The Tagalog word for 'epic' is epiko from the Spanish. Philippine epics are lengthy narrative poems based on oral tradition. The verses were chanted or sung while being passed from generation to generation before being written on paper. The plots of their stories revolve around supernatural events and heroic deeds.
With the diversity of ethnic groups in the Philippines, Filipino epics are not national in scope the way the Kaleva is in Finland, for example. Instead of glorifying national heroes, Philippine epics are specific to a particular part of the country, and thus they are referred to as ethno-epics or regional epics. In fact, the epic poems of the Philippines are in many different languages, not just the currently dominant Tagalog.
Many of the Philippine epics that have survived and been recorded are from areas that have seen the least colonization by the Spanish and Americans. These are mostly pagan groups and the Moros who were not Christianized by missionaries.
There are around twenty known Filipino epic poems. Among the more famous ones are:
LUZON
The Hudhud of the Ifugao
The pre-Hispanic epic poem Biag ni Lam-ang
The Ullalim epic songs of the Kalinga
The Ibalon epic from Bicol
WESTERN VISAYAS
The Hinilawod – the longest and oldest epic of the Hiligaynon people
MINDANAO
The Darangan of the Maranao (recognized by UNESCO as a Masterpiece of the Oral and Intangible Heritage of Humanity)
The Darangan relates the adventures of a warrior-prince named Bantugan, who was the brother of the chieftain of a village called Bumbaran. Bantugan owned a magic shield, was protected by divine spirits and was capable of rising from the dead.
Medicinal Plants in the Philippines
Showing posts with label Philippine's arts. Show all posts
Showing posts with label Philippine's arts. Show all posts
2.10.2011
Philippine Theatre Arts
Philippine Theatre Arts
Theatre comes from a Greek word “theatron” and it is a branch of performing arts that deals with acting, singing and dancing on stage to present a story dramatically. In the Philippines, many talents are first exposed in the field of theatre arts. In fact, theatre arts have long been existing as a part of the Filipino tradition and serve effectively as a medium of social awareness and entertainment. It is also a means of liberal and artful way of expressing opinions and talents.
make the impossible, possible the Carlos Bulosan presents “People Power”
As part of the Philippine tradition, many festivals and occasions are celebrated in the country where theatre arts are in use. For instance, during Holy Week, ‘Cenaculo’ takes place as an on-stage performance that re-enacts the passion of Christ. Another is the Moro-Moro which expresses the conflict between Christians and Muslims in the country. In other towns, a famous theatre form called “carillo”, which is usually a drama play, is shown after the harvest season. ‘Zarzuela’ is another famous theatre performance, a local version of Spanish operetta. In many other places or occasions, variety of traditional plays that express the Filipino love for arts are shown even up to this very day.
Today, the theatre industry is one of the factors that brings the country into the world’s spotlight. Many famous theatrical productions are played and commended in other countries while they open doors to Filipino talents for world class performances.
Performing artists involve in theatre arts usually have inner talents or potential capability to act, sing and dance on stage and provide entertainment to a wide number of audiences. Some are amateurs while others are professionals and together with them are stage managers, musical directors, stage crews, who all create ideally entertaining productions.
Katuwaang Bugtong (Funny Riddles)
Sino ang nagsasalita?
1. “Pinapaikot mo lang ako
Nagsasawa na ako. Mabuti pang
patayin mlo na lang kaya ako?”
- electric fan
2. “Hindi lahat ng walang salawal
ay bastos”.
- Winnie d’ Pooh
3. “Alam mo ba wala akong ibang hinangad
kundi ang mapalapit sa 'yo.
pero patuloy ang pag-iwas mo.”
- ipis
4. “Hala! sige magpakasasa ka!
Alam ko namang katawan ko lang ang habol mo.”
- hipon
5. “Ayoko na! pag nagmamahal ako lagi na lang
maraming tao ang nagagalit! Wala ba akong
karapatang magmahal?”
- gasolina
6. “Hindi lahat ng green ay masustansya.”
