overseas Filipinos:
a) Na-recruit sa Pilipinas ng foreign-based employer upang magtrabaho sa ibang bansa;
b) Mayroong pinagkukunan ng kita sa ibang bansa; o
c) Permanenteng residente ng ibang bansa
Ang isang OFW na wala pang SS Number ay kailangang magrehistro gamit ang Personal Record (SS Form E-1). Sa kabilang banda, ang isang OFW na may dati ng SS Number ay hindi na kailangan pang magrehistro muli, at kailangan lamang na magbayad ng kontribusyon bilang "OFW" sa alin mang SSS branch na may tellering facility o SSS accredited collection partners (local o abroad). Tandaan na bago magbayad ay kailangang magdala o magpakita ng Statement of Account (SOA) na may Payment Reference Number (PRN) na makukuha sa sariling account sa My.SSS o E-center ng SSS branch o accredited collection partners.
Magiging epektibo ang pagiging miyembro ng isang OFW sa SSS sa applicable na buwan at taon ng pagbayad niya ng unang kontribusyon base sa nakatakdang deadline para sa mga OFW members, kung ito ang kanyang initial coverage, at gayundin kung mayroon nang dating SS
Number at magsisimula pa lamang maghulog.
Ang isang OFW na magrerehistro sa SSS sa unang pagkakataon ay kailangang magpuno ng Personal Record (SS Form E-1). Isumite ito kasama ang mga dokumentong tinatanggap sa pagkuha ng SS
Number. Tandaan na kailangang ipakita ang orihinal o certified true copy ng mga ID cards o dokumento at magsumite ng photocopy ng mga ito. Maaari ring isabay ang pagrehistro sa SSS Flexi-fund, basta siguruhin lamang na ang idineklarang buwanang kita ay base sa maximum Monthly Salary Credit (currently at P16,000).
A. Mga pangunahing ID cards at/o dokumentong tinatanggap sa pagkuha ng SS Number:
1. Birth Certificate na mula sa Local Civil Registrar o mula sa Philippine Statistics Authority (dating National Statistics Office)
Kung walang Birth Certificate, alinman sa mga sumusunod:
• Baptismal Certificate o ang katumbas nito
• Driver’s License
• Passport
• Professional Regulation Commission (PRC) card
Maaari ring mag-apply ng SS Number online sa pamamagitan ng pag-click sa “No SS Number Yet? Apply Online” na makikita sa homepage ng SSS website (www.sss.gov.ph). Sundin ang mga sumusunod na proseso:
1. Punuan ng mga tamang detalye ang online form.
2. Isang link ang ipapadala sa e-mail ng aplikante upang mapagpatuloy ang proseso ng pagkuha ng SS Number.
Note: Ang link ay mawawalan ng bisa sa loob ng limang (5) araw at kapag ito ay nawalan ng bisa, kinakailangang ulitin muli ang proseso ng pagrerehistro.
3. Kapag nabuksan na ang link, punuan ang mga kinakailangang impormasyon mula sa “Basic Information” hanggang sa “Beneficiaries Information”.
4. Suriing mabuti ang mga impormasyong inilagay sa registration form bago mag-generate ng SS Number. Kapag nakapag-generate na ng SS Number, anumang maling impormasyon na nailagay ng aplikante sa kanyang registration form ay maitatama lamang sa pamamagitan ng pagpunta sa pinakamalapit na SSS branch.
5. Pagkatapos i-click ang “Generate SSS Number” button, ipapakita ng SSS Number Issuance System ang SS Number ng aplikante at ang option na iprint ang kanyang Personal Record, SS Number slip at SSS Number Application Confirmation. Makatatanggap din ang aplikante ng kompirmasyon sa e-mail na nagtataglay ng kanyang SS Number at mga sumusuportang dokumentong kailangang isumite sa pinakamalapit na SSS branch.
6. Pumunta sa pinakamalapit na SSS Branch at isumite ang mga kinakailangang dokumento. Kung may asawa, kailangang magdala ng kopya ng Marriage Contract. Kung may anak/mga anak, kailangang magdala ng kopya ng Birth Certificate ng mga ito.
Note: Kailangang pumunta agad sa pinakamalapit na SSS branch para isumite ang mga kinakailangang dokumento. Ang hindi pagsusumite ng mga dokumento ang magiging dahilan upang ang kanyang membership status ay magiging “Temporary”. Ibig sabihin nito, ang kanyang SS Number ay magagamit lamang sa pagbabayad ng kontribusyon at pagrereport bilang empleyado ng kanyang employer.
Para sa dagdag impormasyon, bumisita lang po sa: www.sss.gov.ph
Source: https://www.sss.gov.ph/sss/
No comments:
Post a Comment