Showing posts with label Kwentong bayan / Alamat. Show all posts
Showing posts with label Kwentong bayan / Alamat. Show all posts

6.15.2018

ANG ALAMAT NG CASIGURAN

Ang bayan ng Casiguran, sa lalawigang Aurora, ay isa sa mga bayang may magagandang tanawin. Nasa baybayin ito ng karagatan at mapayapa ang paligid nito. Masagana ang pamumuhay rito. Itinuturing ng mga tao na ito ay grasya ng mapagmahalang Birhen na nasa kanilang simbahan. Bakit kaya? Alamin natin.

Noong unang panahon, may isang manlililok na gumagawa ng estatwa ng Birhen mula sa pinutol na puno ng akasya. Mahusay ang manlililok na ito kaya nakagawa siya ng napakagandang imahen. Nang ililagay na ang imahen ng Birhen sa simbahan, umulan nang malakas at bumaha sa paligid. Dahil simbahan. Naisip tuloy ng mga tao na baka ayaw ng simbahan sa pook na kinatatayuan ng puno ng puno ng akasya na pinagkukunan ng estatwa.

Nang mailuklok ang imahen sa bagong simbahan, gumanda ang sikat ng araw at nairaos nang mapayapa ang paglalagay ng imahen. Natuwa ang mga tao kaya binalak nilang magdaos ng prusisyon. Nang ibababa na nila ang Birhen para sa prusisyon ay naging napakabigat nito. Hindi ito makayang buhatin kahit pa ng walong matipunong lalaki. Kapag ibinabalik naman nila ang Birhen sa altar ay muling gumagaan ito. Simula noon, hindi na muli itong inalis ng mga tao sa altar.

Lahat ng sumasampalataya sa Birhen ay umunlad ang pamumuhay. Nawika tuloy ng mga tao na ang Birhen ay kasiguruhan ng mabuting pamumuhay.

Isang araw, nayanig ang buong bayan ng isang malakas na lindol. Gumuho ang isang burol sa tabi ng simbahan. Nagtakbuhan ang mga tao sa simbahan. Marami ang namatay at nasugatan dahil naiwan sila sa mga bahay nila. Ang mga nasa loob ng simbahan ay hindi nasaktan. Lalo nang naniwala ang mga tao na ang Birhen ay kanilang tagapagligtas.

Nang matapos ang lindol, napansin ng mga tao ang maraming butyl ng kumikinang sa daan. Dinampot nila ang mga ito. Sinuri nilang mabuti. Nalaman nilang ito ay mga butil ng ginto. Kanilang inialay sa Birhen ang mga ito upang maging palamuti sa kanyang suot na damit. Ang iba naman ay kanilang ipinagbili upang ibili ng gintong kopa at iba pang gamit sa simbahan. Dahil dito, lalong nagging maunlad ang buhay ng mga tao roon at lalao ding suminhi ang kanilang pananampalataya sa Birhen.

Isang umaga, nakakita ang mga mamamayan ng napakaraming bangka sa laot. Lulan nito ang maraming tulisan na papunta sa baybayin. Nabalitaan ng mga tulisan na may mga ginto sa kanilang bayan. Binalak nilang nakawin ang mga kayamanan ng simbahan. Hindi malaman ng mga tao kung ano ang kanilang gagawin. Wala silang sandatang panlaban sa mga ito.

Tumakbo ang mga lalaki sa simbahan at pinaligiran ang Birhen upang iligtas sa mga magnanakaw na dumarating. Biglang bumuhos ang napakalakas na ulan. Umihip ang malakas na hangin. Ang mga bangka ng mga tulisan ay sumasayaw-sayaw sa malalaking alon ng dagat at pagkatapos, isa-sa itong lumubog. Nang wala nang naiwang bangka sa laot, biglang tumigil ang ulan.

Nagsiluhod ang mga tao sa loob ng simbahan at nagpasalamat sa Mahal na Birhen. Iniligtas na naman sila ng Birhen. Ang himalang ito ang nagpatibay sa paniniwala ng mga tao na talagang ang Birhen ay isang kasiguruhan sa kanilang kaligtasan. Simula noon, tinawag nilang Casiguran ang bayang iyon na kuha sa salitang “kasiguruhan.”

