumaan sa iyong nilalakaran ay masamang pahiwatig. Ang itim na pusa demonyo na nag-ibang anyo.
(A black cat crossing your path is a bad omen. A black cat is a demon in disguise.)

Kapag nakakita ka ng dilaw na paruparo, ito ay magdadala sa iyo ng swerte.
(Encountering a yellow butterfly will bring you good luck.)

Kapag pumasok sa iyong bahay ang isang brawn na paruparo, ikaw ay mawawalan ng pera.
(If a brown butterfly enters your house, you will lose money.)

Kapag ikaw nagising dahil sa huni ng mga ibon sa madaling araw, ang swerte ay naghihintay sa iyo.
(If you are awakened by chirping birds at dawn, luck awaits you.)

Kapag nanaginip ng mga isda, mga puno, o mga ahas, ito ay tanda ng swerte, pera, o kaligayahan.
(Dreaming of fish, trees, or snakes means good fortune, money, or happiness.)


2. Mga Dapat at Di Dapat Gawin (Dos and Don'ts)

Kapag ikaw ay nahiga na nakaharap sa pintuan ang iyong mga paa, ito ay magdadala sa iyo maagang kamatayan.
(Lying down with your feet facing the door will bring you an early death.)

Kapag nagpalamuti ka ng perlas sa iyong damit, ito ay nangangahulugan na ikaw ay maraming luhang itatangis.
(Adorning your dress with pearls means you will shed many tears.)

Huwag mong tahiin ang iyon damit habang suot mo ito, kundi may masamang mangyayari sa iyo.
(Do not mend your clothes while wearing them, or harm will befall you.)

Ang pagtapak sa unan ay maghahatid ng malas.
(Stepping on a pillow brings misfortune.)

Ang isang taong may lakad patungo kung saan ay hindi dapat ituloy ang kanyang lakad kung sakaling siya ay matapilok pagkalabas ng bahay. Ito ay pahiwatig na may masamang mangyayari sa kanya kapag itinuloy niya ang kanyang lakad.
(A person who is headed somewhere should not proceed with her journey if she trips on something after leaving the house. Otherwise, something terrible will happen to her.)

Kapag inupuan mo ang iyong bag habang ikaw ay nagbibiyahe, hindi ka makakarating sa iyong paroroonan.
(If you sit on your bag while travelling, you will not reach your destination.)

Ang taong nagbabasag ng salamin ay makakaranas ng pitong taong kamalasan.
(A person who breaks mirrors faces seven years of bad luck.)

Sa pagsapit ng alas-dose ng hating-gabi bago mag-Bagong Taon, kumain ka ng labing-dalawang ubas na kumakatawan sa labing-dalawang buwan ng taon. Makakasiguro ka na ikaw ay magkakaroon ng pera at swerte sa loob ng buong taon.
(At the stroke of midnight on New Year's Eve, eat twelve grapes which represent the twelve months of the year. This will ensure money and good luck throughout the year.)

Ang pagsipol sa gabi ay pag-iimbita sa mga masasamang espiritu.
(Whistling at night invites evil spirits.)

Ang pagsuot ng dyamante ang magbibigay ng proteksyon sa nagsusuot laban sa mga taong may masasamang isip.
(Wearing a diamond protects the bearer from evil-minded people.)


MGA IBA PANG KASABIHAN O PAMAHIIN UKOL SA:

5.06.2018

Mga Palatandaan at Pahiwatig (Signs and Premonitions)

MGA PALATANDAAN AT PAHIWATIG
(Signs and Premonitions)

1. Mga Marka sa Katawan (Body Marks)

Ang taong may taling sa kanyang paa ay nangangahulugan na siya ay ipinanganak na mahilig makipagsapalaran.
(A person with a mole on his foot is a born adventurer.)

Ang taong may taling sa kanyang mukha ay magiging matagumpay na negosyante.
(A person with a mole on his face will be successful in business.)

Ang taong may taling sa gitna ng kanyang ilong ay magiging mayaman pero hindi masaya.
(A person with a mole in the middle of her nose will be rich but unhappy.)

Ang taong may taling na malapit sa kanyang mata ay kaakit-akit sa ibang kasarian.
(A person with a mole close to his eye is attractive to the opposite sex.)

Ang taling sa kamay ang nagpapahiwatig ng kayamanan o pagiging magnanakaw.
(A mole on the hand signifies wealth or thievery.)

Ang taong may taling sa kanyang likod ay nagpapahiwatig na siya ay tamad.
(A mole on one's back is a sign of laziness.)


2. Sa Hugis ng Kanyang Katawan
(By the Shape of His/Her Body Parts)

Ang taong may malaking tenga ay mabubuhay ng matagal.
(A person with big ears will have a long life.)

Ang mga babaeng may malapad na balakang ay magkaka-anak ng marami.
(Women with wide hips will bear many children.)

Ang mga taong natural na kulot ang buhok ay mahirap maintindihan ang takbo ng isip o di kaya ay laging mainitin ang ulo. (People with naturally curly hair are moody or ill-tempered.)

Ang mga taong magkasalubong ang mga kilay ay madaling magselos.
(People with eyebrows that almost meet easily get jealous.)

Ang mga lalaking mabuhok ang dibdib ay mga palikero.
(Men with hairy chests are playboys.)

Ang isang taong may mga linya na tumatakbo mula sa kanyang palad hanggang sa kanyang mga daliri ay matagumpay sa kanyang negosyo.
(A person with lines running from the palm ofhis hand to his fingers is successful in business.)

Ang mga taong may malalaking puwang sa pagitan ng kanilang mga ngipin ay likas na mga sinungaling.
(People whose teeth are spaced far apart are liars.)


3. Mga Iba Pang Pahiwatig (Other Omens)

Kapag nakagat ng isang tao ang kanyang dila, ito ay pahiwatig na may nakaalala sa kanya o di kaya siya pinag-uusapan.
(If a person bites his tongue, it means someone is thinking of him or talking about him.)

Kapag nakalimutan ng isang tao ang nais niyang sabihin, ito ay nagpapahiwatig na linuha ng demonyo ang kanyang mga salita.
(If a person forgets what he wants to say, it means that the devil snatched his words.)

Ang babaeng nagsusuklay ng kanyang buhok na nakatalikod sa pintuan ay tanda ng pagiging taksil. (A woman who combs her hair with her back facing the door is a sign of infidelity.)

Kapag nahulog ang lahat ng palito sa loob ng kahon ng posporo, ikaw ay magkakaroon ng di inaasahang bisita.
(If all the matches should fall out of a matchbox, you will have an unexpected visitor.)

Ang buwan na nagsisimula sa Biyernes ay magiging puno ng aksidente.
(A month that starts on a Friday will be full of accidents.)

Ang isang taong laging gumagamit ng pangbanda sa katawan tuwing Biyernes ay isang mangkukulam.
(A person who always uses a bandage on Fridays is a witch.)

Ang paglitaw ng isang kometa ay isang pahiwatig ng giyera, salot, o sakit.
(The appearance of a comet is an omen of war, famine, or illness.)

Kapag ang isang matanda ay tumatawa habang natutulog, ito ay pahiwatig na isang kamag-anak niya ay mamamatay. Kapag naman tumatawa ang isang bata habang natutulog, ibig sabihin siya ay nakikipaglaro sa mga anghel.
(When a sleeping adult laughs, it means that a relative will die. On the other hand, if a child laughs while sleeping, it means that angels are playing with him.)


