2.10.2011

Salawikain

Mga Salawikain patungkol sa pakikisama, pakikipag-kaibigan at pakikipag-kapwa tao.
  1. Puri sa harap, sa likod paglibak
  2. Kaibigan kung meron, Kung wala'y sitsaron
  3. Ang tunay mong kaibigan, nasusubok sa gipitan
  4. Matabang man ang paninda, matamis naman ang anyaya
  5. Kapag tunay ang anyaya, sinasamahan ng hila
  6. Walang paku-pakundangan, sa tunay na kaibigan
  7. Hindi sasama ang pare, kundi sa kapwa pare
  8. Matapang sa kapwa Pilipino, susukot-sukot sa harap ng dayo
  9. Ang taong tamad, kadalasa'y salat
  10. Mag-aral kang mamaluktot habang maigsi ang kumot
  11. May pakpak ang balita, may tainga ang lupa
  12. Sagana sa puri, dukha sa sarili

 Mga Salawikain patungkol sa kabutihan, kabaitan, kagandahang asal, pagpapakumbaba at pag-ingat.
  1. Ang ibinabait ng bata, sa matanda nagmula
  2. Ang magandang asal ay kaban ng yaman
  3. Pagsasama ng tapat, pagsasama ng maluwat
  4. Ang may malinis na kalooban ay walang kinatatakutan
  5. Ang mabuting halimbawa, ay higit na mabisa kaysa pahayag na dakila
  6. Ang katotohana'y kahit na ibaon, lilitaw pagdating ng takdang panahon
  7. Ang ibinabait ng bata, sa matanda nagmula
  8. Magbiro ka sa lasing, huwag sa bagong gising
  9. Bago mo sikaping gumawa ng mabuti, kailangan mo munang igayak ang sarili
  10. Ang lumalakad ng marahan, matinin man ay mababaw. Ang lumalakad ng matulin, kung matinik ay malalim

 Mga salawikain patungkol sa mga pangako at ka kawalan ng kaya.
  1. Buhay-alamang, paglukso ay patay
  2. Kasama sa gayak, di kasama sa lakad
  3. Ang tao na walang pilak, parang ibong walang pakpak
  4. Ang hindi tumupad sa sinabi, walang pagpapahalaga sa sarili
  5. Gaano man ang iyon lakas, daig ka ng munting lagnat
  6. Ang maniwala sa sabi-sabi'y walang bait sa sarili

 Mga salawikain patungkol sa pagkakaisa at pagtutulungan.
  1. Anuman ang tibay ng piling abaka, ay wala ring lakas kapag nag-iisa
  2. Kaya matibay ang walis, palibhasa'y nabibigkis
  3. Ang mabigat gumagaan pag napagtutuwangan
  4. Ang lakas ay daig ng paraan
  5. Minsan man at kong golpe, daig ang pitong biyahe
  6. Ako, ikaw o kahit sinumang nilalang, tayong lahat ay arkitekto ng sariling kapalaran

 Mga salawikain patungkol sa kagitingan at katapangan.
  1. Ang lihim na katapangan ay siyang pakikinabangan
  2. Sa larangan ng digmaan, nakikilala ang tapang
  3. Marami ang matapang sa bilang, ngunit ang buong-loob ay iilan
  4. Ang bayaning masugatan, nag-iibayo ang tapang
  5. Nawala ang ari, ngunit hindi ang lahi
  6. Ang lalaking tunay na matapang, hindi natatakot sa pana-panaan
  7. Kapag pinangatawanan, sapilitang makakamtan

 Mga salawikain patungkol sa pagtitiis.
  1. Hanggang maiksi ang kumot, magtiis na mamaluktot
  2. Pag may hirap, may ginhawa
  3. Walang ligaya sa lupa na di dinilig ng luha
  4. Pag may kalungkutan, may kasiyahan
  5. Kung aakyat ka nga't mahuhulog naman, mabuting sa lupa'y mamulot na lamang
  6. Pagkapawi ng ulap, lumilitaw ang liwanag

 Iba pang salawikain...
  1. Nasa Diyos ang awa,nasa tao ang gawa.
  2. Kapag ang tao'y matipid,maraming maililigpit.
  3. Ano man ang gagawin, makapitong iisipin.
  4. Ang hindi napagod magtipon, walang hinayang magtapon.
  5. Madali ang maging tao, mahirap magpakatao.
  6. Ang tunay na anyaya, sinasamahan ng hila.
  7. Ang magalang na sagot ay nakakapawi ng poot.
  8. Ang gawa sa pagkabata,dala hanggang pagtanda.
  9. Pag di ukol, ay di bubukol.
  10. Kung sino ang masalita ay siyang kulang sa gawa.
  11. Daig ng maagap ang taong masipag.
  12. Ako ang nagbayo ako ang nagsaing saka ng maluto'y iba ang kumain.
  13. Ubus-ubos biyaya, pagkatapos nakatunganga.

No comments:

Post a Comment

Popular Posts

Featured Post

Benefits And Social Privileges Of Senior Citizens