1.30.2011

Mga Bugtong (Riddles) - 5 of 6

81. Hindi hayop, hindi tao; walang gulong ay tumatakbo. -- Sagot: agos ng tubig

82. Oo nga’t alimango, nasa loob ang ulo. -- Sagot: pagong

83. Humangin, umulan, laging dala ang bahay. -- Sagot: pagong

84. Buka kung hapon, kung umaga ay lulon. -- Sagot: banig

85. Bubong kung maliwanag; kung gabi ay dagat. -- Sagot: banig

86. Aling mabuting litrato ang kuhang-kuha sa mukha mo? -- Sagot: salamin

87. Hindi hayop, hindi tao, ang balat ay kuwero. -- Sagot: kastanyas (chestnut)

88. Naligo ang kapitan, hindi nabasa ang tiyan. -- Sagot: bangka

89. Takbo roon, takbo rito, hindi makaalis sa tayong ito. -- Sagot: duyan

90. Malalim kung bawasan, mababaw kung dagdagan. -- Sagot: tapayan (native water jar)

91. Hawakan mo ang buntot ko, at sisisid ako. -- Sagot: tabo (dipper)

92. Mayroon akong alipin, mataas pa sa akin. -- Sagot: sombrero

93. Ang bahay ni Isko walang pinto, puro kwarto. -- Sagot: kawayan

94. Isang balong malalim, punong-puno ng patalim. -- Sagot: bunganga

95. Maganda kong senyorita, susun-suson ang saya. -- Sagot: puso ng saging

96. Tumakbo si Tarzan, bumuka ang daan. --Sagot: siper (zipper)

97. Kung gabi ay hinog, kung araw ay hilaw. -- Sagot: bombilya

98. Dala niya ako, siya’y aking dala. -- Sagot: sapatos

99. Isang butil na palay, puno ang buong bahay. -- Sagot: ilaw

100. Dumaan si Negro, namatay lahat ng tao. -- Sagot: gabi

No comments:

Post a Comment

Popular Posts

Featured Post

Benefits And Social Privileges Of Senior Citizens