- plema
7. “Hindi ko hinahangad na ipagmalaki mo na ako’y sa 'yo
ayoko ko lang naman na sa harap ng maraming tao
ganun mo na lang ako itanggi.”
-utot
8. “Sawang sawa na ako palagi nalang akong
pinagpapasa-pasahan, pagod na pagod na ako.”
-Bola
9. “You never know what you have till you lose it.
and once you lose it, you can never get it back.”
- snatcher
10. “Ginawa ko naman lahat para sumaya ka
mahirap ba talagang makontento sa isa?
Bakit palipat-lipat ka?"
- TV
11. “Hindi lahat ng maasim may Vitamin C.”
- kili-kili
12. "Pilitin mo man na alisin ako sa buhay mo, babalik at babalik ako!"
- libag
13. “'Wag mo na akong bilugin....”
- kulangot
14. "Paano tayo makakabuo kung hindi ako papatong sa iyo?"
- Lego
1. “Pinapaikot mo lang ako
Nagsasawa na ako. Mabuti pang
patayin mlo na lang kaya ako?”
- electric fan
2. “Hindi lahat ng walang salawal
ay bastos”.
- Winnie d’ Pooh
3. “Alam mo ba wala akong ibang hinangad
kundi ang mapalapit sa 'yo.
pero patuloy ang pag-iwas mo.”
- ipis
4. “Hala! sige magpakasasa ka!
Alam ko namang katawan ko lang ang habol mo.”
- hipon
5. “Ayoko na! pag nagmamahal ako lagi na lang
maraming tao ang nagagalit! Wala ba akong
karapatang magmahal?”
- gasolina
6. “Hindi lahat ng green ay masustansya.”
- plema
7. “Hindi ko hinahangad na ipagmalaki mo na ako’y sa 'yo
ayoko ko lang naman na sa harap ng maraming tao
ganun mo na lang ako itanggi.”
-utot
8. “Sawang sawa na ako palagi nalang akong
pinagpapasa-pasahan, pagod na pagod na ako.”
-Bola
9. “You never know what you have till you lose it.
and once you lose it, you can never get it back.”
- snatcher
10. “Ginawa ko naman lahat para sumaya ka
mahirap ba talagang makontento sa isa?
Bakit palipat-lipat ka?"
- TV
11. “Hindi lahat ng maasim may Vitamin C.”
- kili-kili
12. "Pilitin mo man na alisin ako sa buhay mo, babalik at babalik ako!"
- libag
13. “'Wag mo na akong bilugin....”
- kulangot
14. "Paano tayo makakabuo kung hindi ako papatong sa iyo?"
- Lego
Talumpati
Mga halimbawa ng talumpati:
Pag-ibig sa Tinubuang Lupa
ni Andres Bonifacio
ni Andres Bonifacio
Aling pag-ibig pa ang hihigit kaya
Sa pagkadalisay at pagkadakila
Gaya ng pag-ibig sa tinub’ang lupa?
Aling pag-ibig pa? Wala na nga, wala…Walang mahalagang hindi inihandog
Ng may pusong mahal sa Bayang kumupkop;
Dugo, yaman, dunong, katiisa’t pagod,
Buhay ma’y abuting magkalagot-lagot…Sa kaniya’y utang ang unang pagtanggap
Ng simoy ng hanging nagbigay-lunas
Sa inis na puso na sisinghap-singhap
Sa balong malalim ng siphayo’t hirap…Ang nangakarang panahon ng aliw
Ang inaasahang araw na darating
Ng pagkatimawa ng mga alipin,
Liban pa sa bayan saan tatanghalin?…Kung ang bayang ito’y nasasapanganib
At siya ay dapat ipagtangkilik
Ang anak, asawa, magulang, kapatid
Isang tawag niya’y tatalikdang pilit…Nasaan ang dangal ng mga Tagalog?
Nasaan ang dugong dapat na ibuhos?