2.10.2011

Alamat ng Chocolate Hills

Noong unang panahon, sa probinsiya ng Bohol, parting Kabisayaaan, may lupang malawak subali’t ito ay tuyot. Makikita mong biyak-biyak ang lupain kapag tag-init. Talagang pagpapawisan ka kapag napadaan ka sa lugar. Subali’t kapag tag-ulan ito ay maputik at siguradong mababaon ang iyon paa kapag ikaw ay naka-yapak. Ngunit kung araw ng taniman ay maaliwalas ang kapaligiran sa kulay ng berdeng tanawin ng pook.
Ayon sa matatanda roon, may isang araw sa magkabilang dulo ng isla na may dalawang higanteng dumating. Ang isa ay nagmula sa parting timog at ang isa naman ay sa hilaga. Ang mga naninirahan doon ay nangangamba na baka magkita ang dalawa. Kaya’t nilisan pansamantala ng tagaroon ang lugar. Sa inaasahang pangyayari nagkita nga ang dalawang higante.
“Anong ginagawa mo sa aking nasasakupan!” Ito’y aking pag-aari at umalis ka na,” galit na sinabi ni Higanteng mula saTimog . ” Maghanap ka ng lugar na iyong aangkinin.”
“Aba!, ako yata ang nauna rito at ito’y pag-aari ko na!” sagot ding galit ng higante mula sa hilaga. “Ikaw dapat ang umalis!”
“Hindi maaari ito! Ito ay pag-aari ko!” sabay padyak ng Higante mula sa Timog at nayanig ang lugar na parang lumilindol.
“Lalong hindi maaari!” mas malakas ang padyak ng Higante mula sa Hilaga.
Noong panahong iyon, ay katatapos pa lamang ang tag-ulan at maputik sa kinatatayuan nila. Ginawa ng isang higante ay bumilog ng putik at binato sa isa. Subali’t gumanti rin ang isa at humulma rin ng isang bilog na putik at siya ring binato sa kalaban. Walang tigil na batuhan ng binilog na putik. Hanggang ang dalawa ay hingalin, naubusan ng lakas at nawalan ng hininga. Tumumba ang dalawang higante na wala ng buhay.Marami ang nakasaksi sa pangyayari na tagaroon.
Ang sumabat sa paningin ng mga tao ang mala-higanteng bolang putik na siyang ginamit ng mga naabing higante sa pagbabatuhan.
Pagkatapos ng pangyayari, nagsibalikan ang naninirahan doon. Namuhay ng mapayapa at masagana.Dahil sa bulubunduking ginawa ng mga higante na kulay tsokolate na sila ring napakikinabangang taniman, ito ang pinagmulan ng Chocolate Hills.

