MGA IBA PANG PAMAHIIN
(Other Folk Beliefs)
1. Pagtulog at Pananaginip (Sleeping and Dreaming)
- Iwasan ang pag-ulit ng iyong panaginip sa pamamagitan ng pagbaligtad ng iyong unan. (Avoid recurring dreams by turning your pillow upside down.)
- Laging matulog na nakaharap sa silangan, kundi ikaw ay hindi magkakaroon ng magandang kinabukasan. (Always sleep facing east, or you will not face a bright future.)
- Kung tinutulugan ng isang tao ang kanyang mga libro, siya ay magiging palatandain. (If a person sleeps on her book, she will have a good memory.)
- Pagkatapos mag-aral sa gabi, ilagay ang librong iyong pinag-aaralan sa ilalim ng iyong unan, at mananatili ang iyong pinag-aralan sa iyong isip. (After studying at night, place the book you've been studying under your pillow, and you will retain what you have read.)
2. Kapag Gabi Na (When Night Falls)
- Umiyak ka sa gabi upang ikaw masaya sa kinabukasan. (Cry at night and you will be happy tomorrow.)
- Huwag kang magsuklay ng iyong buhok sa gabi dahil baka ikaw ay maging kalbo, ulila, balo. Subalit kung kailangang suklayin mo ang iyong buhok sa gabi, kagatin mo muna ang dulo ng suklay. (Don't comb your hair at night, lest you become bald, orphaned, or widowed. But if you must comb at night, bite the tip of the comb first.)
- Kapag namamasyal kasama ang iyong mga kaibigan, lalu na sa gabi, dapat ay lagi kayong magkasama bilang isang grupo na pantay ang bilang. Kung hindi pantay ang inyong bilang, ang isa sa inyo ay kukunin ng mga espritu upang gawing pantay ang bilang. (When walking with friends, especially at night, always travel as a group of even number. If it is an odd number, one of you will be taken away by the spirits to make the number even.)
- Ang mga nalabhang damit ay dapat kuhanin mula sa sampayan sa gabi, upang ang mga ito ay hindi kunin at isuot ng mga dwende. (Washed clothes should be taken fromt he clothesline at night, lest they be stolen and worn by dwarfs.)
3. Sa Ilang Mga Araw (In Some Days)
- Anuman ang iyong ginagawa o nararamdaman sa Araw ng Bagong Taon ay magpapatuloy sa loob ng buong taon. (Whatever you do or feel on New Year's Day will continue the rest of the year.)
- Mas mabuti na makakita ng pera sa Araw ng Bagong Taon sa halip na gastusin ito. (Better to find money on New Year's Day than spend it.)
- Ang pagtalon sa umaga ng Pasko ng Pagkabuhay ay magpapabilis ng paglaki at magpapatangkad sa isang tao. (Jumping on Easter morning hastens growth and makes a person taller.)
- Kapag tumunog ang kampana sa Lingo ng Pagkabuhay, sumigaw ng napakalakas at ikaw ay magkakaroon ng mahabang buhay. (When the bells ring on Easter Sunday, shout at the top of your lungs and you will have a long life.)
4. Mga Dapat at Di Dapat Gawin (Dos and Don'ts)
- Huwag kang magsusugal kapag ikaw ay bagong gupit, kung hindi ikaw ay siguradong matatalo. (Don't gamble if you've just had a haircut, for you are certain to lose.)
- Huwag mamimigay ng mga sapatos na walang bayad. Sa halip, itapon ang mga sapatos paitaas sa hangin at kung sino man ang makadampot ng mga ito ay siya ang magmay-ari, o di kaya ay bayaran niya ang mga sapatos ng singko sentimos. (Never give a pair of shoes away for free. Either throw up the shoes up int he air and let the prospective owner pick them up, or let him or her buy it for five centavos.)
- Huwag upuan ang mga libro, kung hindi ikaw ay magiging bobo. (Don't seat on books, or you will be dumb.)
- Bago magtapon ng mainit na tubig sa lupa, magbigay muna ng hudyat sa mga dwende. Kapag sila ay nasalanta, sila ay maaaring maghiganti sa pamamagitan ng pagbibigay sa iyo ng sakit. (Before throwing hot water onto the ground, give a warning to the elves. When harmed, they may retaliate by making you sick.)
- Bago tumapak sa isang bundok ng mga langgam, manghingi muna ng paumanhin. Kung hindi, ikaw ay papaglaruan ng isang espiritu. (Before stepping on an anthill, first ask to be excused. Otherwise, a spirit may play tricks on you.)