MGA IBA PANG KASABIHAN O PAMAHIIN UKOL SA:

Mga Pamahiin ukol sa Mga Hayop (Superstitious Beliefs on Animals)

MGA HAYOP
(Animals)

1. Mga Pahiwatig (Signs)

Kapag lumakad ang isang manok sa ulan, ang ulan ay titigil.
(If a chicken walks in the rain, the rain will stop.)

Kapag nagliparan ang mga gamu-gamo sa gabi, ito ay nangangahulugan na uulan.
(If moths fly at night, it is a sign that it will rain.)

Kapag nagsipag-ingay ang mga palaka sa tag-araw, ito ay nagpapahiwatig na malapit ng umulan.
(If frogs croak in the summertime, it is a sign of the coming rain.)

Ang isang pusang nagpupunas ng kanyang mukha ay nangangahulugan na may darating na bisita.
(A cat wiping its face is a sign that a visitor is coming.)

Ang isang inahing manok na tumilaok sa madaling araw ay nagpapahiwatig na ang isang babaeng walang asawa ay buntis.
(A hen clucking at daw is a sign that an unmarried woman is pregnant.)

Kapag tumatahol ang mga aso sa gabi, ito ay nagpapahiwatig na nagsisipaglibot ang mga masasamang espiritu.
(If dogs howl at night, it means that evil spirits are lurking in the around.)

Kapag nagiingay ng madalas ang isang butiki sa bahay, ibig sabihin ay may darating na sulat o bisita. (When a house lizard makes a lot of noise, expect a letter or a visitor.)

Kapag nakakita ka ng isang gagamba sa gabi, ito ay nagpapahiwatig ng magandang swerte; samantalang kapag nakakita ka ng isang gagamba sa araw, ito ay pahiwatig ng malas.
(If you see a spider at night, it is a sign of good luck; but if you see a spider during the day, it is a sign of bad luck.)

Kapag nahulog ang isang gagamba mula sa kanyang sapot at hindi nakabalik, ito ay nagpapahiwatig na magkakaroon ng hinagpis sa pamilya. Subalit kung ito ay nahulog at nakabalik na muli sa kanyang sapot, ito ay nangangahulugan na ang kaligayahan ay parating na.
(If a spider falls from his web and fails to climb back up, it signifies sorrow for the family. But if it falls and climbs back up again, it means that happiness at hand.)

Kapag ang manunugal ay nakasalubong ng isang butiki habang siya ay papunta sa isang sabong, ito ay pahiwatig ng malas. Kung ang nakasalubong naman niya ay isang ahas, ito ay swerte.
(If a gambler meets a lizard on the way to the cockpit, it is a sign of bad luck. But if he meets a snake, it is good luck.)


2. Mga Dapat at Di Dapat Gawin (Dos and Don'ts)

Huwag na huwag kang gagamit ng masamang salita sa mga daga at baka ikaw ay kanilang dalhan ng salot. Dapat ay tawagin mo silang mga mabait.
(Don't speak ill of mice, or they will harm you. Call them good creatures.)

Pagkatapos bilhin ang biik, ilibot mo ito sa iyong bahay ng pitong beses upang hindi ito maligaw.
(After buying a piglet, walk it around your house seven times so it will not go astray.)


MGA IBA PANG KASABIHAN O PAMAHIIN UKOL SA:

5.05.2018

Mga Pamahiin ukol sa Mga Bilang at Kulay (Superstitious Beliefs on Numbers and Colors)

MGA BILANG AT KULAY
(Numbers and Colors)

1. Mga Bilang (Numbers)

Kapag tatlong tao ang nagpapakuha ng larawan, ang taong nasa gitna ang siyang unang mamamatay. (When three people pose for a photo, the one in the middle will be the first to die.)

Ang taong may dalawang puyo' ay nangangahulugang siya ay salbahe.
(A person with two cowlicks is said to be mischievous.)

Ang mga malas na pangyayari ay dumarating na tatlong sunod-sunod.
(Tragic events happen in threes.)

Ang isang kulog ay nagpapahiwatig na isang kilalang tao ang namatay.
(A single rumble of thunder announces the death of a prominent person.)

Ang pagkakaroon ng tatlong magkakasunod na anak na magkapareho ang kasarian ay magdudulot ng swerte sa mga magulang.
(Giving birth consecutively to three children of the same sex will bring luck to the parents.)

Ang mga manunugal na nakakita ng bilang 7 ay matatalo.
(Gamblers who encounter the number 7 will lose.)

Ang pagbasag ng salamin sa araw ng Biyernes ay magdudulot ng malas sa loob ng pitong taon. (Breaking a mirror on a Friday will bring seven years of bad luck.)

Ang mga bilang na 3, 5, at 9 ay malas.
(The numbers 3, 5, and 9 are unlucky.)

Ang bilang 13 ay parehong swerte at malas.
(Thirteen is both a lucky and an unlucky number.)

Huwag piliin ang bilang na 22 para sa araw ng kasal. Dahil sa ang hugis ng bilang na ito ay "nakaluhod", hindi ito magdudulot ng prosperidad sa magkabiyak.
(Do not choose the number 22 for a wedding day. Since the number is in the "kneeling" position, it will not give the couple prosperity.)

Kapag ang kabuuang bilang ng mga titik o letra ng mga pangalan ng parehong mag-asawa ay 30 o mahigit pa, ito ay nangangahulugan ng swerte.
(If the number of letters comprising the names of both husband and wife add up to 30 or more, it means good luck.)

Ang isang taong nanaginip ng mga bilang ay mananalo sa loterya.
(A person who dreams of numbers will win the lottery.)


2. Mga Kulay (Colors)

Ang pulang kotse ay magiging malapit sa mga sakuna o aksidente.
(A red car is prone to accidents.)

Ang isang taong maitim ang gilagid ay sinasabing seloso.
(A person with dark gums is said to be the jealous type.)

Ang paboritong kulay ng isang tao ay nagpapahiwatig ng kanyang personalidad -- dilaw para sa pagiging seloso, pula sa pagiging maliksi, puti sa pagiging matahimik, berde sa pagiging puno ng pag-asa, at asul o bughaw sa pagiging malungkutin.
(A person's favorite color reveals some facets of her personality -- yellow for being jealous, red for being energetic, white for being peaceful, green for being optimistic, and blue for being lonely.)

Kapag napanaginipan mo na ang iyong mga kaibigan ay nakasuot ng puting damit, ito ay nangangahulugan na sila ay magpapakasal.
(If you dream of your friends wearing white dress, it means that they will get married.)

Kapag ikaw ay nagsusuot ng itim na damit kahit na hind ka nagluluksa, isa sa iyong mga kamag-anak ay mamamatay.
(If you wear black clothes even though you are not in mourning, one of your relatives will die.)


MGA IBA PANG KASABIHAN O PAMAHIIN UKOL SA:

Mga Pamahiin ukol sa Pagkakasakit at Kamatayan (Illness and Death)

PAGKAKASAKIT AT KAMATAYAN
(Illness and Death)

Pagkakasakit (Illness and Disease)

Ang paghiga sa kama ng basa ang buhok ay magiging sanhi ng pagkabulag o pagkabaliw.
(Going to bed with wet hair leads to blindness and insanity.)

