5.06.2018

Mga Pamahiin ukol sa Mga Hayop (Superstitious Beliefs on Animals)

MGA HAYOP
(Animals)

1. Mga Pahiwatig (Signs)

Kapag lumakad ang isang manok sa ulan, ang ulan ay titigil.
(If a chicken walks in the rain, the rain will stop.)

Kapag nagliparan ang mga gamu-gamo sa gabi, ito ay nangangahulugan na uulan.
(If moths fly at night, it is a sign that it will rain.)

Kapag nagsipag-ingay ang mga palaka sa tag-araw, ito ay nagpapahiwatig na malapit ng umulan.
(If frogs croak in the summertime, it is a sign of the coming rain.)

Ang isang pusang nagpupunas ng kanyang mukha ay nangangahulugan na may darating na bisita.
(A cat wiping its face is a sign that a visitor is coming.)

Ang isang inahing manok na tumilaok sa madaling araw ay nagpapahiwatig na ang isang babaeng walang asawa ay buntis.
(A hen clucking at daw is a sign that an unmarried woman is pregnant.)

Kapag tumatahol ang mga aso sa gabi, ito ay nagpapahiwatig na nagsisipaglibot ang mga masasamang espiritu.
(If dogs howl at night, it means that evil spirits are lurking in the around.)

Kapag nagiingay ng madalas ang isang butiki sa bahay, ibig sabihin ay may darating na sulat o bisita. (When a house lizard makes a lot of noise, expect a letter or a visitor.)

Kapag nakakita ka ng isang gagamba sa gabi, ito ay nagpapahiwatig ng magandang swerte; samantalang kapag nakakita ka ng isang gagamba sa araw, ito ay pahiwatig ng malas.
(If you see a spider at night, it is a sign of good luck; but if you see a spider during the day, it is a sign of bad luck.)

Kapag nahulog ang isang gagamba mula sa kanyang sapot at hindi nakabalik, ito ay nagpapahiwatig na magkakaroon ng hinagpis sa pamilya. Subalit kung ito ay nahulog at nakabalik na muli sa kanyang sapot, ito ay nangangahulugan na ang kaligayahan ay parating na.
(If a spider falls from his web and fails to climb back up, it signifies sorrow for the family. But if it falls and climbs back up again, it means that happiness at hand.)

Kapag ang manunugal ay nakasalubong ng isang butiki habang siya ay papunta sa isang sabong, ito ay pahiwatig ng malas. Kung ang nakasalubong naman niya ay isang ahas, ito ay swerte.
(If a gambler meets a lizard on the way to the cockpit, it is a sign of bad luck. But if he meets a snake, it is good luck.)


2. Mga Dapat at Di Dapat Gawin (Dos and Don'ts)

Huwag na huwag kang gagamit ng masamang salita sa mga daga at baka ikaw ay kanilang dalhan ng salot. Dapat ay tawagin mo silang mga mabait.
(Don't speak ill of mice, or they will harm you. Call them good creatures.)

Pagkatapos bilhin ang biik, ilibot mo ito sa iyong bahay ng pitong beses upang hindi ito maligaw.
(After buying a piglet, walk it around your house seven times so it will not go astray.)


MGA IBA PANG KASABIHAN O PAMAHIIN UKOL SA:

No comments:

Post a Comment

Popular Posts

Featured Post

Benefits And Social Privileges Of Senior Citizens