Baya’y inaapi, bakit di kumilos
At natitilihang ito’y mapanood?…Kayong mga dukhang walang tanging [palad]
Kundi ang mabuhay sa dalita’t hirap
Ampunin ang Bayan kung nasa ay lunas
Pagkat ang ginhawa niya ay sa lahat.Ipaghandog-handog ang buong pag-ibig,
Hangang sa may dugo’y ubusing itigis,
Kung sa pagtatanggol buhay ay [mapatid]
Ito’y kapalaran at tunay na langit.
Ang Kabataan Noon at Ngayon
Ang kabataan noon at ngayonay may maliit lamang na puwang sa kanilang pagkakalayo sa kilos, gawi, ugali, pananamit, damdamin at iba pang bagay. Sinasabing ang mga kabataan noon ay higit na magalang, masunurin at mabait di-tulad ng mga kabataan ngayon. Lubhang taimtim sa puso’t isipan nila ang kanilang ginagawa; sa kabilang dako, ang kabataan ngayon ay may mapagwalang-bahalang saloobin. Lalong masinop sa pag-aayos ng katawan at pananamit at lubhang matapat sa pagsunod sa batas ang mga kabataan noon, kaya wika nga, ang kabataan noon ay hubog sa pangaral at kababaang- loob at ang asal ay ipinagmamalaki ng lahat.Kaiba naman ang mga kabataan ngayon. Mulat sila sa makabagong panahon kaya higit na maunlad sa pangangatwiran na kung magkaminsan ay napagkakamalang pagwawalang-galang sa kapwa. Lubhang mapangahas sa mga gawin at mahilig sa maraming uri ng paglilibang. Napakatayog ng mga mithiin nila at higit na maunlad ang tunguhin. Marami rin ang magkasimbat at magkasinsipag sa mga kabataan noon at ngayon.Ang kabataan noon at ngayon ay pag-asa ng bayan natin. Kapwa sila makabayan, mapagmahal, matulungin sa mga kaangkan at may mga mithiin a buhay. Ang pagkakaiba ay ayon sa lakad ng panahon. Hindi ba’t mayroon tayong “Sampung Lider na mga Kabataan” na pinipili taun-taon? Sila ang saksi sa ating pinakamahuhusay na kabataan noon at ngayon.
Kabataan:Isang Pagtatanong
ni C.C Marquez, Jr.
ni C.C Marquez, Jr.
Ako, ikaw…kayo…sila…tayong mga kabataan,
Saan natin ihahatid itong ating inang batan?
Sa altar ba ng pag-asa o sa bibig ng kabiguan
Sa paanan ba ng langit o bunganga ng libingan?
Dapat tayong manghilakbot…dapat tayong kilabutan
Sa lahat ng pangyayaring nagaganap ng hayagan…
Unti-unting naglalaho nang di natin nalalaman
Ang sariling tatak natin bilang Perlas ng Silangan;Kilos natin at damdamin…ang kultura’t kabuhayan,
Dahan-dahang nalalagom ng masakim na dayuhan!Nanaisin pa ba natin ang magbalik ang panahon
Ng nabaon na sa limot na duguang mga taon…?
Noong tayong mga kabataan ay may pusong nag-aapoy
At wala ng hinahangad kundi gulo’t rebolusyon?
Sa kumpas ng paarala’y nais pa ba natin ngayong
Maglagay ng barikada’t magdaos ng demonstrasyon?
Di ba’t dahas ay sa dahas sumugpong na lubos noon
Upang ganap na sikangan ang sa baya’y nagsusulsol?
Kabataan…kabataan…ako nayo’y nagtatanong:
Saan natin ihahatid itong ating henerasyon?Papayagan kaya natin sa sarili nating bansa,
Ang sariling tatak nati’t kakanyahan ay mawala?
Sa kultura ng dayuhang dito ngayo’y bumabaha,
Ang sariling kalinanga’y lulunurin na rin kaya?
Ang malagim na kahapong dugo’t luha ang napunla
Bakit ngayong susupling na saka tayo nagpabaya?
Ang aral ni Dr.Rizal na tayo’y pag-asa nga,
Bakit ngayo’y aral pa ring matupad ni bahagya?
