(Signs and Premonitions)
1. Mga Marka sa Katawan (Body Marks)
Ang taong may taling sa kanyang paa ay nangangahulugan na siya ay ipinanganak na mahilig makipagsapalaran.
(A person with a mole on his foot is a born adventurer.)
Ang taong may taling sa kanyang mukha ay magiging matagumpay na negosyante.
(A person with a mole on his face will be successful in business.)
Ang taong may taling sa gitna ng kanyang ilong ay magiging mayaman pero hindi masaya.
(A person with a mole in the middle of her nose will be rich but unhappy.)
Ang taong may taling na malapit sa kanyang mata ay kaakit-akit sa ibang kasarian.
(A person with a mole close to his eye is attractive to the opposite sex.)
Ang taling sa kamay ang nagpapahiwatig ng kayamanan o pagiging magnanakaw.
(A mole on the hand signifies wealth or thievery.)
Ang taong may taling sa kanyang likod ay nagpapahiwatig na siya ay tamad.
(A mole on one's back is a sign of laziness.)
2. Sa Hugis ng Kanyang Katawan
(By the Shape of His/Her Body Parts)
Ang taong may malaking tenga ay mabubuhay ng matagal.
(A person with big ears will have a long life.)
Ang mga babaeng may malapad na balakang ay magkaka-anak ng marami.
(Women with wide hips will bear many children.)
Ang mga taong natural na kulot ang buhok ay mahirap maintindihan ang takbo ng isip o di kaya ay laging mainitin ang ulo. (People with naturally curly hair are moody or ill-tempered.)
Ang mga taong magkasalubong ang mga kilay ay madaling magselos.
(People with eyebrows that almost meet easily get jealous.)
Ang mga lalaking mabuhok ang dibdib ay mga palikero.
(Men with hairy chests are playboys.)
Ang isang taong may mga linya na tumatakbo mula sa kanyang palad hanggang sa kanyang mga daliri ay matagumpay sa kanyang negosyo.
(A person with lines running from the palm ofhis hand to his fingers is successful in business.)
Ang mga taong may malalaking puwang sa pagitan ng kanilang mga ngipin ay likas na mga sinungaling.
(People whose teeth are spaced far apart are liars.)
3. Mga Iba Pang Pahiwatig (Other Omens)
Kapag nakagat ng isang tao ang kanyang dila, ito ay pahiwatig na may nakaalala sa kanya o di kaya siya pinag-uusapan.
(If a person bites his tongue, it means someone is thinking of him or talking about him.)
Kapag nakalimutan ng isang tao ang nais niyang sabihin, ito ay nagpapahiwatig na linuha ng demonyo ang kanyang mga salita.
(If a person forgets what he wants to say, it means that the devil snatched his words.)
Ang babaeng nagsusuklay ng kanyang buhok na nakatalikod sa pintuan ay tanda ng pagiging taksil. (A woman who combs her hair with her back facing the door is a sign of infidelity.)
Kapag nahulog ang lahat ng palito sa loob ng kahon ng posporo, ikaw ay magkakaroon ng di inaasahang bisita.
(If all the matches should fall out of a matchbox, you will have an unexpected visitor.)
Ang buwan na nagsisimula sa Biyernes ay magiging puno ng aksidente.
(A month that starts on a Friday will be full of accidents.)
Ang isang taong laging gumagamit ng pangbanda sa katawan tuwing Biyernes ay isang mangkukulam.
(A person who always uses a bandage on Fridays is a witch.)
Ang paglitaw ng isang kometa ay isang pahiwatig ng giyera, salot, o sakit.
(The appearance of a comet is an omen of war, famine, or illness.)
Kapag ang isang matanda ay tumatawa habang natutulog, ito ay pahiwatig na isang kamag-anak niya ay mamamatay. Kapag naman tumatawa ang isang bata habang natutulog, ibig sabihin siya ay nakikipaglaro sa mga anghel.
(When a sleeping adult laughs, it means that a relative will die. On the other hand, if a child laughs while sleeping, it means that angels are playing with him.)
MGA IBA PANG KASABIHAN O PAMAHIIN UKOL SA:
- PAG-IBIG, PANLILIGAW AT PAG-AASAWA (Love, Courtship and Marriage)
- PAGBUBUNTIS AT PANGANGANAK (Conception and Childbirth)
- MGA SANGGOL AT MGA BATA (Infants and Children)
- SALAPI AT KAYAMANAN (Money and Wealth)
- MGA PAGKAIN AT ANG PAGKAIN (Food and Eating)
- BAHAY, TAHANAN, AT PAMILYA (House, Home, and Family)
- PAGKAKASAKIT AT KAMATAYAN (Illness and Death)
- MGA BILANG AT KULAY (Numbers and Colors)
- MGA HAYOP (Animals)
- MALAS, SWERTE (Bad Luck, Good Luck)
- MGA IBA PANG PAMAHIIN (Other Folk Beliefs)
No comments:
Post a Comment