Alamat ng Pipino

Noong araw, sa Lumang Taal, Balangay ng Batangan, ay may mag-asawang may anak na lalaki. Ang pangalan ng ama ay Rupino, ang ina ay Paula, at ang anak naman ay Tirso. Sa halip na maging maalaala at mapagmahal sa aswa’t anak si Rupino ay totoong pabaya. Siya ay napakatamad at napakasugarol pa.Kaya upang sila ay mabuhay, si Paula ang siyang naghahanap-buhay.
Isang araw, si Paula ay nagluto ng pananghalian. Si Rupino ay pinakiusapan ni Paula na magsibak ng kahoy upang may maigatong sa niluluto. Si Paula ay matagal ding nakiusap bago napasunod si Rupino. Datapwa’t hindi pa halos nangangalahati ng pagsibak si Rupino ay huminto ito.
“Paula, Paula, ” ang sigaw ni Rupino buhat sa ibaba, “Napakasakit ng ulo ko. Para bang mabibiyak. Bigyan mo nga ako ng piso at bibili ako ng gamot.”
Nalalaman ni Paula na si Rupino at nagdadahilan lamang sapagka’t marahil ay tinatamad at sinusumpong ng pagsususgal.
“Saan ba ako kukuha ng oiso?” ang sagot ni Paula. “At saka anong sakit ng ulo ang sinasabi mo? Ang totoo’y ibig mo lang magsugal. Sulong! Kung ayaw mong magsibak ngkahoy ay umalis ka at ako ang magsisibak.”
Si Rupino ay umalis na ngingiti-ngiti pa. Hindi siya nagbalik kundi nang inaakala niyang luto na ang pagkain.
“Paula, maghain ka nga,” ang utos niya sa asawa. “Nagugutom ako.”
Si Paula naman na nakalimot na sa kanyang galit ay madaling sumunod.
“Tirhan mo ng kaunting kanin at kaunting ulam si Tirso,” ani Paula. “Siya’y hindi pa kumakain sapagka’t inutusan ko.”
Ngunit nasarapan si Rupino sa pagkain. Nang maalala niya ang pagtitira sa kaunting kanin at ulam kay Tirso ay naubos na niyang lahat ang kanin at ulam.
Nang dumating si Tirso at maghalungkat sa paminggahan ay nakita niyang ubos na ang lahat ng ulam at kanin.
“Inay, wala na pong ulam at kanin a,” ang maiyak-iyak na sumbong ni Tirso. “Simot na simot po ang mga palayok.”
“Rupino hindi mo ba tinirhan ng pagkain ang anak mo?” ang usisa naman ni Paula.
“Aba tinirhan ko,” ang pagsisisnungaling ni Rupino. “Baka kinain ng hayop.” At si Rupino ay lumabas at hinanap angpusa at aso. Ang hayop ay pinagpapalo ni Rupino hanggang ang puno at aso ay magtalunan sa batalan.
Lumipas ang mga araw. Noon ay tag-ani ng palay. Upang mayroon silang makain ang mag-inang Paula at Tirso ay tumutulong sa pag-aani ng palay sa kanilang mga kapit-bahay na may palayan. Ang mga palay na inuupa sa kanila ng kanilang mga tinutulungan ay itinatago nila sa kanilang bangang malaki sa kanilang silid.
Isang araw, sa paghahalungkat ni Rupino sa loob ng silid ay natagpuan niya ang banga ng palay. Nang Makita niya na mapupuno na halos ang banga ay napangiti ng lihim. Alam na niya ang kanyang gagawin. Mapaglalangan na naman niya si Paula.
Nang dumating ang mag-ina buhat sa bukid ay dinatnan nila si Rupino na naghihimas ng manok. Si Rupino ay mukhang malungkot na malungkot.
“Aba, ano ang nangyari sa iyo?” ang usisa ni Paula. “Baki parang Biyernes Santo ang mukha mo?”
“Masama ang nagyari, e, ang simulan ni Rupino. “Natalo ako sa tupada.”
“Oo, e ikaw ba naman ay nanalo na?” ang ika ni Paula. “Ang pinagtataka ko saiyo ay kung saan ka kumukuha ng ipinatatalo.”
“Iyon nga ang sasabihin ko sa iyo, e. Nakita ang palay na tinitipon ninyo sa banga at ipinagbili ko.
“Ang iniisip ko ay kung yung pinagbilan ay maparami ko ay gugulatin kita. Nguni’t talaga yatang minamalas ako lahat ng pinagbilan ko ay natalo.”
Si Paula at Tirso ay hindi nakakibo. Si Paula ay nanlambot na lamang at nangilid na ang luha. Pumanhik sila ng bhay na malatang- malata ang katawan.