Sa paningin ng daigdig, dapat tayong mangahiya-
Pilipinong naturingan ay dayuhan ang kamukha!Ikaw kaya’y isang bulag at hindi mo nakikita
Ang talamak na pagyurak sa sarili mong kultura?
Sa harap ng telebisyon panatag kang nakatawa
At ni hindi ka mapaknit kung dayuhan ang programa
Ang likas mong panooring makulay na zarzuela,
Ngayo’y nagging video tapes at Betamax sa tuwina
Ang tamis ng tulain mo at kundimng pangharana,
Pinalitan mo ng disco, ng swing, ng rock, boogie;
Dumilat ka, kabataan…ang lahi mo’y nakukuha
Ng dayuhang sa bansa mo’y nagpapanggap na turista!Ang agwat ng talastasan ng magulang at anak,
Hindi mo ba napapansing kaylawak ng isang agwat?
Dumaraan ang maghapo’t lumilipas ang magdamag,
Ni putol mang dayalogo’y hindi kayo nakabigkas;
Kahit isang problema mo…sa kanila’y di naungkat,
Kaya ito’y nananatiling suliraning hindi malutas…
Papaano, tayong bunso’y sa lansangan nagpupuyat
Sila namang ama at ina’y sa Gawain nagbababad;
Ah! Sa aba ng Maykapal… kapag ito’y di nagwakas,
Wawasakin ang pamilya’t ang bansa mo’y malalansag.Ikaw, ako…kayo, sila… dapat tayong mangag-isip,
Itong ating Inang Baya’y saan natin ihahatid?
Sa altar ba ng pag-asa o libingang sakdal lamig?
Sakuko ng kabiguan o tagumpay na marukit?
Tayong mga kabataan ang pag-asa ng daigdig,
Sa magulang at ninuno’y tayong lahat ang magpapalitAng kultura’t kabuhayan ay linanging buong higpit
Upang tayo’y makalaya sa dayuhang mapanggipit;
Isang bansa… Isang diwa ang sati’y bumibigkis,
Tayo’y mga kabataan… Pilipino bawat saglit!
I Am A Filipino
by Carlos P. Romulo, former Secretary-General of the United Nations
by Carlos P. Romulo, former Secretary-General of the United Nations
I am a Filipino – inheritor of a glorious past, hostage to the uncertain future. As such I must prove equal to a two-fold task- the task of meeting my responsibility to the past, and the task of performing my obligation to the future. I sprung from a hardy race – child of many generations removed of ancient Malayan pioneers. Across the centuries, the memory comes rushing back to me: of brown-skinned men putting out to sea in ships that were as frail as their hearts were stout. Over the sea I see them come, borne upon the billowing wave and the whistling wind, carried upon the mighty swell of hope- hope in the free abundance of new land that was to be their home and their children’s forever.This is the land they sought and found. Every inch of shore that their eyes first set upon, every hill and mountain that beckoned to them with a green and purple invitation, every mile of rolling plain that their view encompassed, every river and lake that promise a plentiful living and the fruitfulness of commerce, is a hallowed spot to me.By the strength of their hearts and hands, by every right of law, human and divine, this land and all the appurtenances thereof – the black and fertile soil, the seas and lakes and rivers teeming with fish, the forests with their inexhaustible wealth in wild life and timber, the mountains with their bowels swollen with minerals – the whole of this rich and happy land has been, for centuries without number, the land of my fathers. This land I received in trust from them and in trust will pass it to my children, and so on until the world is no more.I am a Filipino. In my blood runs the immortal seed of heroes – seed that flowered down the centuries in deeds of courage and defiance. In my veins yet pulses the same hot blood that sent Lapulapu to battle against the alien foe that drove Diego Silang and Dagohoy into rebellion against the foreign oppressor.That seed is immortal. It is the self-same seed that flowered in the heart of Jose Rizal that morning in Bagumbayan when a volley of shots put an end to all that was mortal of him and made his spirit deathless forever; the same that flowered in the hearts of Bonifacio in Balintawak, of Gergorio del Pilar at Tirad Pass, of Antonio Luna at Calumpit; that bloomed in flowers of frustration in the sad heart of Emilio Aguinaldo at Palanan, and yet burst fourth royally again in the proud heart of Manuel L. Quezon when he stood at last on the threshold of ancient Malacañang Palace, in the symbolic act of possession