Ang isang pagkakasugat na nangyari sa Biyernes Santo ay matagal bago gagaling.
A wound inflicted on Good Friday will take a long time to heal.)

Dapat na palitan ang pangalan ng isang sakiting bata. Ito ay upang lituhin ang mga espiritu na naghahatid ng sakit.
(It is a good idea to change the name of a sickly child. That way you may be able to fool the spirits who are causing the sickness.)

Bago ka maligo sa isang sapa o ilog, kailangang humingi ka muna ng pahintulot mula sa mga engkanto (mga espiritu na may kapangyarihang mangkulam ng mga tao) na nakatira doon. Kung hindi, ikaw ay magkakasakit.
(Before you bathe in a spring or river, you must first ask permission form the engkantos (spirits who have the power to enchant people) who dwell there. Otherwise, you might fall ill.)

Bago ka dumaan sa isang maliit na burol, kailangang humingi ka muna ng pahintulot mula sa mga engkanto upang hindi ka magkasakit.
(Before passing over a small hill, you must first ask permission from the engkantos so that you will not get sick.)

Ang kulugo ay galing sa ihi ng palaka.
(Warts are caused by urine of frogs.)

Kamatayan (Death)

Mga Palatandaan at Pahiwatig (Signs and Omens)

Ang isang umaaligid na itim na paruparo ay isang palatandaan na isang kamag-anak ng iyong pamilya ay kamamatay lang. (A lingering black butterfly is a sign that one of your relatives just died.)

Kapag ang isang gagambang nahuhulog ay dumapo sa iyo, ito ay isang pahiwatig na may isang taong malapit sa iyo ay mamatay.
(A falling spider that lands on you is an omen that someone close to you will die.)

Huwag sumali sa isang grupo ng tatlo o labing-tatlong tao, dahil isa sa inyo ay mamatay.
(Do not form groups of three or thirteen, or one of you will die.)

Kapag ikaw ay nanaginip na isa sa iyong mga ngipin ay binubunot, ito ay nangangahulugan na isang kasapi ng iyong pamilya ay mamamatay.
(If you dream that one of your teeth is being pulled out, this means that a family member will die.)

Minsan ang kaluluwa ay pansamantalang umaalis sa katawan ng tao habang siya ay mahimbing na natutulog. Kapag ginising ang isang tao sa ganitong pagkakataon ay maaaring ikamatay niya.
(Sometimes the soul temporarily leaves the body while in a deep sleep. Rousing a person at this time might kill him.)

Kapag ang puno na itinanim kasabay ng pagkapanganak sa isang bata ay namatay, ito ay isang pahiwatig na ang bata ay mamamatay rin.
(When a tree that was planted at the same time that a child was born dies, the child will also die.)

Paglalamay (Wake)

Ang kaluluwa raw ng isang tao ay bumabalik sa ikatlo, ika-lima, at ika-pitong araw matapos siyang mamatay.
(It is said that the soul of the deceased returns on the third, the fifth, and the seventh days after death.)

Ang kabaong ay dapat na gawin sa tamang sukat ng namatay. Kung hindi, ang isang kasapi ng pamilya ng namatay ay mamamatay sa loob ng mabilis na panahon.
(The coffin should be built to fit the exact measurement of the corpse. Otherwise, a family member of the deceased will soon die.)

Ingatan na huwag papatak ang iyong luha sa isang patay o sa kanyang kabaong. Kapag ito ay nangyari, ang patay na tao ay magkakaroon ng mahirap na paglalakbay sa kabilang daigdig.
(Be careful that your tears don't fall on the dead or on the coffin. If they do, the dead person will have a difficult journey to the next world.)

Kapag may nabahing o humatsing sa isang lamay, kurutin siya at baka siya ay sumama sa patay.
(If someone sneezes at a wake, pinch him lest he join the dead.)

Sa iyong lamay, huwag ihatid ang mga nakikiramay sa pintuan ng simbahan o ng punenarya.
(During a wake, never see your visitors off at the door of the chapel or funeral parlor.)

Ang isang biyuda na hinahaplos ang mukha ng kanyang patay na asawa ay siguradong mag-aasawang muli.
(A widow who caresses her dead husband's face will surely marry again.)

Huwag magwalis ng bahay hanggang hindi naililibing ang patay.
(Do not sweep the house until after the burial.)

Libing (Funeral)

Laging dalhin ang kabaong palabas ng bahay, simbahan o punenarya una ang ulunan. Maiiwasan nito ang pagbabalik ng kaluluwa ng namatay.
(Always carry the coffin out of the house, church, or funeral parlor head first. This prevents the soul of the dead from coming back.)

Sa martsa ng libing, ang isang lalaki na may buntis na asawa ay hindi dapat magbuhat ng kabaong. Bago siya umuwi, siya ay dapat na magsindi ng sigarilyo mula sa apoy ng "gate" ng sementeryo upang mapaalis ang mga espiritu ng mga patay.
(During the funeral march, a man whose wife is pregnant should not carry the casket. Before going home, he should light up a cigarette from a fire at the cemetery gate in order to shake off the spirits of the dead.)

Kapag nagbungkal ng butas na libingan na mas malaki pa kesa sa kabaong, ito ay magiging sanhi ng pagsali ng isang malapit na kamag-anak sa libingan ng patay.
(Digging a hole larger than the coffin will cause an immediate relative to join the deceased in the grave.)

Matapos ibaba sa libingan ang kabaong, lahat ng kasapi ng pamilya ng namatay ay dapat dumampot ng lupa, duraan ito, at itapon sa libingan. Sa paggawa nito, hindi lamang ang masasamang bagay na naiwan ng namatay ang malilibing, kundi mababawasan din ang bigat ng pagluluksa ng pamilyang naiwan.
(Ater the coffin has been lowered to the grave, all family members should take a handful of soil, spit on it, and throw it in the grave. Doing so will not only bury any evil left behind by the deceased, but also lessen the burden of grief on the family as well.)

Matapos ang libing, huwag kang uuwi agad upang ang espiritu ng namatay ay hindi ka sundan sa iyong bahay.
(After the funeral service, do not go home directly so that the spirit of the dead person will not follow you to your house.)

Huwag pabayaang tumapak sa isang bukas na libingan ang isang bata, kung hindi, siya ay bibisitahin ng espiritu ng namatay.
(Never let a child step over an open grave lest the spirit of the dead visit that child.)

Ipamigay na ang iyong mga itim na damit isang taon pagkatapos ng pagluluksa upang maiwasan ang isa pang pagkamatay sa pamilya.
(Give away your black dresses after one year of mourning to prevent another death in the family.)


MGA IBA PANG KASABIHAN O PAMAHIIN UKOL SA:

5.04.2018

Mga Pamahiin ukol sa Bahay, Tahanan at Pamilya (House, Home, and Family)

BAHAY, TAHANAN, AT PAMILYA
(House, Home, and Family)

1. Pagpapatayo ng Bahay (Constructing a House)

Kung magpapatayo ng bahay, laging magsimula sa kabilugan ng buwan.
(If you are to build a house, always begin during a full moon.)