Si Rupino ay maliksing tumayo ng si Paula at Tirso ay pumanhik na sa itaas. Tuwang-tuwa siya samantalang siya ay nagbibihis. Ang totoo’y hindi pa natatalo ang sampungpisong pinagbilan niya ng palay. Ang limang piso ay nasa bulsa niyaat ang lima pa ay nasa lambat na nakasuksok sa kanilang silong. Ang limang pisong nasa bulsa niya ay dadalhin niya sa sugalan. Kung sakaling matalo ay maaari pa siyang umuwi at kumuha ng puhunan.
“Inay, paano ang gagawin natin ngayon?” ang tanong ni Tirso ng nakaalis na si Rupino. “Nasayang lamang ang pagod natin.”
“Bayaan mo na anak, at ako’y maghahanap ng maipagbibili,” ang wika ni Paula. “Makakaraos din tayo sa awa ng Dios.”
Si Paula ay naghalungkat ng anumang maipagbibili sa loob ng bahay ngunit wala siyang makita. Nanaog siya at baka sakali sa silong aymay Makita siya.. At hindi nga siya nagkamali sapagka’t at namataan niya ang lambat na nakasabit sa isang haligi.Ang lambat ay kinuha ni Paula at madaling ipinagbili sa Intsik. Ang pinagbilan ay madaling binili ni Paula ng kalahating kabang bigas at ng maiulam na nila ng marami-raming araw.
Si Paula ay kasalukuyang naluluto ng si Rupino ay dumating na humahangos.
“Kakain ka na ba?” ang tanong ni Paula. “malapit ng maluto ang ulam.”
“Huwag mo akong abalahin,” ang payamot na sigaw ni Rupino at nanaog uli. Tuloy-tuloy siyang pumasok sa silong.
Walang anu-ano ay mabilis na umakyat sa hagdan si Rupino.
br>
“Ang lambat?” Nasaan ang lambat?” ang humahangos niyang usisa. “Ano ang ginawa mo sa lambat?”
“Ha? Lambat?” ang walang tutong sagot ni Paula. “A, ang lambat. Ipinagbili ko at ang pinagbilan ay binili ko ng kalahating kabang bigasat ng maraming ulam.”
“Ipinagbili mo! Ipinagbili mo ay may lamang limang piso iyon!” Si Rupino ay nanginginig na lumpit sa asawa. Sinampal niya ito ng ubod-lakas, sinuntok at sinipa. Hindi pa yata nakasiya roon ay hinawakan niya sa ulo si Paula at ipinukpok ng ipinukpok ang ulo nito sa dinding ng bahay. “Hindi mo nalamang itinago ko sa lambat ang kalahati ng pinagbilan ko sa palay?”
“Diyos ko!” ang panangis ni Paula ng lubayan na siya ng kagulgulpi ni Rupino. “Labis labis na po ang mga pagtitiis naming ng anak ko sa taong ito. Diyos ko, kaawaan mo po kami! Maano pong Mo na ang taong ito at ng kami ng anak mo ko ay makatikim na ginhawa!”
At anong laking himala angnangyari. Isang napakatalim na kidlat ang biglanggumuhit, kidlat na sinundan ng kulog na nakatutulig. Si Paula at Rupino ay nawalan ng malay-tao.
Nang si Paula ay pagsaulan ng hininga ay nakita niyng si Rupino ay maitim na maitim at patay na. Si Rupino pala ay tinamaan ng kidlat. Samantalang pinagmasdan niya ang mukha ni Rupino ay may narinig siyang isang tinig na nagsasabi ng ganito: “Ibaon mo sa inyong halmanan ang bangkay ng iyong asawa. Sa puntod ng kanyang libingan ay may sisiot ng isang halaman. Alagaan mong mabuti ang halamanang iyansapagka’y iyay pakikinabangan ninyo. Si Rupino ay di nakatulong sa inyo noong siya y nabubuhay. Ngayong siya’y patay na ay makatulong sana siya sa inyo”
Hindi naman naglaon at isang baging na maganda at malusog ang sumulpot sa puntod ng libingan ni Rupino Ang baging madaling lumaki at namunga, at nang anihin ni Paula ang bunga ng baging at kanilang kainin ay anong sarap ang mga bungang iyon sa panlasa. Ang baging na iyon ay ang unang pipino sa daigdig. At sapagka’t ang baging ay sumipot sa puntod ni Rupino, tinawag itong pipino.