- Maglagay ng luya sa iyong katawan kapag ikaw ay bumibisita sa mga lugar na hindi madalas puntahan ng ibang tao, upang ikaw ay hindi mapahamak sa mga kamay ng mga masasamang espiritu sa lugar na iyon. (Carry a piece of ginger on your body when you visit a place not frequented by others, so that the evil spirits of that place will not harm you.)
- Kapag ikaw ay naglalakad sa gubat, magpahid ng bawang sa iyong mga paa upang ikaw ay hindi mapahamak sa mga hayop doon. (If you walk int he forest, rub your feet with garlic to prevent animals from harming you.)
- Huwag sirain o putulin ang isang puno ng balete dahil ito ay bahay ng mga enkantada at iba pang mga esperitu ng mga engkanto. (Do not harm or cut down a balete tree, because it is a dwelling place of fairies and enchancted spirits.)
- Huwag sumipol o umawit sa gubat baka ikaw ay gayahin ng mga engkanto at maging dahilan ng iyong pagkakasakit. (Don't whistle or sing in the forest, lest the enchanted spirits imitate you and cause to fall ill.)
- Kapag may bumahing habang ikaw ay paalis na ng iyong bahay, huwag mo nang ituloy ang iyong lakad dahil baka may sakunang mangyayari sa iyo. (If someone sneezes while you are about to leave your house, postpone your trip or something bad will happen to you.)
- Upang maalis ang iyon takot habang ikaw ay nagsasalita sa harap ng publiko, maglagay ng isang sentimo sa loob ng iyong sapatos. (To overcome stage fright when speaking in public, tuck one-centavo coin inside the shoes you are wearing.)
- Huwag putulin ang iyong kuko sa gabi, o sa mga araw ng Martes, Miyerkules, at Biyernes. (Don't cut your nails at night, or on Tuesdays, Wednesdays, or Fridays.)
- Kung ikaw ay maligaw, baligtarin mo ang iyong damit at makikita mo ang tamang daan. (If you happen to get lost, invert your clothes and you will find your way.)
- Upang huwag umulan, kumuha ng abo mula sa iyong kusina at isabog ito sa iyong bakuran. (To prevent rain, take ashes from the kitchen and spread them over your yard.)
- Huwag lumabas kapag araw ng Huwebes at Biyernes Santo, dahil ang mga masasamang engkantada ay nagsisipaglabasan sa mga araw na ito upang manakit ng mga tao. (Don't go out on Holy Thursday and Good Friday, for evil fairies are roaming around to hurt people.)
5. Kailan Di Dapat Maligo (When Not to Take a Bath or Shower)
- Huwag maliligo sa araw ng Biyernes (Don't take a bath on a Friday.)
- Huwag maliligo sa hapon. (Don't take a bath in the afternoon.)
- Huwag maliligo sa gabi. (Don't take a bath in the evening.)
- Huwag maliligo sa unang Biyernes ng buwan. (Don't take a bath on the first Friday of the month.)
- Huwag maliligo sa araw ng Biyernes Santo. (Don't take a bath on a Good Friday.)
- Huwag maliligo sa Araw ng Bagong Taon. (Don't take a bath on New Year's Day.)
- Huwag maliligo sa araw ng piyesta ni San Lazaro. (Don't take a bath on the feast day of St. Lazarus.)
- Huwag maliligo sa ika-labing tatlong araw ng buwan. (Don't take a bath on the thirteenth day of the month.)
- Huwag maliligo kapag ikaw ay gutom. (Don't take a bath when you are hungry.)
- Huwag maliligo matapos kumain. (Don't take a bath after eating.)
- Huwag maliligo bago magsugal. (Don't take a bath before gambling.)
- Huwag maliligo pagkatapos magsimba. (Don't take a bath after going to church.)
- Huwag maliligo sa kapag may bahag-hari. (Don't take a bath when there is a rainbow.)
- Huwag maliligo sa kabilugan ng buwan. (Don't take a bath during a full moon.)
Mga iba pang Pamahiin:
- PAG-IBIG, PANLILIGAW, AT PAG-AASAWA (Love, Courtship, and Marriage)
- PAGBUBUNTIS AT PANGANGANAK (Conception and Childbirth)
- MGA SANGGOL AT MGA BATA (Infants and Children)
- SALAPI AT KAYAMANAN (Money and Wealth)
- MGA PAGKAIN AT ANG PAGKAIN (Food and Eating)
- BAHAY, TAHANAN, AT PAMILYA (House, Home, and Family)
- PAGKAKASAKIT AT KAMATAYAN (Illness and Death)
- MGA BILANG AT KULAY (Numbers and Colors)
- MGA HAYOP (Animals)
- MGA PALATANDAAN AT PAHIWATIG (Signs and Premonitions)
- MALAS, SWERTE (Bad Luck, Good Luck)
related article: Your Sign and Personality Traits
No comments:
Post a Comment