Sagot: Pako
102.Hindi pari, hindi hari, nagdadamit ng sari-sari.
Sagot: Sampayan
103.Bugtong-pala-bugtong, kadenang umuugong.
Sagot: Tren
104.Heto na si Kaka, bubuka-bukaka.
Sagot: Gunting
105.Buhok ni Adan, hindi mabilang.
Sagot: Ulan
106.Bibingka ng hari, hindi mo mahati.
Sagot: Tubig
107.Sa araw ay bungbong, sa gabi ay dahon.
Sagot: Banig
108.Iisa ang pasukan, tatlo ang labasan.
Sagot: Damit/Baro
109.Malaking supot ni Mang Jacob, kung sisidlan ay pataob
Sagot: Kulambo
110.Dalawang pipit nag titimbangan sa isang siit.
Sagot: Hikaw
111.Maikling landasin, di maubos lakarin
Sagot: anino
112.Hindi hayop, hindi tao, pumupulupot sa tiyan mo
Sagot: sinturon
113.Dala mo dala ka, dala ka ng iyong dala
Sagot:sapatos
114.Maliit pa si Kumpare, nakakaakyat na sa tore. –
Sagot: langgam
115.Kung gusto mong tumagal pa ang aking buhay, kailangang ako ay mamatay
Sagot: kandila
116.Kung kailan mo pinatay, saka pa humaba ang buhay.
Sagot: kandila
117.Baboy ko sa pulo, ang balahibo’y pako.
Sagot: langka
118.Nang sumipot sa maliwanag, kulubot na ang balat.
Sagot: ampalaya
119.Isang butil ng palay, sakot ang buong buhay.
Sagot: ilaw
120.Ako ay may kaibigan, kasama ko kahit saan.
Sagot: anino
121.Dumaan ang hari, nagkagatan ang mga pari.
Sagot: siper
122.Munting hayop na pangahas, aaligid-aligid sa ningas.
Sagot: gamu-gamo
123.Tinaga ko ang puno, sa dulo nagdurugo.
Sagot: gumamela
124.Naabot na ng kamay, ipinagawa pa sa tulay.
Sagot: kubyertos
125.Malaking supot ni Mang Jacob, kung sisidlan ay pataob.
Sagot: kulambo
126.Maliit pa si kumare, marunong ng humuni.
Sagot: kuliglig
127.Baka ko sa palupandan, unga’y nakakarating kahit saan.
Sagot: kulog
128.May bintana nguni’t walang bubungan,
may pinto nguni’t walang hagdanan.
Sagot: kumpisalan
129.Heto na si Kaka, bubuka-bukaka.
Sagot: palaka
130.Magandang prinsesa, nakaupo sa tasa.
Sagot: kasoy
131.Hindi pari, hindi hari, nagdadamit ng sari-sari.
Sagot: paruparo
132.Dalawang batong itim, malayo ang nararating.
Sagot: mga mata
133.Kay lapit-lapit na sa mata, di mo pa rin makita.
Sagot: tenga
134.Sa maling kalabit, may buhay na kapalit.
Sagot: baril
135.Sa buhatan ay may silbi, sa igiban ay walang sinabi.
Sagot: bayong o basket
136.Hindi tao, hindi hayop, kung uminom ay salup-salop.
Sagot: batya
137.Isa ang pasukan, tatlo ang labasan.
Sagot: kamiseta
138.Buto’t balat na malapad, kay galing kung lumipad.
Sagot: saraggola
139.Lumuluha walang mata, lumalakad walang paa.
Sagot: ballpen o Pluma
140.Nagbibigay na, sinasakal pa.
Sagot: bote
141.May puno walang bunga, may dahon walang sanga.
Sagot: sandok
142.Hinila ko ang baging, sumigaw ang matsing.
Sagot: kampana o batingaw
143.Yumuko man ang reyna, di malalaglag ang korona.
Sagot: bayabas
144.Nakatalikod na ang prinsesa, ang mukha’y nakaharap pa.
Sagot: balimbing
No comments:
Post a Comment