and racial vindication.The seed I bear within me is an immortal seed. It is the mark of my manhood, the symbol of dignity as a human being. Like the seeds that were once buried in the tomb of Tutankhamen many thousand years ago, it shall grow and flower and bear fruit again. It is the insigne of my race, and my generation is but a stage in the unending search of my people for freedom and happiness.I am a Filipino, child of the marriage of the East and the West. The East, with its languor and mysticism, its passivity and endurance, was my mother, and my sire was the West that came thundering across the seas with the Cross and Sword and the Machine. I am of the East, an eager participant in its struggles for liberation from the imperialist yoke. But I also know that the East must awake from its centuried sleep, shape of the lethargy that has bound his limbs, and start moving where destiny awaits.For, I, too, am of the West, and the vigorous peoples of the West have destroyed forever the peace and quiet that once were ours. I can no longer live, being apart from those whose world now trembles to the roar of bomb and cannon shot. For no man and no nation is an island, but a part of the main, there is no longer any East and West – only individuals and nations making those momentous choices that are hinges upon which history resolves.At the vanguard of progress in this part of the world I stand – a forlorn figure in the eyes of some, but not one defeated and lost. For through the thick, interlacing branches of habit and custom above me I have seen the light of the sun, and I know that it is good. I have seen the light of justice and equality and freedom and my heart has been lifted by the vision of democracy, and I shall not rest until my land and my people shall have been blessed by these, beyond the power of any man or nation to subvert or destroy.I am a Filipino, and this is my inheritance. What pledge shall I give that I may prove worthy of my inheritance? I shall give the pledge that has come ringing down the corridors of the centuries, and it shall be compounded of the joyous cries of my Malayan forebears when they first saw the contours of this land loom before their eyes, of the battle cries that have resounded in every field of combat from Mactan to Tirad pass, of the voices of my people when they sing:Land of the Morning,Child of the sun returning…Ne’er shall invaders, trample thy sacred shore.Out of the lush green of these seven thousand isles, out of the heartstrings of sixteen million* people all vibrating to one song, I shall weave the mighty fabric of my pledge. Out of the songs of the farmers at sunrise when they go to labor in the fields; out of the sweat of the hard-bitten pioneers in Mal-ig and Koronadal; out of the silent endurance of stevedores at the piers and the ominous grumbling of peasants in Pampanga; out of the first cries of babies newly born and the lullabies that mothers sing; out of the crashing of gears and the whine of turbines in the factories; out of the crunch of ploughs upturning the earth; out of the limitless patience of teachers in the classrooms and doctors in the clinics; out of the tramp of soldiers marching, I shall make the pattern of my pledge:“I am a Filipino born of freedom and I shall not rest until freedom shall have been added unto my inheritance – for myself and my children’s children – forever.
Alamat ng Chocolate Hills
Noong unang panahon, sa probinsiya ng Bohol, parting Kabisayaaan, may lupang malawak subali’t ito ay tuyot. Makikita mong biyak-biyak ang lupain kapag tag-init. Talagang pagpapawisan ka kapag napadaan ka sa lugar. Subali’t kapag tag-ulan ito ay maputik at siguradong mababaon ang iyon paa kapag ikaw ay naka-yapak. Ngunit kung araw ng taniman ay maaliwalas ang kapaligiran sa kulay ng berdeng tanawin ng pook.
Ayon sa matatanda roon, may isang araw sa magkabilang dulo ng isla na may dalawang higanteng dumating. Ang isa ay nagmula sa parting timog at ang isa naman ay sa hilaga. Ang mga naninirahan doon ay nangangamba na baka magkita ang dalawa. Kaya’t nilisan pansamantala ng tagaroon ang lugar. Sa inaasahang pangyayari nagkita nga ang dalawang higante.
