Ang bayan ng Casiguran, sa lalawigang Aurora, ay isa sa mga bayang may magagandang tanawin. Nasa baybayin ito ng karagatan at mapayapa ang paligid nito. Masagana ang pamumuhay rito. Itinuturing ng mga tao na ito ay grasya ng mapagmahalang Birhen na nasa kanilang simbahan. Bakit kaya? Alamin natin.
Noong unang panahon, may isang manlililok na gumagawa ng estatwa ng Birhen mula sa pinutol na puno ng akasya. Mahusay ang manlililok na ito kaya nakagawa siya ng napakagandang imahen. Nang ililagay na ang imahen ng Birhen sa simbahan, umulan nang malakas at bumaha sa paligid. Dahil simbahan. Naisip tuloy ng mga tao na baka ayaw ng simbahan sa pook na kinatatayuan ng puno ng puno ng akasya na pinagkukunan ng estatwa.
Nang mailuklok ang imahen sa bagong simbahan, gumanda ang sikat ng araw at nairaos nang mapayapa ang paglalagay ng imahen. Natuwa ang mga tao kaya binalak nilang magdaos ng prusisyon. Nang ibababa na nila ang Birhen para sa prusisyon ay naging napakabigat nito. Hindi ito makayang buhatin kahit pa ng walong matipunong lalaki. Kapag ibinabalik naman nila ang Birhen sa altar ay muling gumagaan ito. Simula noon, hindi na muli itong inalis ng mga tao sa altar.
Lahat ng sumasampalataya sa Birhen ay umunlad ang pamumuhay. Nawika tuloy ng mga tao na ang Birhen ay kasiguruhan ng mabuting pamumuhay.
Isang araw, nayanig ang buong bayan ng isang malakas na lindol. Gumuho ang isang burol sa tabi ng simbahan. Nagtakbuhan ang mga tao sa simbahan. Marami ang namatay at nasugatan dahil naiwan sila sa mga bahay nila. Ang mga nasa loob ng simbahan ay hindi nasaktan. Lalo nang naniwala ang mga tao na ang Birhen ay kanilang tagapagligtas.
Nang matapos ang lindol, napansin ng mga tao ang maraming butyl ng kumikinang sa daan. Dinampot nila ang mga ito. Sinuri nilang mabuti. Nalaman nilang ito ay mga butil ng ginto. Kanilang inialay sa Birhen ang mga ito upang maging palamuti sa kanyang suot na damit. Ang iba naman ay kanilang ipinagbili upang ibili ng gintong kopa at iba pang gamit sa simbahan. Dahil dito, lalong nagging maunlad ang buhay ng mga tao roon at lalao ding suminhi ang kanilang pananampalataya sa Birhen.
Isang umaga, nakakita ang mga mamamayan ng napakaraming bangka sa laot. Lulan nito ang maraming tulisan na papunta sa baybayin. Nabalitaan ng mga tulisan na may mga ginto sa kanilang bayan. Binalak nilang nakawin ang mga kayamanan ng simbahan. Hindi malaman ng mga tao kung ano ang kanilang gagawin. Wala silang sandatang panlaban sa mga ito.
Tumakbo ang mga lalaki sa simbahan at pinaligiran ang Birhen upang iligtas sa mga magnanakaw na dumarating. Biglang bumuhos ang napakalakas na ulan. Umihip ang malakas na hangin. Ang mga bangka ng mga tulisan ay sumasayaw-sayaw sa malalaking alon ng dagat at pagkatapos, isa-sa itong lumubog. Nang wala nang naiwang bangka sa laot, biglang tumigil ang ulan.
Nagsiluhod ang mga tao sa loob ng simbahan at nagpasalamat sa Mahal na Birhen. Iniligtas na naman sila ng Birhen. Ang himalang ito ang nagpatibay sa paniniwala ng mga tao na talagang ang Birhen ay isang kasiguruhan sa kanilang kaligtasan. Simula noon, tinawag nilang Casiguran ang bayang iyon na kuha sa salitang “kasiguruhan.”
Medicinal Plants in the Philippines
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Popular Posts
-
Pinatutula Ako Sa Kabataang Pilipino Sa Mahal na Birhen Maria Isang Alaala ng Aking Bayan Ang Ligpit Kong Tahanan Kundiman Sa Mga B...
-
Noong unang panahon, sa probinsiya ng Bohol, parting Kabisayaaan, may lupang malawak subali’t ito ay tuyot. Makikita mong biyak-biyak ang lu...
-
Noong unang panahon ang puno ng Kawayan ay hindi yumuyuko. Mayabamg ito at taas-noo. Ipinagmamalaki nito ang kanyang makinis na katawan. Ber...
-
Isang Alaala Ng Aking Bayan Nagugunita ko ang nagdaang araw ng kamusmusang kong kay sayang pumanaw sa gilid ng isang baybaying luntian...
-
Sa Kabataang Pilipino Itaas ang iyong noong aliwalas ngayon, Kabataan ng aking pangarap! ang aking talino na tanging liwanag ay pagitawin...
No comments:
Post a Comment