(Love, Courtship, and Marriage)
1. Paano ko makikita ang mukha ng aking mapapangasawa?
(How will I know how my future spouse looks like?)
Kung gusto mong makita ang mukha ng iyong mapapangasawa, dapat ay gumising ka isang hating-gabi at tingnan mo ang iyong sarili sa salamin habang hawak mo ang isang nakasinding kandila. Sa simula ay makikita mo ang isang kalansay sa salamin. Pagkaraan ng limang minuto, makikita mo ng buong-buo ang taong mapapangasawa mo.
(If you want to know what your lifetime partner will look like, wake up in the middle of the night and take a look at yourself in the mirror while holding a lighted candle. At first, the image in the mirror will appear to be a skeleton. After five minutes, you will see a full view of the person you will marry.)
2. Pagbibigay ng regalo sa iyong minamahal.
(Giving gifts to your beloved.)
a. Bawal ang panyo! Kung bigyan mo ng regalong panyo ang iyong kasintahan, lagi siyang iiyak.
(No handkerchiefs please. If you give handkerchief as a gift to your sweetheart, it will only make her cry.)
b. Bawal ang matutulis/matatalas na bagay na regalo.
(No pointed/sharp objects please.)
Ang mga magkasintahan ay hindi dapat nagpapalitan ng regalong matutulis ang hugis, dahil ito ay magiging sanhi ng pagkasira ng kanilang natatakdang kasal.
(Engaged couples should not exchange pointed or sharp objects as gifts, or this would lead to a broken engagement.)
3. Pagtatanan at ang kalahating buwan: Kapag nakita mo ang isang tala na malapit sa isang kalahating-buwan, ito ay isang palatandaan na maraming magkasintahan ang nagtatanan.
(Eloping and the half-moon: When a star appears near a half-moon, it is a sign that young couples are eloping.)
4. Bago ang kasalan: (Before the wedding:)
a. Iwasan ang paglalakbay- Ang lalaki at babaeng ikakasal ay dapat iwasan ang paglalakbay upang maiwasan ang mga aksidente.
(Avoid travelling - Engaged couples should avoid travelling before their wedding day to avoid accidents.)
b. Ang babae ay dapat iwasan ang pagsuot ng damit pangkasal. Kapag isinukat ang damit pangkasal, hindi matutuloy ang kasalan.
(The bride should not try on her wedding dress before the wedding. If she does, the wedding will not push through.)
5. Sa araw ng kasal (On the wedding day):
a. Ang lalaking ikakasal ay dapat maunang dumating sa simbahan bago ang babae, upang maiwasan ang masamang kapalaran.
(The groom should arrive at the church before the bride, in order to avoid bad luck.)
b. Kapag nalaglag ang singsing, o ang belo ng ikinakasal, o ang arrhae habang ikinakasal ang lalaki at babae, ito ay isang palatandaan na hindi magiging masaya ang kanilang buhay bilang mag-asawa. (Dropping the wedding ring, or the couple's veil, or arrhae during the wedding ceremony means that the couple will not be happy in their marriage.)
c. Kapag naunang maupo ang lalaki bago ang babae habang sila ay ikinakasal, ang lalaki ay magiging "under the saya".
(The groom who sitsdown ahead of his bride during their wedding ceremony will be a henpecked husband.)
d. Habang sila ay ikinakasal, ang babae ay dapat tapakan ang paa ng kanyang mapapangasawa upang silang dalawa ay magkasundo sa mga bagay-bagay, at para na rin hindi maging malupit ang kanyang asawa sa kaniya, habang sila ay magkasama.
(During the wedding ceremony a bride must step on her husband's foot in order to that both of them will agree on things that they will undertake, and so that her husband will not be cruel to her.)
e. Ang sinuman sa kanilang dalawa ang maunang tumayo pagkatapos ng seremonya ng kasal, siya ang mauunang mamamatay.
(Whoever of the couple stands first after the ceremony, will die ahead of the other.)
f. Kapag ang babae sa kanyang araw ng kasal, ito ay magdudulot ng malas sa kanyang pag-aasawa. (A bride who cries during the wedding will bring bad luck to the marriage.)
g. Masamang pahiwatig ang ipinapamalas sa mga bagong kasal kapag ang kanilang mga magulang ay umiiyak sa kanilang araw ng kasal.