Alamat ng Palay

Noong unang panahon ang mga tao ay walang palay. Ang kanilang kinakain ay gulay, bungang-kahoy, isda, at mga hayop. Sila ay nangangaso sa gubat at nangunguha ng bungang-kahoy sa parang. Sila ay maligaya roon.
Nawala na ang mga hayop sa gubat at iilan na lamang ang mga bungang-kahoy. Ang mga tao ay nalungkot.
Ang mga lalaki ay nangaso sa bundok. Sila’y pagod na pagod at gutom na gutom. Sila’y nagpapahinga ng dumating ang magagandang dalaga. Ang mga ito ay engkantada pala. Sila ay makapangyarihan subalit magagalang.
Ang mga mngangaso ay kinumbida ng mga engkantada. Sila’y nagpunta sa yungib. Dito ay napakarami pala ang engkantada. Sila’y may reyna. Sila’y nagsaya noon, nag-awitan, at nagsayaw.
Nagkaroon ng kainan. Nakita ng mga mangangaso ang malalaking tagayan. Ang mga ito ay punong-puno ng pagkain na puting-puti. Noon lamang sila nakakita ng putting pagkain.
Matapos ang kainan at ang mga lalaki ay nagging bata. Sila ay kumakas. Sila’y pinainom ng puting alak at sila’y at nagging matalino.
Gusto ng umuwi ng mangangaso. Ang reyna ay nagsalita, ” Kayo’y bibigyan ko ng butyl. Ito’y itanim ninyo sa tag-ulan. Alam kong kayo aymabubuti kaya iyan ay sisibol. Iyan ay mamumunga. Aanihin ninyo ang bunga.”
“Ang mga butil na inani ay bayuhin at linisin. Ang butyl ay magiging bigas. Ito ay lutuin. Iyan ang inyong pagkain. Iyan ang kaloob ko sa mga tao. Hala, umuwi na kayo.”
Sumunod sa bilin ang mga tao. Ang bigas na niluto ang kauna-unahang kanin sa daigdig.