Ang pinakamainam na panahon sa pagpapatayo ng bahay ay sa mga buwan ng Marso, Hunyo, Hulyo, Agosto, Septyembre, at Nobyembre.
(The best months to build a house is during the months of March, June, July, August, September, and November.)

Huwag na huwag magpapatayo ng bahay sa pinakadulo ng kalsadang walang lagusan.
(Never build your house at the end of a cul de sac, or "dead end" road.)

Malas ang bahay na may labing-tatlong poste.
(It is bad luck for a house to have thirteen posts.)

Kapag magpapatayo ng bahay, laging isipin na maglagay ng ilang bagay sa ilalim ng bawat haligi o poste ng bahay, gaya ng mga lumang barya at mga medalyang pangrelihiyoso. Ito ay magpapa-alis ng mga masasamang espiritu at mangangalaga ng prosperidad. Ang mga piyesa ng musika, medalya, at mga barya ay magngangalaga ng pagkakaisa at katahimikan sa loob ng bahay.
(When building a house, always remember to place certain things under each structural post. Old coins and religious medals will drive away evil spirits and ensure prosperity. Musical score sheets, medals, coins ensure harmony as well.)

Ang bilang ng mga hakbang sa hagdanan ay hindi dapat napapangkat ng tatluhan. Bilangin ang mga hakbang mg oro (ginto), plata (pilak), at mata (kamatayan). Ang huling hakbang ay hindi dapat magtapos sa mata.
(The number of steps ona stairase should not be in multiples of three. Count off the steps as oro (gold), plata (silver), and mata (death). The last step must not fall on mata.)

Laging lumipat sa bagong bahay sa araw ng Miyerkules o Sabado.
(Always move into a new house on a Wednesday or Saturday.)

Kapag ikaw ay lumipat sa bagong bahay isang araw bago sumapit ang kadiliman ng buwan, ikaw ay hindi magugutom.
(If you move to a new home one day before the new moon, you will never go hungry.)

Ang unang mga bagay na dapat ipasok sa loob ng bagong bahay sa araw ng paglipat ay bigas at asin.
(The first things one should carry into a new home n moving day are rice and salt.)

Sa paglipat sa bagong bahay, isabog ang mga barya sa sala upang ang prosperidad ay maghari.
(When moving into a new home, scatter coins in the living room so prosperity will reign.)

Ang bilang ng mga taong natutulog sa loob ng bagong bahay sa unang araw ng pagkalipat ay dapat pareho sa loob ng siyam na araw. Kung hindi, may mamamatay sa bahay na iyon.
(The number of people sleeping in a new house the first night should be the same for nine consecutive days. Otherwise, death will occur in that house.)

2. Mga Palatandaan at Pahiwatig (Signs and Omens)

Kapag nakakita ng mga bubuyog sa loob ng bahay, ito ay maghahatid ng kayamanan at swerte sa mga naninirahan.
(Bees found inside the house will bring fortune and good luck to its occupants.)

Kapag ang mga kalapati ay lumisan mula sa isang bahay, ito ay tanda ng kawalan ng pagkakaisa at harmonya doon, dahil ang mga nakatira doon ay laging nag-aaway.
(When doves and pigeons leave a house, it is a sign that there is no harmony there, because its owners quarrel all the time.)

3. Mga Dapat at Di Dapat Gawin (Dos and Don'ts)

Kung nais mong maalisan ng mga surot sa iyong bahay, maglagay ka ng ilan sa isang papel at iwan mo ito sa bahay ng sinuman. Ang mga surot ay lilipat sa bahay na iyon.
(If you want to rid your house of bedbugs (fleas), place some on a piece of paper and then leave them in someone else's house. The bedbugs will move to that house.)

Kung gusto mong umalis agad ang mga bisitang hindi kanais-nais sa iyong bahay, patago kang magsabog ng asin palibot sa iyong bahay at sila ay agad na aalis.
(If you wish to rid your home of unwanted visitors, secretly sprinkle salt around the house and they will soon depart.)

Ang isang bisita ay hindi dapat umalis ng isang bahay habang ang pamilya doon ay kumakain pa, dahil ang pagbubukas ng pinto ay magiging sanhi ng pagkawala ng lahat ng magandang swerte ng pamilya.
(A guest should not leave the house while the family is eating because opening the doors will let out all the family's good fortune.)

Ang lahat ng bintana sa bahay ay dapat bukas sa Araw ng Bagong Taon upang papasukin ang biyaya ng Diyos.
(All windows in a house should be opened on New Year's Day to let God's grace in.)


MGA IBA PANG KASABIHAN O PAMAHIIN UKOL SA:

5.03.2018

Mga Pamahiin ukol sa Mga Pagkain at Ang Pagkain (Food and Eating)

MGA PAGKAIN AT ANG PAGKAIN
(Food and Eating)

1. Mga Babala at Pahiwatag (Warnings and Signs)

Kapag nahulog ang kutsara kapag ikaw ay kumakain, ikaw ay magkakaroon ng bisitang babae. Kapag tinidor ang nahulog, lalaki naman ang bisita, samantalang kung kutsarita, isang bata ang bibisita sa iyo.
(If a spoon falls during a meal, you will be visited by a woman. If it is a fork, a man will be visiting, while if it is a teaspoon, it will be a child.)

Ang babaeng palipat-lipat ng upuan habang kumakain ay magkakaroon ng maraming manliligaw.
(A woman who switches seats many times during a meal will have many suitors.)

Kapag ikaw ay nagpalit ng iyong permanenteng lugar sa hapag-kainan ng iyong pamilya, ang iyong mapapangasawa ay magkakaroon ng maikling buhay.
(If you change your permanent place at the family table, the person you will marry will have a short life.)

Kapag ikaw ay kumakain ng maraming sibuyas, ikaw ay magiging palikero o palikera.
(If you eat too much onions, you will become a playboy or playgirl.)

Ang pagkain ng maraming papaya sa araw-araw ay magpipigil sa iyong pagnanasang sekswal.
(Eating ripe papayas everyday controls your sexual urges.)

Kung ikaw ay biglang nabulunan habang kumakain, mayroong taong nakaalala sa iyo sa malayo, o di kaya ay kanyang nasasambit ang iyong pangalan. Upang malaman mo kung sino siya, agad kang humingi ng bilang o numero sa mga taong kasama mo habang kumakain. Ang bilang o numero na ibibigay sa iyo ay gamitin mo sa pagpili ng letra. Ang letrang papatak sa bilang na ibinigay sa iyo ay ang unang titik ng pangalan ng taong nakaalala sa iyo.
(If you choke briefly at mealtime, someone far away remembers you, or is talking about you. To find out who that person could be, immediately ask for any number from the people who are eating with you. The number that will match a letter in the alphabet will be the first letter of the person's name who knows you and is the one who might have remembered you.)

2. Mga Dapat at Di Dapat Gawin (Things To Do and Not to Do)

Kung kailangang lisanin ang mesa bago ka matapos kumain upang maglakbay, kinakailangang ipihit ang mga plato sa mesa upang maging maluwalhati ang iyong paglalakbay.
(If you have to leave the table before finishing your meal in order to go on a trip, turn around the plates on the table so that your trip will be safe.)

Huwag maglagay ng pera sa ibabaw ng mesa habang kumakain.
(Do not put money on the dining table while eating.)