(It is bad omen for the newly-wed couple if their parents cry during the wedding.)
h. Kapag umulan sa araw ng kanilang kasal, ang mag-asawa ay magkakaroon ng mga iyaking anak. (If it rains during the wedding, the couple will have many cry babies.)
i. Ang pagtapon ng bigas sa mga bagong kasal ay magbibigay ng swerte sa kanilang buhay. (Throwing rice at the newly-wed couple will bring them prosperity in life.)
j. Kapag may nabasag na bagay sa salu-salo ng bagong kasal, ito ay maghahatid ng magandang swerte sa kanilang buhay.
(Breaking something during the wedding reception brings goodluck to the newly-wed couple.)
k. Sa pagpasok sa kanilang bagong bahay, ang mga bagong kasal ay dapat na pumanik sa kanilang hagdanan ng magkasabay sa kanilang tagiliran, upang walang magiging dominante sa kanilang relasyon.
(Upon entering their new home, the couple should go up the stairs alongside each other so that neither one will dominate the other.)
6. Mga iba pang kasabihan at paniniwala (Other folk beliefs and superstitions):
a. Malas kapag ang magkapatid ay ikakasal sa loob ng isang taon. Upang maiwasan ang malas, ang kapatid na ikakasal ng mas huli ay dapat dumaan sa likurang hagdanan ng simbahan sa araw ng kanyang kasal. (It is bad luck for two siblings to be married within the same year. In order to remedy the situation, the sibling who marries later in the year should pass through the backstairs of the church on the day of the wedding.)
b. Ang sinuman na mahilig maupo sa dulo ng mesa habang kumakain ay hindi makakapag-asawa. (A person who habitually sits at the head of the table during meals will never marry.)
c. Ang mga babaeng may taling sa ilalim ng kanilang mga mata, kung saan dumadaloy ang kanilang luha, ay magiging biyuda. (Women who have moles under their eyes, right where their tears fall, will be widowed.)
d. Kapag pinagligpitan ng mga plato ang isang dalaga habang siya ay kumakain sa mesa, siya ay mananatiling dalaga habang buhay. (Removing plates from the table while an unmarried woman is still eating will keep her single all her life.)
e. Kapag sinundan ng isang dalaga ang mga yapak ng mga bagong kasal, siya ay mag-aasawa sa madaling panahon.
(An unwed gril who follows the footprints of a newly-wed couple will marry soon.)
f. Kapag ang babae ay naging balo sa kadiliman ng buwan, siya ay makakapag-asawang muli.
(If a woman is widowed during a newmoon, she will marry again.)
g. Ang babaeng may asawa na nagsusuot ng perlas na singsing ay magiging sanhi ng pagiging taksil ng kanyang asawa.
(A married woman who wears a pearl ring will cause her husband to commit adultery.)
h. Kapag ang asawang lalaki ay umalis agad ng bahay pagkatapos silang mag-away ng kanyang asawa, ang babae ay dapat kunin ang kamiseta ng lalaki at isampay ito sa ibabaw ng kalan, pagkatapos ay paluin ito ng ilang beses. Ang kanyang asawa ay siguradong babalik sa kanya.
(If the husband leaves the house soon after a quarrel, the wife should get his shirt, hang it over the stove, and whip it several times. The husband is certain to come back.)
MGA IBA PANG KASABIHAN O PAMAHIIN UKOL SA:

- PAGBUBUNTIS AT PANGANGANAK (Conception and Childbirth)
- MGA SANGGOL AT MGA BATA (Infants and Children)
- SALAPI AT KAYAMANAN (Money and Wealth)
- MGA PAGKAIN AT ANG PAGKAIN (Food and Eating)
- BAHAY, TAHANAN, AT PAMILYA (House, Home, and Family)
- PAGKAKASAKIT AT KAMATAYAN (Illness and Death)
- MGA BILANG AT KULAY (Numbers and Colors)
- MGA HAYOP (Animals)
- MGA PALATANDAAN AT PAHIWATIG (Signs and Premonitions)
- MALAS, SWERTE (Bad Luck, Good Luck)
- MGA IBA PANG PAMAHIIN (Other Folk Beliefs)
No comments:
Post a Comment