(Food and Eating)
1. Mga Babala at Pahiwatag (Warnings and Signs)
Kapag nahulog ang kutsara kapag ikaw ay kumakain, ikaw ay magkakaroon ng bisitang babae. Kapag tinidor ang nahulog, lalaki naman ang bisita, samantalang kung kutsarita, isang bata ang bibisita sa iyo.
(If a spoon falls during a meal, you will be visited by a woman. If it is a fork, a man will be visiting, while if it is a teaspoon, it will be a child.)
Ang babaeng palipat-lipat ng upuan habang kumakain ay magkakaroon ng maraming manliligaw.
(A woman who switches seats many times during a meal will have many suitors.)
Kapag ikaw ay nagpalit ng iyong permanenteng lugar sa hapag-kainan ng iyong pamilya, ang iyong mapapangasawa ay magkakaroon ng maikling buhay.
(If you change your permanent place at the family table, the person you will marry will have a short life.)
Kapag ikaw ay kumakain ng maraming sibuyas, ikaw ay magiging palikero o palikera.
(If you eat too much onions, you will become a playboy or playgirl.)
Ang pagkain ng maraming papaya sa araw-araw ay magpipigil sa iyong pagnanasang sekswal.
(Eating ripe papayas everyday controls your sexual urges.)
Kung ikaw ay biglang nabulunan habang kumakain, mayroong taong nakaalala sa iyo sa malayo, o di kaya ay kanyang nasasambit ang iyong pangalan. Upang malaman mo kung sino siya, agad kang humingi ng bilang o numero sa mga taong kasama mo habang kumakain. Ang bilang o numero na ibibigay sa iyo ay gamitin mo sa pagpili ng letra. Ang letrang papatak sa bilang na ibinigay sa iyo ay ang unang titik ng pangalan ng taong nakaalala sa iyo.
(If you choke briefly at mealtime, someone far away remembers you, or is talking about you. To find out who that person could be, immediately ask for any number from the people who are eating with you. The number that will match a letter in the alphabet will be the first letter of the person's name who knows you and is the one who might have remembered you.)
2. Mga Dapat at Di Dapat Gawin (Things To Do and Not to Do)
Kung kailangang lisanin ang mesa bago ka matapos kumain upang maglakbay, kinakailangang ipihit ang mga plato sa mesa upang maging maluwalhati ang iyong paglalakbay.
(If you have to leave the table before finishing your meal in order to go on a trip, turn around the plates on the table so that your trip will be safe.)
Huwag maglagay ng pera sa ibabaw ng mesa habang kumakain.
(Do not put money on the dining table while eating.)
Ang bilang nga mga taong nakaupo na kumakain sa mesa ay hindi dapat umabot sa labing-tatlo.
(The number of persons sitting down in a meal should not add up to 13.)
Kapag nagluluto, mag-iwan ng kaunting butil ng bigas sa sako at itali ito ng mahigpit. Sa gayon ang iyong mga bisita ay hindi uubusin agad ang iyong inihaing mga pagkain.
(When cooking, leave a few grains of rice in the sack and then tie it tightly. This wayt, your guests will not consume all the food at once.)
Kapag ikaw ay nag-iwan ng kaunting kanin sa kaldero, magkakaroon lagi ng makakain sa loob ng iyong pamamahay.
(If you leave some rice in the pot there will always be something to eat in the house.)
Kapag ikaw ay natinik sa pagkain ng isda, huwag mong ipagsabi kahit kanino; iyong ipihit ang plato ng makatlong ulit at ang tinik ay mawawala.
(If a fish bone gets stuck in your throat, don't tell a soul; turn your plate around three times and the bone will disappear.)
Mabuting gumamit ng plato sa pagsilbi ng pagkain sa iyong mga bisita. Ang pagpapala ng iyong mga bisita ay mananatili sa mga plato at magiging pagpapala sa iyong pamilya.
(It is good to use plates when serving food to your guests. The grace of your guests will remain on the plates and be a blessing to your family.)
Kapag ang isang estranghero o malayong kamag-anak ay dumating sa iyong tahanan, painumin mo muna siya ng tubig upang siya ay maghatid lamang ng mabuting balita.
(When a stranger or distang relative arrives in your home, serve him water first so that he brings you only good news.)
Kapag kumakain sa bahay ng mga di mo kilala, kainin lamang ang pagkain na nasa gitna ng iyong plato Ang mga mangkukulam ay ipinapalagay na naglalagay ng kanilang mga kapangyarihan sa tagiliran ng kanilang mga plato.
(When dining in the home of strangers, always eat food from the center of the plate.)
Huwag pagpatungin ang iyong mga maruruming pinagkainan, dahil ito ay magiging sanhi ng pagtataksil sa iyong asawa. (Do not stack dirty dishes one on top of the other, or it may lead to adultery.)
MGA IBA PANG KASABIHAN O PAMAHIIN UKOL SA:
- PAG-IBIG, PANLILIGAW AT PAG-AASAWA (Love, Courtship and Marriage)
- PAGBUBUNTIS AT PANGANGANAK (Conception and Childbirth)
- MGA SANGGOL AT MGA BATA (Infants and Children)
- SALAPI AT KAYAMANAN (Money and Wealth)
- BAHAY, TAHANAN, AT PAMILYA (House, Home, and Family)
- PAGKAKASAKIT AT KAMATAYAN (Illness and Death)
- MGA BILANG AT KULAY (Numbers and Colors)
- MGA HAYOP (Animals)
- MGA PALATANDAAN AT PAHIWATIG (Signs and Premonitions)
- MALAS, SWERTE (Bad Luck, Good Luck)
- MGA IBA PANG PAMAHIIN (Other Folk Beliefs)
No comments:
Post a Comment