Ang bilang nga mga taong nakaupo na kumakain sa mesa ay hindi dapat umabot sa labing-tatlo.
(The number of persons sitting down in a meal should not add up to 13.)

Kapag nagluluto, mag-iwan ng kaunting butil ng bigas sa sako at itali ito ng mahigpit. Sa gayon ang iyong mga bisita ay hindi uubusin agad ang iyong inihaing mga pagkain.
(When cooking, leave a few grains of rice in the sack and then tie it tightly. This wayt, your guests will not consume all the food at once.)

Kapag ikaw ay nag-iwan ng kaunting kanin sa kaldero, magkakaroon lagi ng makakain sa loob ng iyong pamamahay.
(If you leave some rice in the pot there will always be something to eat in the house.)

Kapag ikaw ay natinik sa pagkain ng isda, huwag mong ipagsabi kahit kanino; iyong ipihit ang plato ng makatlong ulit at ang tinik ay mawawala.
(If a fish bone gets stuck in your throat, don't tell a soul; turn your plate around three times and the bone will disappear.)

Mabuting gumamit ng plato sa pagsilbi ng pagkain sa iyong mga bisita. Ang pagpapala ng iyong mga bisita ay mananatili sa mga plato at magiging pagpapala sa iyong pamilya.
(It is good to use plates when serving food to your guests. The grace of your guests will remain on the plates and be a blessing to your family.)

Kapag ang isang estranghero o malayong kamag-anak ay dumating sa iyong tahanan, painumin mo muna siya ng tubig upang siya ay maghatid lamang ng mabuting balita.
(When a stranger or distang relative arrives in your home, serve him water first so that he brings you only good news.)

Kapag kumakain sa bahay ng mga di mo kilala, kainin lamang ang pagkain na nasa gitna ng iyong plato Ang mga mangkukulam ay ipinapalagay na naglalagay ng kanilang mga kapangyarihan sa tagiliran ng kanilang mga plato.
(When dining in the home of strangers, always eat food from the center of the plate.)

Huwag pagpatungin ang iyong mga maruruming pinagkainan, dahil ito ay magiging sanhi ng pagtataksil sa iyong asawa. (Do not stack dirty dishes one on top of the other, or it may lead to adultery.)


MGA IBA PANG KASABIHAN O PAMAHIIN UKOL SA:

5.02.2018

Mga Pamahiin ukol sa Salapi at Kayamanan (Money and Wealth)

SALAPI AT KAYAMANAN
(Money and Wealth)

1. Mga Palatandaan at Mga Pahiwatig (Signs and Omens)

Kapag ang isang tao ay nagbasag ng itlog at nakakita siya ng dalawang dilaw, siya ay magiging mayaman.
(A person who breaks an egg and finds two yolks inside will be rich.)

Ang puting paruparo ay isang palatandaan ng darating na kayamanan.
(A white butterfly is a sign of impending wealth.)

Ang isang maliit na burol ng langgam sa ilalim ng bahay ay isang palatandaan ng magandang swerte. (A small anthill under the house is a sign of good fortune.)

Ang isang bahay na madalas pagkumpulan ng mga itim na langgam ay nagpapahiwatig na ang may-ari ng bahay ay magiging mayaman.
(A house frequented by black ants means that its owner will be rich.)


2. Mga Dapat at Huwag Dapat Gawin (What to Do/Not to Do)

Huwag ilagay ang iyong pitaka o handbag sa sahig, dahil kapag ginawa mo ito, hindi ka magiging maunlad.
(Do not put your purse or handbag down on the floor, or you will not prosper.)

Huwag na huwag kang magwawalis ng sahig sa gabi, dahil kapag ginawa mo ito mawawala ang lahat ng iyong kayamanan.
(Never sweep the floor at night, or you will lose all your wealth.)

Ang sinumang nagbabayad ng kanyang utang sa gabi ay magiging mahirap.
(Whoever pays his debts at night will become poor.)

Kapag ikaw ay agad na nakakita ng bulalakaw, magbalot ka ng ilang pera sa isang gilid ng iyong panyo at maglaro ka ng pustahan, at ikaw ay siguradong mananalo.
As soon as you see a shooting star, wrap some money in a corner of your handkerchief and play any game of chance, for you are surely going to win.)

Kapag kumakati ang iyong palad, ibig sabihin ay makakatanggap ka ng maraming pera.
(If your palm itches, it means you will receive a lot of money.)

Kapag ikaw ay nagsuot ng damit at bigla mong napansin na baligtad pala ang iyong pakakasuot, ibig sabihin ay makakatanggap ka agad ng pera.
(After you dress up and you immediately discover that you wore your dress inside-out, it means that you are going to receive money shortly.)

Lagi kang maglagay ng barya o pera sa loob ng bag o lagahe. Kapag hindi mo ito nagastos, ikaw ay magkakaroon ng pera sa buong taon.
(Always keep a coin or money bills inside your bag or suitcase. If you don't spend it, it means you will have money for the whole year.)

Kapag ikaw ay nakakita ng barya sa daan, kunin mo ito at ilagay sa iyong pitaka o bulsa. Kapag hindi mo ito nagastos, hindi ka magkukulang sa pera.
(If you find a coin on the road, put it in your purse or pocket. If you never use it, you will never be short of money.)

Magbigay ka ng malaking diskwento sa iyong unang mamimili, upang ang iyong benta sa loob ng buong araw ay lumaki (buena mano). (
Give a generous discount to the day's first customer, so that your sales for the day will increase.)


MGA IBA PANG KASABIHAN O PAMAHIIN UKOL SA:

5.01.2018

Mga Pamahiin ukol sa mga Sanggol at mga Bata (Infants and Children)

MGA SANGGOL AT MGA BATA
(Infants and Children)

1. Mga Sanggol (Infants)

Kapag ang sanggol ay madalas hinahawakan ang kanyang mga paa, ibig sabihin ay gusto na niya ng kapatid na babae o lalaki.
(If a baby often holds his feet, it means that he wants a younger brother or sister.)

Kapag ginupit ang mga buhok ng pilik-mata ng bata sa habang siya ay isang buwan pa lamang, ang mga ito ay lalago ng maganda at mahahaba.
(Cutting a baby's eyelashes during her first month will them grow long and beautiful.)

Hindi dapat hinahalikan ang sanggol habang siya ay natutulog dahil ito siya ay lalaking sutil o makulit.
(An infant must not be kissed when he is sleeping because he will turn naughty when he grows up.)

Ang sanggol na madalas isubo ang kanyang mga daliri sa paa ay nangangahulugan na ang kanyang nanay ay magbubuntis na muli.
(A baby who sucks on her toes means her mother will soon be pregnant again.)

Kapag ang paa ng sanggol ay madalas halikan, siya ay lalaking palasagot sa kanyang mga magulang.
(Kissing a baby's feet will result in the baby talking back to her parents when she grows up.)

Ang sanggol na suhi ay magdadala ng swerte sa kanyang pamilya. Siya ay magkakaroon ng kapangyarihang alisin ang mga tinik ng isda sa lalamunan ng isang tao kapag hinawakan niya ang leeg nito.
(A breech baby will bring luck to the family. She will also have the power to remove fish spines stuck in another person's throat by merely touching that person's neck.)