Alamat ng Pakwan

Humigit-kumulang sa tatlong daan taong namalagi sa Pilipinas ang mga Kastila. Layunin ng Espanyang sakupin ang mga katutubo. Naging kasangkapan ng mga Espanyol ang Katolisismo upang lalong mapadali nila ang pamamalakad dito. Bagamat sa Limasawa, Leyte nagdaos ng unang misa, may isang paring Kastilang nagngangalang Padre Novelles ang nakarating sa lalawigan ng Nueva Ecija.
Sinikap niyang kumbinsihin ang mga katutubo upang maging Katoliko. Upang magawa ito, pinag-aralan niyang makapagsalita ng kanilang wika. Madali naman siyang natuto. Sapagkat matagal na ring sumasamba sa mga anito ang mga katutubo, hirap na hirap si Padre Novelles na manghikayat.
Lalong pinagsikapan ng paring Kastila ang pagtuturo ng buhay at mga aral ni HesuKristo. Binigyang diin niya ang pagpapasakit ng Anak ng Diyos. Isinalaysay niya ang pagkapasan sa krus upang iligtas lamang ni Hesus ang mga makasalanang tao sa daigdig.
Sapagkat misyunero, marami ang naliwanagan sa katotohanan. Pero kahit marami ang sumunod sa itinuturo ng paring Espanyol ay may isang barangay na bulag pa ring sumasamba sa mga anito. Ito ang barangay na pinamumunuan ni Datu Diliwariw. Ayaw ng Datung paniwalaan ang mga aral na itinuturo sa Katolisismo. Sa labis na pagkagalit ipinadakip mismo ng datu sa mga nasasakupan ang misyunerong nangangaral.
Sapagkat batay sa turo ng Katolisismo ay nagpasan ng krus at ipinako sa kabundukan si HesuKristo. Ito rin ang parusang ipinataw ng di binyagang datu sa paring Katoliko.
Awang-awa ang maraming katutubo sa pagpapasan sa krus si Padre Novelles. Ang maalikabok at baku-bakong lansangan ng Nueva Ecija ay kangyang dinaanan. Sa bundok ng mga anito na ngayon ay kilala bilang bundok ng Caraballo itinindig ang krus. Habang nagbabaga ang araw ay isinakripisyo ng misyunero ang abang buhay. Katulad ni Kristo, isang matulis na sibat ang tumapos sa hininga ng paring Katoliko. Ang sariwang dugo sa dibdib nito ay mayamang umagos sa lupang pinagtindigan ng krus.
Matapos ipapatay ay hindi mapalagay si Datu Diliwariw. Naalala niya ang itinuturo ng misyunero na si Hesus daw ay muling nabuhay pagkalipas ng tatlong araw.
Upang makatiyak, isinama ng datu ang pinakamatapat na kawal nang dumating ang ikatlong gabi. Ginimbal sila ng katotohanan, ang bangkay na kanilang iniwan ay nawala sa kanyang kinapapakuan. Napaluhod ang datu kasama ng kawal. Inalala nila ang mga aral na itinuro ng misyunero tungkol kay Kristo. Taos puso silang humingi ng tawad. Sa kanilang pagyuko at pagluha ay may napansin silang munting halaman sa lupang dinilig ng dugo ng kabanalan. Ang nasabing halaman ay nagbunga ng animo makinis na ulo ng paring misyunero na kapag biniyak mo ay may lamang tila mapulang dugo ng kabanalan, matamis at nakaaalis ng uhaw. Magmula noon, ang nagging Katolikong datu ay lagi nagng dumadalaw sa pinagpakuang kabundukan. Ang panata niyang iyon ay kalakip ng pagtanggap ng kaparusahan sa malaking kasalanang nagawa niya sa paring ipinapatay.
Sapagkat tumubo ang kakaibang halaman ay tinawag ang bunga nito na pinagpakuan na nauwi sa pakuan na ngayon ay naging pakwan. Iyan ang pinanggalingan ng alamat ng pakwan.

