12.08.2008

Mga Pamahiin ukol sa Pagbubuntis at Panganganak

PAGBUBUNTIS AT PANGANGANAK
(Conception and Childbirth)

1. Pagbubuntis (Pregnancy)

  • Kapag ang tiyan ng babae ay patulis ang hugis, ang kanyang magiging anak ay lalaki; kapag bilog, ang kanyang magiging anak ay babae. (If a pregnant woman's abdomen is pointed, her baby will be a boy; if it is round, the baby will be a girl.)
  • Kailangang ibigay ang anumang gusto ng isang nagbubuntis, kung hindi siya ay makukunan. (Give an expectant mother anything she craves for, or she will have a miscarriage.)
  • Kung nais ng babae na maiwasan ang di magagandang pakiramdam sa panahon ng kanyang pagbubuntis, kailangan niyang hakbangan ang kanyang natutulog na asawa upang lumipat sa kanya ang mga ito. (If a pregnant woman wants to avoid the unpleasant symptoms of pregnancy, she should step over her husband while he is sleeping and all of her symptoms will be transferred to him.)
  • Kapag ang nagbubuntis na babae ay kumain ng prutas na bagong pitas mula sa puno, ang mga natitirang prutas doon ay magiging maasim. (If a pregnant woman eats a fruit from a tree, all the remaining fruits will remain sour.)
  • Kapag ang nagbubuntis na babae ay kuman ng kambal na saging, siya ang manganganak ng kambal. Upang maiwasan ito, kailangang paghiwalayin niya ang kambal na saging sa kanyang likuran. (A pregnant woman who eats "twin" bananas will give birth to twins. To prevent this, she must split the twin bananas behind her back.)
  • Hindi dapat magpakuha ng larawan ang isang buntis na babae, dahil ito ay magiging sanhi ng pagkamatay ng kanyang anak sa araw ng kanyang panganganak. (A pregnant woman shouldn't have her picture taken, or her child will die at birth.)
  • Ang mga bisita na hindi pumapasok sa loob ng bahay at nananatili lamang sa sa may pintuan ay magiging sanhi ng paghihirap sa panganganak ng buntis na babae. (Visitors who do not enter the house but linger at the door instead will cause a pregnant woman a difficult delivery.)

2. Panganganak (Delivery)

  • Kapag malapit ng manganak ang isang babae, maglagay ng sinding kandila sa ilalim ng kanyang kama upang makita ang mga nagdadaang mga bruha. (When a woman is about to give birth, place a lighted candle under her bed so that any witches passing by may be seen.)
  • Pagkatapos ipanganak ang sanggol, ang "umbilical cord" ay kailangan ipahid sa kanyang pisngi upang siya ay magkaroon ng "dimples". (After the baby is delivered, the umbilical cord must be rubbed on the newborn's cheek to produce dimples.)
  • Kapag ang sanggol ay dumapa sa unang pagkakataon, maglagay ng lapis, papel, at libro sa ilalim ng kanyang tiyan upang siya ay lumaking matalino. (When a baby lies on her stomach for the first time, place a pencil, paper, and a book under her so that she will be intelligent.)

Mga iba pang Pamahiin:

No comments:

Post a Comment

Popular Posts

Featured Post

Benefits And Social Privileges Of Senior Citizens