Kapag ang sanggol ay bibinyagan, siya ay dapat kargahin ng isang taong may hawak na barya sa kanyang kamay o bulsa. Ito ay maghahatid ng swerte sa bata.
(When a baby is baptized, he should be carried by a person with plenty of coins in his hand or pocket. This brings good luck to the baby.)

2. Mga Bata (Children)

Kapag umiyak ang bata sa araw ng kanyang binyag, ito ay isang palatandaan ng prosperidad. At kapag mas malakas ang kanyang iyak, siya ay mas lalong yayaman.
(A child that cries during his baptism is a sign of prosperity. The harder the child cries, the richer he will be.)

Kapag ang bata ay handa ng lumakad, ilagay siya sa hagdanan. Payapakin siya sa isang plato o ano mang bagay, huwag lamang siya tumapak sa lupa. Ito ay panigurado lamang na kung sakali mang siya ay maliligaw, siya ay makakabalik sa kanyang tahanan.
(When a child is ready to walk, put him on the stairs. Have him step on a plate or anywhere else so long as his feet do not touch the ground first. This is to ensure that he will always find his way home from wherever he may roam.)

kapag nahulog ang ngipin ng bata, itapon ito sa bubong ng bahay upang ito ay makita ng mga daga. Kapag umusbong a bagong ngipin ng bata, ito ay kasing tibay at malakas na gaya ng ngipin ng mga daga.
(If a child's milktooth falls out, throw it up onto the roof of the house so that the rats will find it. When the new tooth grows in, it wil be as strong and as powerful as a rat's tooth.)

Ang mga bata ay hindi dapat payagang maglaro sa mga huling oras ng hapon kung kailan ang kulay ng abot-tanaw ay mapulang-dilaw, dahil sa mga oras na iyon ang mga masasamang espiritu ay nagsisipaglakbay.
(Children should not be allowed to play late in the afternoon when the horizon is yellow-orange in color, because evil spirits roam around at the time.)

Maaantala ang paglaki ng isang bata kung siya hinahakbangan kapag siya ay natutulog. (Stepping over a child while he is asleep will slow down his growth.)


MGA IBA PANG KASABIHAN O PAMAHIIN UKOL SA:

4.30.2018

Mga Pamahiin ukol sa Pagbubuntis at Panganganak (Conception and Childbirth)

PAGBUBUNTIS AT PANGANGANAK
(Conception and Childbirth)

1. Pagbubuntis (Pregnancy)

Kapag ang tiyan ng babae ay patulis ang hugis, ang kanyang magiging anak ay lalaki; kapag bilog, ang kanyang magiging anak ay babae. (If a pregnant woman's abdomen is pointed, her baby will be a boy; if it is round, the baby will be a girl.)

Kailangang ibigay ang anumang gusto ng isang nagbubuntis, kung hindi siya ay makukunan. (Give an expectant mother anything she craves for, or she will have a miscarriage.)

Kung nais ng babae na maiwasan ang di magagandang pakiramdam sa panahon ng kanyang pagbubuntis, kailangan niyang hakbangan ang kanyang natutulog na asawa upang lumipat sa kanya ang mga ito. (If a pregnant woman wants to avoid the unpleasant symptoms of pregnancy, she should step over her husband while he is sleeping and all of her symptoms will be transferred to him.)

Kapag ang nagbubuntis na babae ay kumain ng prutas na bagong pitas mula sa puno, ang mga natitirang prutas doon ay magiging maasim. (If a pregnant woman eats a fruit from a tree, all the remaining fruits will remain sour.)

Kapag ang nagbubuntis na babae ay kuman ng kambal na saging, siya ang manganganak ng kambal. Upang maiwasan ito, kailangang paghiwalayin niya ang kambal na saging sa kanyang likuran. (A pregnant woman who eats "twin" bananas will give birth to twins. To prevent this, she must split the twin bananas behind her back.)

Hindi dapat magpakuha ng larawan ang isang buntis na babae, dahil ito ay magiging sanhi ng pagkamatay ng kanyang anak sa araw ng kanyang panganganak. (A pregnant woman shouldn't have her picture taken, or her child will die at birth.)

Ang mga bisita na hindi pumapasok sa loob ng bahay at nananatili lamang sa sa may pintuan ay magiging sanhi ng paghihirap sa panganganak ng buntis na babae. (Visitors who do not enter the house but linger at the door instead will cause a pregnant woman a difficult delivery.)

2. Panganganak (Delivery)

Kapag malapit ng manganak ang isang babae, maglagay ng sinding kandila sa ilalim ng kanyang kama upang makita ang mga nagdadaang mga bruha. (When a woman is about to give birth, place a lighted candle under her bed so that any witches passing by may be seen.)

Pagkatapos ipanganak ang sanggol, ang "umbilical cord" ay kailangan ipahid sa kanyang pisngi upang siya ay magkaroon ng "dimples". (After the baby is delivered, the umbilical cord must be rubbed on the newborn's cheek to produce dimples.)

Kapag ang sanggol ay dumapa sa unang pagkakataon, maglagay ng lapis, papel, at libro sa ilalim ng kanyang tiyan upang siya ay lumaking matalino. (When a baby lies on her stomach for the first time, place a pencil, paper, and a book under her so that she will be intelligent.)


MGA IBA PANG KASABIHAN O PAMAHIIN UKOL SA:

4.29.2018

Mga Pamahiin ukol sa Pag-ibig, Panliligaw at Pag-aasawa (Love, Courtship, and Marriage)

MGA PANINIWALA AT PAMAHIIN UKOL SA PAG-IBIG, PANLILIGAW, AT PAG-AASAWA
(Love, Courtship, and Marriage)

1. Paano ko makikita ang mukha ng aking mapapangasawa? 
(How will I know how my future spouse looks like?)

Kung gusto mong makita ang mukha ng iyong mapapangasawa, dapat ay gumising ka isang hating-gabi at tingnan mo ang iyong sarili sa salamin habang hawak mo ang isang nakasinding kandila. Sa simula ay makikita mo ang isang kalansay sa salamin. Pagkaraan ng limang minuto, makikita mo ng buong-buo ang taong mapapangasawa mo.
(If you want to know what your lifetime partner will look like, wake up in the middle of the night and take a look at yourself in the mirror while holding a lighted candle. At first, the image in the mirror will appear to be a skeleton. After five minutes, you will see a full view of the person you will marry.)

2. Pagbibigay ng regalo sa iyong minamahal. 
(Giving gifts to your beloved.)

a. Bawal ang panyo! Kung bigyan mo ng regalong panyo ang iyong kasintahan, lagi siyang iiyak.
(No handkerchiefs please.  If you give handkerchief as a gift to your sweetheart, it will only make her cry.)
b. Bawal ang matutulis/matatalas na bagay na regalo.
(No pointed/sharp objects please.)
Ang mga magkasintahan ay hindi dapat nagpapalitan ng regalong matutulis ang hugis, dahil ito ay magiging sanhi ng pagkasira ng kanilang natatakdang kasal.
(Engaged couples should not exchange pointed or sharp objects as gifts, or this would lead to a broken engagement.)


3. Pagtatanan at ang kalahating buwan:  Kapag nakita mo ang isang tala na malapit sa isang kalahating-buwan, ito ay isang palatandaan na maraming magkasintahan ang nagtatanan.
(Eloping and the half-moon:  When a star appears near a half-moon, it is a sign that young couples are eloping.)