Alamat ng Tandang




Si Sidapa na Bathala ng Digmaan ay lagi nang nilalapitan ng mga datu upang mapanatili ang kapayapaan sa kanilang barangay. Alam ni Sidapa na nasa pakikipagkaibigan ng mga pinuno ang susi upang hindi matuloy ang alinmang digmaan.
Sumisikat pa lang ang araw ay nakapila na ang maraming puno ng barangay. Si Sidapa ang nagpapayo upang mapanatili ang kapayapaan sa kani-kanilang lugar.
May mga pagkakataong hindi kaagad nakakasangguni ang mga datu. Nagkakalaban ang mga puno. Kapag nangyari ito, nauuwi sa digmaan ang mga barangay.
Matutulis na sibat ang karaniwang panlaban ng mga mandirigma. Kapag may nasusugatan o namamatay sa labanan, lubos na nalulungkot si Sidapa.
Kapag napagkakasundo ni Sidapa ang nagkakahidwaang mga raha ay natutuwa siya. Naliligayahan siyang nagbibigayan at may respeto sa isa’t isa ang bawat datu. Naniniwala si Sidapa na kapag may digmaan ay walang pag-iibigan. Na kapag may pag-iibigan ay walang digmaan. Lagi niyang pangarap na nag-uusap-usap ang lahat at naggagalangan.
Sa dami ng mga mamamayan, datu at mga barangay sa bayan-bayan, at sa dami rin ng problema na inihahain kay Sidapa, kailangang may nagpapaalala sa kanya sa tuwi-tuwina. Kailangan ding may gigising sa kanya tuwing madaling araw bilang hudyat na may mga datu nang naghahain ng problema.
Isa sa mga sundalo ni Sidapa ang nagprisintang orasan niya. Obligasyon niyang paalalahanan si Sidapa na oras na ng pagkain, o oras nang tapusin ang isang pulong, o oras nang humarap sa ilang bisita, o oras nang magbigay desisyon sa isang problema. Pinakamahirap na Gawain ng Sundalong Orasan ang paggising nang napakaaga tuwing madaling araw. Noong unang mga lingo ay laging napakaaga niyang gumising pero kapag napapakuwento siya sa mga kapwa sundalo ay bahagya siyang nahuhuli sa paggising kay Sidapa.
Mapagpasensya ang bathala niya. Lagi itong pinagbibigyan ang Sundalong Orasan. Upang ganahan sa trabaho ay dinadagdagan ni Sidapa ang mga insentibo nitong pilak, damit at pagkain para sa pamilya.
Tuwang-tuwa naman ang Sundalong Orasan pero mahina itong manindigan. Sa kaunting aya ng mga kaibigan ay natatangay siya upang uminom ng alak. Hindi lamang isa o dalawang kopita, kunidi maraming alak na nagpapalasing sa kanya.
Sa pagkalasing ay naibalita pa niya sa ilang kawal ng naglalabang tribo ang mga sikretong pandigmaang di dapat na ipaalam. Galit na galit si Sidapa. Maraming hindi pagkakaunawaan ang naganap dahil hindi siya ginising ng Sundalong Orasan sa madaling araw.
Nang matuloy ang isang madugong digmaan ng dalawang malaking barangay ay ipinatawag ni Sidapa ang Sundalong Orasan.
Lasing na lasing ang Sundalong Orasan nang humarap sa kanyang bathala.
“Ikaw ang dahilan sa madugong digmaang sana ay naiwasan.”
“Pa…patawad po, Bathalang Sidapa.”
“Pinagbibigyan na kita ng ulang ulit! Marami ang namatay dahil sa iyong kapabayaan. Wala kang utang na loob. Ang mga lihim pandirigmaan at pangkapayapaan ay ipinaalam mo sa lahat. Ang obligasyon mong gisingin ako sa madaling araw ay hindi mo pinahahalagahan. Bilang parusa , magiging isang hayop kang walang gagawin kundi gisingin ang daigdig tuwing nagmamadaling araw!”
Sa isang kisapmata ang Sundalong Orasan ay lumiit nang lumiit. Nagkabalahibo ito sa buong katawan. Naging pakpak ang mga kamay at nagkatahid ang mga paa. Sa halip na magsalita ay tumilaok itong parang nanggigising.
Sa sobrang kahihiyan, lumipad papalabas ng tahanan ni Sidapa ang Sundalong Orasan na magmula noon ay tinatawag na Tandang. Ang Tandang na tumitilaok sa madaling araw ang nagpapaalalang siya ang unang tagagising ng sandaigdigan.
Ito ang pinagmulan ng alamat ng Tandang.