“Anong ginagawa mo sa aking nasasakupan!” Ito’y aking pag-aari at umalis ka na,” galit na sinabi ni Higanteng mula saTimog . ” Maghanap ka ng lugar na iyong aangkinin.”
“Aba!, ako yata ang nauna rito at ito’y pag-aari ko na!” sagot ding galit ng higante mula sa hilaga. “Ikaw dapat ang umalis!”
“Hindi maaari ito! Ito ay pag-aari ko!” sabay padyak ng Higante mula sa Timog at nayanig ang lugar na parang lumilindol.
“Lalong hindi maaari!” mas malakas ang padyak ng Higante mula sa Hilaga.
Noong panahong iyon, ay katatapos pa lamang ang tag-ulan at maputik sa kinatatayuan nila. Ginawa ng isang higante ay bumilog ng putik at binato sa isa. Subali’t gumanti rin ang isa at humulma rin ng isang bilog na putik at siya ring binato sa kalaban. Walang tigil na batuhan ng binilog na putik. Hanggang ang dalawa ay hingalin, naubusan ng lakas at nawalan ng hininga. Tumumba ang dalawang higante na wala ng buhay.Marami ang nakasaksi sa pangyayari na tagaroon.
Ang sumabat sa paningin ng mga tao ang mala-higanteng bolang putik na siyang ginamit ng mga naabing higante sa pagbabatuhan.
Pagkatapos ng pangyayari, nagsibalikan ang naninirahan doon. Namuhay ng mapayapa at masagana.Dahil sa bulubunduking ginawa ng mga higante na kulay tsokolate na sila ring napakikinabangang taniman, ito ang pinagmulan ng Chocolate Hills.
Alamat ng Pipino
Noong araw, sa Lumang Taal, Balangay ng Batangan, ay may mag-asawang may anak na lalaki. Ang pangalan ng ama ay Rupino, ang ina ay Paula, at ang anak naman ay Tirso. Sa halip na maging maalaala at mapagmahal sa aswa’t anak si Rupino ay totoong pabaya. Siya ay napakatamad at napakasugarol pa.Kaya upang sila ay mabuhay, si Paula ang siyang naghahanap-buhay.
Isang araw, si Paula ay nagluto ng pananghalian. Si Rupino ay pinakiusapan ni Paula na magsibak ng kahoy upang may maigatong sa niluluto. Si Paula ay matagal ding nakiusap bago napasunod si Rupino. Datapwa’t hindi pa halos nangangalahati ng pagsibak si Rupino ay huminto ito.
“Paula, Paula, ” ang sigaw ni Rupino buhat sa ibaba, “Napakasakit ng ulo ko. Para bang mabibiyak. Bigyan mo nga ako ng piso at bibili ako ng gamot.”
Nalalaman ni Paula na si Rupino at nagdadahilan lamang sapagka’t marahil ay tinatamad at sinusumpong ng pagsususgal.
“Saan ba ako kukuha ng oiso?” ang sagot ni Paula. “At saka anong sakit ng ulo ang sinasabi mo? Ang totoo’y ibig mo lang magsugal. Sulong! Kung ayaw mong magsibak ngkahoy ay umalis ka at ako ang magsisibak.”
Si Rupino ay umalis na ngingiti-ngiti pa. Hindi siya nagbalik kundi nang inaakala niyang luto na ang pagkain.
“Paula, maghain ka nga,” ang utos niya sa asawa. “Nagugutom ako.”
Si Paula naman na nakalimot na sa kanyang galit ay madaling sumunod.
“Tirhan mo ng kaunting kanin at kaunting ulam si Tirso,” ani Paula. “Siya’y hindi pa kumakain sapagka’t inutusan ko.”
Ngunit nasarapan si Rupino sa pagkain. Nang maalala niya ang pagtitira sa kaunting kanin at ulam kay Tirso ay naubos na niyang lahat ang kanin at ulam.