 4. Bago ang kasalan: (Before the wedding:)

a. Iwasan ang paglalakbay- Ang lalaki at babaeng ikakasal ay dapat iwasan ang paglalakbay upang maiwasan ang mga aksidente.
(Avoid travelling - Engaged couples should avoid travelling before their wedding day to avoid accidents.)

b. Ang babae ay dapat iwasan ang pagsuot ng damit pangkasal. Kapag isinukat ang damit pangkasal, hindi matutuloy ang kasalan.
(The bride should not try on her wedding dress before the wedding. If she does, the wedding will not push through.)

5. Sa araw ng kasal (On the wedding day):

a. Ang lalaking ikakasal ay dapat maunang dumating sa simbahan bago ang babae, upang maiwasan ang masamang kapalaran.
(The groom should arrive at the church before the bride, in order to avoid bad luck.)

b. Kapag nalaglag ang singsing, o ang belo ng ikinakasal, o ang arrhae habang ikinakasal ang lalaki at babae, ito ay isang palatandaan na hindi magiging masaya ang kanilang buhay bilang mag-asawa. (Dropping the wedding ring, or the couple's veil, or arrhae during the wedding ceremony means that the couple will not be happy in their marriage.)

c. Kapag naunang maupo ang lalaki bago ang babae habang sila ay ikinakasal, ang lalaki ay magiging "under the saya".
(The groom who sitsdown ahead of his bride during their wedding ceremony will be a henpecked husband.)

d. Habang sila ay ikinakasal, ang babae ay dapat tapakan ang paa ng kanyang mapapangasawa upang silang dalawa ay magkasundo sa mga bagay-bagay, at para na rin hindi maging malupit ang kanyang asawa sa kaniya, habang sila ay magkasama.
(During the wedding ceremony a bride must step on her husband's foot in order to that both of them will agree on things that they will undertake, and so that her husband will not be cruel to her.)

e. Ang sinuman sa kanilang dalawa ang maunang tumayo pagkatapos ng seremonya ng kasal, siya ang mauunang mamamatay.
(Whoever of the couple stands first after the ceremony, will die ahead of the other.)

f. Kapag ang babae sa kanyang araw ng kasal, ito ay magdudulot ng malas sa kanyang pag-aasawa. (A bride who cries during the wedding will bring bad luck to the marriage.)

g. Masamang pahiwatig ang ipinapamalas sa mga bagong kasal kapag ang kanilang mga magulang ay umiiyak sa kanilang araw ng kasal.
(It is bad omen for the newly-wed couple if their parents cry during the wedding.)

h. Kapag umulan sa araw ng kanilang kasal, ang mag-asawa ay magkakaroon ng mga iyaking anak. (If it rains during the wedding, the couple will have many cry babies.)

i. Ang pagtapon ng bigas sa mga bagong kasal ay magbibigay ng swerte sa kanilang buhay. (Throwing rice at the newly-wed couple will bring them prosperity in life.)

j. Kapag may nabasag na bagay sa salu-salo ng bagong kasal, ito ay maghahatid ng magandang swerte sa kanilang buhay.
(Breaking something during the wedding reception brings goodluck to the newly-wed couple.)

k. Sa pagpasok sa kanilang bagong bahay, ang mga bagong kasal ay dapat na pumanik sa kanilang hagdanan ng magkasabay sa kanilang tagiliran, upang walang magiging dominante sa kanilang relasyon.
(Upon entering their new home, the couple should go up the stairs alongside each other so that neither one will dominate the other.)

6. Mga iba pang kasabihan at paniniwala (Other folk beliefs and superstitions):

a. Malas kapag ang magkapatid ay ikakasal sa loob ng isang taon. Upang maiwasan ang malas, ang kapatid na ikakasal ng mas huli ay dapat dumaan sa likurang hagdanan ng simbahan sa araw ng kanyang kasal. (It is bad luck for two siblings to be married within the same year. In order to remedy the situation, the sibling who marries later in the year should pass through the backstairs of the church on the day of the wedding.)

b. Ang sinuman na mahilig maupo sa dulo ng mesa habang kumakain ay hindi makakapag-asawa. (A person who habitually sits at the head of the table during meals will never marry.)

c. Ang mga babaeng may taling sa ilalim ng kanilang mga mata, kung saan dumadaloy ang kanilang luha, ay magiging biyuda. (Women who have moles under their eyes, right where their tears fall, will be widowed.)

d. Kapag pinagligpitan ng mga plato ang isang dalaga habang siya ay kumakain sa mesa, siya ay mananatiling dalaga habang buhay. (Removing plates from the table while an unmarried woman is still eating will keep her single all her life.)

e. Kapag sinundan ng isang dalaga ang mga yapak ng mga bagong kasal, siya ay mag-aasawa sa madaling panahon.
(An unwed gril who follows the footprints of a newly-wed couple will marry soon.)

f. Kapag ang babae ay naging balo sa kadiliman ng buwan, siya ay makakapag-asawang muli.
(If a woman is widowed during a newmoon, she will marry again.)

g. Ang babaeng may asawa na nagsusuot ng perlas na singsing ay magiging sanhi ng pagiging taksil ng kanyang asawa.
(A married woman who wears a pearl ring will cause her husband to commit adultery.)

h. Kapag ang asawang lalaki ay umalis agad ng bahay pagkatapos silang mag-away ng kanyang asawa, ang babae ay dapat kunin ang kamiseta ng lalaki at isampay ito sa ibabaw ng kalan, pagkatapos ay paluin ito ng ilang beses. Ang kanyang asawa ay siguradong babalik sa kanya.
(If the husband leaves the house soon after a quarrel, the wife should get his shirt, hang it over the stove, and whip it several times. The husband is certain to come back.)


MGA IBA PANG KASABIHAN O PAMAHIIN UKOL SA:

1.04.2009

Mga Pamahiin ukol sa Pag-ibig, Panliligaw at Pag-aasawa

Folk beliefs, otherwise known as "superstitious beliefs", form part of a people's value system and culture. They basically reflect the customs, traditions, and mores of a group, which may be based on religious beliefs, opinions, old or popular practices. They also tell of how a people view the unknown and the means to appease the gods that control the future.

Filipinos have a number of folk beliefs about life, family, luck, wealth, etc.. The Tagalog terms for folk beliefs and superstitions are: paniniwala (beliefs), kasabihan ng mga matatanda (what the old people say), and pamahiin (superstitions). The collection of folk beliefs on this page are written in Tagalog/Filipino, with appropriate translations in English. The primary source of this collection is Neni Sta. Romana-Cruz's Don't Take A Bath on a Friday: Philippine Superstitions and Folk Beliefs. Manila: Tahanan Books, 1996.

PAG-IBIG, PANLILIGAW, AT PAG-AASAWA
(Love, Courtship, and Marriage)

1. Paano ko makikita ang mukha ng aking mapapangasawa? (How will I know how my future spouse looks like?)

  • Kung gusto mong makita ang mukha ng iyong mapapangasawa, dapat ay gumising ka isang hating-gabi at tingnan mo ang iyong sarili sa salamin habang hawak mo ang isang nakasinding kandila. Sa simula ay makikita mo ang isang kalansay sa salamin. Pagkaraan ng limang minuto, makikita mo ng buong-buo ang taong mapapangasawa mo. (If you want to know what your lifetime partner will look like, wake up in the middle of the night and take a look at yourself in the mirror while holding a lighted candle. At first, the image in the mirror will appear to be a skeleton. After five minutes, you will see a full view of the person you will marry.)
2. Pagbibigay ng regalo sa iyong minamahal. (Giving gifts to your beloved.)