Alamat ng Ilang-ilang

Maraming nagtataka kung bakit hile-hilera ang di mabilang na puno ng ilang-ilang sa Pampang sa Ilog ng Pancipit.
Ang ilog ay homuhoho sa Look ng Balayan. Ang tubig ay galling sa Lawa ng Taal.
Balita ang Ilog Pancipit sa mga isdang-tabang na nahuhuli rito tulad ng maliputo, lumulukso, at tawilis na di nakikita sa alinmang dagat ng Pilipinas. Makasaysayan ang ilog sapagkat si Salcedo na apo ni Legaspi ay diti nasugatan sa pakikipaglaban sa mga negritong pawing nasasandatahan ng makamandag ng palaso.
Ang dalampasigan ng Balayan Bay ay makasaysayan din sapagkat ditto nagtayo ng bayan-bayanan sina Datu Dumangsil at Datu Balensuela. Magugunita na ang dalawang datung ito ay tumakas galling Borneo upang makaiwas sa kalupitan ng kanilang hari.
Mula sa bunganga ng Bay paitaas sa ilog ay dalawang oras lamang ang tagal sa pamamangka papuntang Lawa ng Taal.
Sa gitna ng lawa nakatayo ang Bulkan ng Taal. Sa lahat ng bulkan sa buong daigdig ito ang may pinakmalaking bibig(crater).
May mga nayon sa dalampasigan ng bulkan. Sa isa sa mga nayon ay may naninirahang magandang dalada na ang pangalan ay Cirila Mabanlo. Ang palayaw sa kanya ng mga tao sa nayon ay Ilang.
Mahal si Ilang ng mga tag nayon.. Siya’y maganda, mabait, at matulungin sa kapwa. Balita ang kanyang kagandahan sa lahat ng sulok ng magkakaanib o kaaway na balangay.
Maraming tagahanga si Ilang, mga binatang manliligaw at tagasuyo. Isa n rito si Lanubo. Siya’y karibal ni Baknotan sa pangingubig.
Kung si Ilang balita sa kanyang kagandahan, si Lanubo nama’y sa kanyang lakas, pagkamaginoo, katapatan, at katapangan. Subok siya sa arnis at buno at dalubhasa sa pangangaso sa gubat.
Sina Ilang at Lanubo ay uliran sa pagmamahal. Sila’y dalawang pusong pinagtambal ng tumutungga sa saro ng ligaya.
Ang ina ng dalaga ay balo. Siya’y sang-ayon sa pag-iibigan ng dalawa. Ano pa ang hahanapin sa isang magiging manugang na lalaking paborito ng nayon?
Makalipas ang sambuwan, hiningi ni Lanubo sa ina ang kamay ni Ilang. Si Lanubo ay tuwan tuwa at nagsimula na ng paghahanda sa darating n gasal.
Binibilang na ang mga araw at ang binata’t dalaga ay haharap na sa dambana. Hinihintay na lamang ang nalalapit na anihan.
Isang araw siya’y lumabas sa kagubatan upang mangaso, kasama ang kanyang mga kaibigan. Sila’y manghuhuli ng usa at baboy-ramo na lilitssnin sa kasalan.
Nagpaalaalp si Ilang kay Lanubo, “Mabuti yata’t maiwan ka rito. Huwag sumama sa kanila. Ang katiwala mo ang siyang kausapin mong mangulo sa pangangaso. Mayroon tayong pamahiin na ang nobyo raw ay huwag aaalis ng tahanan pag malapit nang ikasal pagka’t baka may mangyaring kapahamakan!”
“Iya’y isa lamang pamahiin. Ako’y sasama sa kanila.Sa ikatlong araw babalik kami agad!”
Nabatid ni Baknotan na wala si Lanubo. Siya’y nagpunta sa bahay ni Ilang ng sumunod na gabi.
“Ako’y nagmula sa malayo upang ungkatin muli ang pag-ibig na hanggang ngayo’y sariwa. Minan pang gusto kong patotohanan ang aking pagmamahal!”
“Hindi ka sana naparito sad is oras ng gabi! Noong huli mong bisita ay sinabi ko sa iyo na hindi kta iniibig. Ang puso ko ay naisanla ko na kay Lanubo! Ako’y nalulungkot! Hindi ako maaaring magmahal sa dalawa! Iisa ang aking puso! Ipagpatawad mo. Ipinagtatapat ko sa iyong kami’y ikakasal na sa darating na lingo!”
“Ano mayroon so Lanubo na wala ako? Bakit k a natataranta sa kanya?”
“Siya’y lalaking marangal!”
“Lalo akong marangal! Mayaman pa!”ang sagot na nagyayabang ngunit ang totoo’y siya’y kalog at panot pa!
“Maaari ba? Umalis ka na! Ako’y nag-iisa! Igalang mo ang aking katahimikan!”
“Oo, aalis ako, ngunit sa aking pag-alis kita’y isasama. Sasama ka upang mamuhay o manatili ka ngunit aisa ng bangkay! Alin ang iyong pipilii?”
“Ako’y mananatili saanman naroon si Lanubo!”
“Si Lanubo ay aking papatayin!”
“Permiso, sandali. Ikukuha kita ng maiinom. Palamig!”
“Gusto mong tumakas? Ang bahay mo ay nasasakupan ng aking kawal!Sa gusto mo sa hindi, sasama ka sa akin!” tuloy yapos.
Si Ilang ay nanglaban kinagat niya ang ilong at tenga ng kalog!
Nasaktan ang balatkayo. Nagalit at tinampal ang dalaga. Hindi nagkasya sa tampal at sinuntok pa ito sa panga. Kinuha sa lukbutan ang kris at sinaksak. Ang tampalasang lalaki ay tumakas.
Kinaumagahan, si Lanubo at ang mga kasama ay dumating galling sa pangangaso. Nabatid nila ang sakunang nangyari kay Ilang.
Ang unang pumasok sa isip ni Lanubo ay hanapin si Baknotan at maghiganti!
Pinapayuhan siya nang mga kaibigan na ang unahin ay ang paglilibing kay Ilang. Pihong nagtatago na raw si Baknotan. “Hintayin natin ang magandand pagkakataon! Ang katarunagan ay marunong maghintay!”
Si Lanubo ay larawan ng hinagpis! Siya’y nanangis, “Ilang ,Ilang, patawarin mo ako. Kung ako’y nakinig sa iyo na huwag umalis, disi’y hindi nangyari ito!”
Si Ilang ay inilibing sa burol na malapit sa bisita ng nayon. Si Lanubo ay nagbantay araw at gabi. Siya’y nagtaka nang makitang araw araw ay maraming bulaklak na nangagkalat sa puntod. Ang mga bulaklak pala ay nanlalaglag buhat sa malaking punongkahoy na nakayungyong sa puntod.
Noong mga unang araw ang punong ito ay walang bulaklak ngunit malalago ang dahon. Ngayo,y nakapagtataka! Kakaunti ang mga dahon subalit hitik sa bulaklak! Ang bulaklak ay dilaw mahaba, at makitid ang mga talulot. Ito’y mahalimuyak!
Bilang tagapagpagunita kay Ilang tinawag na balangay ang puno ng halaman ng Ilang-ilang!
Maraming taon ang lumipas subalit nanatiling binata si Lanubo. Ayaw niyang mag-aswa.
Pinatawad niya si Baknotan at nilimot ang tangkang paghihiganti. Naganap ang katarungan ni Bathala pagka’t ang lalaki ay nagkasakit ng ketong.
Nang maging gobernadorcillo si Lanubo Noble sa magkakaratig n balangay, kanyang iniutos sa mga mamamayan na magtanim ng Ilang-ilang sa lansangan, liwasan,aplaya at pampang ng ilog.
Mabango ang simoy ng amihan sa pampang sa ilog ng Pancipit dahil kay Cirila Mabanlo ang pangunahing tauhan ng alamat na ito.

Popular Posts

Featured Post

Benefits And Social Privileges Of Senior Citizens