Nang dumating si Tirso at maghalungkat sa paminggahan ay nakita niyang ubos na ang lahat ng ulam at kanin.
“Inay, wala na pong ulam at kanin a,” ang maiyak-iyak na sumbong ni Tirso. “Simot na simot po ang mga palayok.”
“Rupino hindi mo ba tinirhan ng pagkain ang anak mo?” ang usisa naman ni Paula.
“Aba tinirhan ko,” ang pagsisisnungaling ni Rupino. “Baka kinain ng hayop.” At si Rupino ay lumabas at hinanap angpusa at aso. Ang hayop ay pinagpapalo ni Rupino hanggang ang puno at aso ay magtalunan sa batalan.
Lumipas ang mga araw. Noon ay tag-ani ng palay. Upang mayroon silang makain ang mag-inang Paula at Tirso ay tumutulong sa pag-aani ng palay sa kanilang mga kapit-bahay na may palayan. Ang mga palay na inuupa sa kanila ng kanilang mga tinutulungan ay itinatago nila sa kanilang bangang malaki sa kanilang silid.
Isang araw, sa paghahalungkat ni Rupino sa loob ng silid ay natagpuan niya ang banga ng palay. Nang Makita niya na mapupuno na halos ang banga ay napangiti ng lihim. Alam na niya ang kanyang gagawin. Mapaglalangan na naman niya si Paula.
Nang dumating ang mag-ina buhat sa bukid ay dinatnan nila si Rupino na naghihimas ng manok. Si Rupino ay mukhang malungkot na malungkot.
“Aba, ano ang nangyari sa iyo?” ang usisa ni Paula. “Baki parang Biyernes Santo ang mukha mo?”
“Masama ang nagyari, e, ang simulan ni Rupino. “Natalo ako sa tupada.”
“Oo, e ikaw ba naman ay nanalo na?” ang ika ni Paula. “Ang pinagtataka ko saiyo ay kung saan ka kumukuha ng ipinatatalo.”
“Iyon nga ang sasabihin ko sa iyo, e. Nakita ang palay na tinitipon ninyo sa banga at ipinagbili ko.
“Ang iniisip ko ay kung yung pinagbilan ay maparami ko ay gugulatin kita. Nguni’t talaga yatang minamalas ako lahat ng pinagbilan ko ay natalo.”
Si Paula at Tirso ay hindi nakakibo. Si Paula ay nanlambot na lamang at nangilid na ang luha. Pumanhik sila ng bhay na malatang- malata ang katawan.
Si Rupino ay maliksing tumayo ng si Paula at Tirso ay pumanhik na sa itaas. Tuwang-tuwa siya samantalang siya ay nagbibihis. Ang totoo’y hindi pa natatalo ang sampungpisong pinagbilan niya ng palay. Ang limang piso ay nasa bulsa niyaat ang lima pa ay nasa lambat na nakasuksok sa kanilang silong. Ang limang pisong nasa bulsa niya ay dadalhin niya sa sugalan. Kung sakaling matalo ay maaari pa siyang umuwi at kumuha ng puhunan.
“Inay, paano ang gagawin natin ngayon?” ang tanong ni Tirso ng nakaalis na si Rupino. “Nasayang lamang ang pagod natin.”
“Bayaan mo na anak, at ako’y maghahanap ng maipagbibili,” ang wika ni Paula. “Makakaraos din tayo sa awa ng Dios.”
Si Paula ay naghalungkat ng anumang maipagbibili sa loob ng bahay ngunit wala siyang makita. Nanaog siya at baka sakali sa silong aymay Makita siya.. At hindi nga siya nagkamali sapagka’t at namataan niya ang lambat na nakasabit sa isang haligi.Ang lambat ay kinuha ni Paula at madaling ipinagbili sa Intsik. Ang pinagbilan ay madaling binili ni Paula ng kalahating kabang bigas at ng maiulam na nila ng marami-raming araw.
Si Paula ay kasalukuyang naluluto ng si Rupino ay dumating na humahangos.
