61. Tapis ni Kaka, hindi mabasa. -- Sagot: dahon ng gabi
62. Tanikalang may sabit, sa batok nakakawit. -- Sagot: kuwintas
63. Alisto ka pandak, darating si pabigat. -- Sagot: dikin
64. Naabot na ng kamay, iginawa pa ng tulay. -- Sagot: kubyertos
65. Ma-tag-init, ma-tag-ulan, dala-dala ay balutan. -- Sagot: kuba
66. Pagsipot sa maliwanag, kulubot na ang balat. -- Sagot: ampalaya
67. Bastong hindi mahawakan, sinturong walang paggamitan. -- Sagot: ahas
68. May katawa’y walang mukha, walang mata’y lumuluha. -- Sagot: kandila
69. Tinaga ko sa gubat, sa bahay umiiyak. --Sagot: bandurya (native guitar)
70. May ulo walang tiyan, may leeg walang baywang. -- Sagot: bote
71. Di man isda, di man itik, nakahuhuni kung ibig. -- Sagot: palaka
72. Baboy ko sa Marungko, balahibo ay pako. --Sagot: langka
73. Maliit pa si kumpare, nakakaakyat na sa tore. -- Sagot: langgam
74. Ang paa’y apat, hindi makalakad. --Sagot: mesa
75. Itinapon ang laman, balat ang pinagyaman. -- Sagot: yantok (rattan)
76. Walang ngipin, walang panga, mainit ang hininga. -- Sagot: baril na pinaputok
77. Bahay ng anluwagi, iisa ang haligi. -- Sagot: bahay ng kalapati
78. Baka ko sa Maynila, Abot dito ang unga. --Sagot: kulog (thunder)
79. Naunang umakyat, nahuli sa lahat. --Sagot: bubong ng bahay
80. Hayan na hayan na, hindi nakikita. --Sagot: hangin
Medicinal Plants in the Philippines
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Popular Posts
-
Pinatutula Ako Sa Kabataang Pilipino Sa Mahal na Birhen Maria Isang Alaala ng Aking Bayan Ang Ligpit Kong Tahanan Kundiman Sa Mga B...
-
Noong unang panahon, sa probinsiya ng Bohol, parting Kabisayaaan, may lupang malawak subali’t ito ay tuyot. Makikita mong biyak-biyak ang lu...
-
Noong unang panahon ang puno ng Kawayan ay hindi yumuyuko. Mayabamg ito at taas-noo. Ipinagmamalaki nito ang kanyang makinis na katawan. Ber...
-
Isang Alaala Ng Aking Bayan Nagugunita ko ang nagdaang araw ng kamusmusang kong kay sayang pumanaw sa gilid ng isang baybaying luntian...
-
Sa Kabataang Pilipino Itaas ang iyong noong aliwalas ngayon, Kabataan ng aking pangarap! ang aking talino na tanging liwanag ay pagitawin...
No comments:
Post a Comment