  • a. Bawal ang panyo! (No handkerchiefs please.)
Pwede mong bigyan ng regalong panyo ang iyong kasintahan, pero lagi siyang iiyak. (You can give your sweetheart a handkerchief as a gift, but it will only make her cry.)
  • b. Bawal ang matutulis/matatalas na bagay na regalo. (No pointed/sharp objects please.)
Ang mga magkasintahan ay hindi dapat nagpapalitan ng regalong matutulis ang hugis, dahil ito ay magiging sanhi ng pagkasira ng kanilang natatakdang kasal. (Engaged couples should not exchange pointed or sharp objects as gifts, or this would lead to a broken engagement.)

3. Pagtatanan at ang kalahating buwan (Eloping and the half-moon):

  • Kapag nakita mo ang isang tala na malapit sa isang kalahating-buwan, ito ay isang palatandaan na maraming magkasintahan ang nagtatanan. (When a star appears near a half-moon, it is a sign that young couples are eloping.)
4. Bago ang kasalan (Before the wedding):
  • a. Iwasan ang paglalakbay (Avoid travelling)
Ang lalaki at babaeng ikakasal ay dapat iwasan ang paglalakbay upang maiwasan ang mga aksidente. (Engaged couples should avoid travelling before their wedding day to avoid accidents.)
  • b. Ang babae ay dapat iwasan ang pagsuot ng damit pangkasal. Kapag isinukat ang damit pangkasal, hindi matutuloy ang kasalan. (The bride should not try on her wedding dress before the wedding. If she does, the wedding will not push through.)
5. Sa araw ng kasal (On the wedding day):
  • a. Ang lalaking ikakasal ay dapat maunang dumating sa simbahan bago ang babae, upang maiwasan ang masamang kapalaran. (The groom should arrive at the church before the bride, in order to avoid bad luck.)
  • b. Kapag nalaglag ang singsing, o ang belo ng ikinakasal, o ang arrhae habang ikinakasal ang lalaki at babae, ito ay isang palatandaan na hindi magiging masaya ang kanilang buhay bilang mag-asawa. (Dropping the wedding ring, or the couple's veil, or arrhae during the wedding ceremony means that the couple will not be happy in their marriage.)
  • c. Kapag naunang maupo ang lalaki bago ang babae habang sila ay ikinakasal, ang lalaki ay magiging "under the saya". (The groom who sitsdown ahead of his bride during their wedding ceremony will be a henpecked husband.)
  • d. Habang sila ay ikinakasal, ang babae ay dapat tapakan ang paa ng kanyang mapapangasawa upang silang dalawa ay magkasundo sa mga bagay-bagay, at para na rin hindi maging malupit ang kanyang asawa sa kaniya, habang sila ay magkasama. (During the wedding ceremony a bride must step on her husband's foot in order to that both of them will agree on things that they will undertake, and so that her husband will not be cruel to her.)
  • e. Ang sinuman sa kanilang dalawa ang maunang tumayo pagkatapos ng seremonya ng kasal, siya ang mauunang mamamatay. (Whoever of the couple stands first after the ceremony, will die ahead of the other.)
  • f. Kapag ang babae sa kanyang araw ng kasal, ito ay magdudulot ng malas sa kanyang pag-aasawa. (A bride who cries during the wedding will bring bad luck to the marriage.)
  • g. Masamang pahiwatig ang ipinapamalas sa mga bagong kasal kapag ang kanilang mga magulang ay umiiyak sa kanilang araw ng kasal. (It is bad omen for the newly-wed couple if their parents cry during the wedding.)
  • h. Kapag umulan sa araw ng kanilang kasal, ang mag-asawa ay magkakaroon ng mga iyaking anak. (If it rains during the wedding, the couple will have many cry babies.)
  • i. Ang pagtapon ng bigas sa mga bagong kasal ay magbibigay ng swerte sa kanilang buhay. (Throwing rice at the newly-wed couple will bring them prosperity in life.)
  • j. Kapag may nabasag na bagay sa salu-salo ng bagong kasal, ito ay maghahatid ng magandang swerte sa kanilang buhay. (Breaking something during the wedding reception brings goodluck to the newly-wed couple.)
  • k. Sa pagpasok sa kanilang bagong bahay, ang mga bagong kasal ay dapat na pumanik sa kanilang hagdanan ng magkasabay sa kanilang tagiliran, upang walang magiging dominante sa kanilang relasyon. (Upon entering their new home, the couple should go up the stairs alongside each other so that neither one will dominate the other.)
6. Mga iba pang kasabihan at paniniwala (Other folk beliefs and superstitions):
  • a. Malas kapag ang magkapatid ay ikakasal sa loob ng isang taon. Upang maiwasan ang malas, ang kapatid na ikakasal ng mas huli ay dapat dumaan sa likurang hagdanan ng simbahan sa araw ng kanyang kasal. (It is bad luck for two siblings to be married within the same year. In order to remedy the situation, the sibling who marries later in the year should pass through the backstairs of the church on the day of the wedding.)
  • b. Ang sinuman na mahilig maupo sa dulo ng mesa habang kumakain ay hindi makakapag-asawa. (A person who habitually sits at the head of the table during meals will never marry.)
  • c. Ang mga babaeng may taling sa ilalim ng kanilang mga mata, kung saan dumadaloy ang kanilang luha, ay magiging biyuda. (Women who have moles under their eyes, right where their tears fall, will be widowed.)
  • d. Kapag pinagligpitan ng mga plato ang isang dalaga habang siya ay kumakain sa mesa, siya ay mananatiling dalaga habang buhay. (Removing plates from the table while an unmarried woman is still eating will keep her single all her life.)
  • e. Kapag sinundan ng isang dalaga ang mga yapak ng mga bagong kasal, siya ay mag-aasawa sa madaling panahon. (An unwed gril who follows the footprints of a newly-wed couple will marry soon.)
  • f. Kapag ang babae ay naging balo sa kadiliman ng buwan, siya ay makakapag-asawang muli. (If a woman is widowed during a newmoon, she will marry again.)
  • g. Ang babaeng may asawa na nagsusuot ng perlas na singsing ay magiging sanhi ng pagiging taksil ng kanyang asawa. (A married woman who wears a pearl ring will cause her husband to commit adultery.)
  • h. Kapag ang asawang lalaki ay umalis agad ng bahay pagkatapos silang mag-away ng kanyang asawa, ang babae ay dapat kunin ang kamiseta ng lalaki at isampay ito sa ibabaw ng kalan, pagkatapos ay paluin ito ng ilang beses. Ang kanyang asawa ay siguradong babalik sa kanya. (If the husband leaves the house soon after a quarrel, the wife should get his shirt, hang it over the stove, and whip it several times. The husband is certain to come back.)
Mga iba pang Pamahiin

Popular Posts

Featured Post

Benefits And Social Privileges Of Senior Citizens