“Kakain ka na ba?” ang tanong ni Paula. “malapit ng maluto ang ulam.”
“Huwag mo akong abalahin,” ang payamot na sigaw ni Rupino at nanaog uli. Tuloy-tuloy siyang pumasok sa silong.
Walang anu-ano ay mabilis na umakyat sa hagdan si Rupino.
br>
br>
“Ang lambat?” Nasaan ang lambat?” ang humahangos niyang usisa. “Ano ang ginawa mo sa lambat?”
“Ha? Lambat?” ang walang tutong sagot ni Paula. “A, ang lambat. Ipinagbili ko at ang pinagbilan ay binili ko ng kalahating kabang bigasat ng maraming ulam.”
“Ipinagbili mo! Ipinagbili mo ay may lamang limang piso iyon!” Si Rupino ay nanginginig na lumpit sa asawa. Sinampal niya ito ng ubod-lakas, sinuntok at sinipa. Hindi pa yata nakasiya roon ay hinawakan niya sa ulo si Paula at ipinukpok ng ipinukpok ang ulo nito sa dinding ng bahay. “Hindi mo nalamang itinago ko sa lambat ang kalahati ng pinagbilan ko sa palay?”
“Diyos ko!” ang panangis ni Paula ng lubayan na siya ng kagulgulpi ni Rupino. “Labis labis na po ang mga pagtitiis naming ng anak ko sa taong ito. Diyos ko, kaawaan mo po kami! Maano pong Mo na ang taong ito at ng kami ng anak mo ko ay makatikim na ginhawa!”
At anong laking himala angnangyari. Isang napakatalim na kidlat ang biglanggumuhit, kidlat na sinundan ng kulog na nakatutulig. Si Paula at Rupino ay nawalan ng malay-tao.
Nang si Paula ay pagsaulan ng hininga ay nakita niyng si Rupino ay maitim na maitim at patay na. Si Rupino pala ay tinamaan ng kidlat. Samantalang pinagmasdan niya ang mukha ni Rupino ay may narinig siyang isang tinig na nagsasabi ng ganito: “Ibaon mo sa inyong halmanan ang bangkay ng iyong asawa. Sa puntod ng kanyang libingan ay may sisiot ng isang halaman. Alagaan mong mabuti ang halamanang iyansapagka’y iyay pakikinabangan ninyo. Si Rupino ay di nakatulong sa inyo noong siya y nabubuhay. Ngayong siya’y patay na ay makatulong sana siya sa inyo”
Hindi naman naglaon at isang baging na maganda at malusog ang sumulpot sa puntod ng libingan ni Rupino Ang baging madaling lumaki at namunga, at nang anihin ni Paula ang bunga ng baging at kanilang kainin ay anong sarap ang mga bungang iyon sa panlasa. Ang baging na iyon ay ang unang pipino sa daigdig. At sapagka’t ang baging ay sumipot sa puntod ni Rupino, tinawag itong pipino.
Subscribe to:
Posts (Atom)
Popular Posts
-
Pinatutula Ako Sa Kabataang Pilipino Sa Mahal na Birhen Maria Isang Alaala ng Aking Bayan Ang Ligpit Kong Tahanan Kundiman Sa Mga B...
-
Noong unang panahon, sa probinsiya ng Bohol, parting Kabisayaaan, may lupang malawak subali’t ito ay tuyot. Makikita mong biyak-biyak ang lu...
-
Noong unang panahon ang puno ng Kawayan ay hindi yumuyuko. Mayabamg ito at taas-noo. Ipinagmamalaki nito ang kanyang makinis na katawan. Ber...
-
Isang Alaala Ng Aking Bayan Nagugunita ko ang nagdaang araw ng kamusmusang kong kay sayang pumanaw sa gilid ng isang baybaying luntian...
-
Sa Kabataang Pilipino Itaas ang iyong noong aliwalas ngayon, Kabataan ng aking pangarap! ang aking talino na tanging liwanag ay pagitawin...