1.30.2011

Mga Bugtong (Riddles) - 2 of 6

22. Tumanda na ang nuno hindi pa rin naliligo. -- Sagot: pusa

23. Bumili ako ng alipin,mataas pa sa akin. -- Sagot: sumbrero

24. Ang dalawa’y apat na, ang maitim ay maputi na, ang malao’y malapit na, ang bakod ay lagas na. -- Sagot: tao (matanda na)

25. Aling hayop sa mundo, ang naglakad na walang buto? -- Sagot: uod

26. Kinain ko ang isa, itinapon ko ang dalawa. -- Sagot: tulya

27. Maging puti, maging pula, sumusulat sa tuwina. -- Sagot: yeso (o chalk)

28. Hindi tao, hindi hayop, bumabalik kung itapon. -- Sagot: yoyo

29. May alaga akong hayop, malaki ang mata kaysa tuhod. -- Sagot: tutubi

30. Isang suman, magdamag kung tinanuran. -- Sagot: unan

31. Mayroon akong pitong bentanilya, tatlo lamang ang naisasara. -- Sagot: ulo (ng tao)

32. Aldibinong tumataginting, kung saan nanggagaling. -- Sagot: telepono

33. Kangkong, kangkong, Reyna Kangkong, Matulis ang dahon; ang bunga ay dupong. -- Sagot: talong

34. Isang tabo, laman ay pako. -- Sagot: suha

35. Bugtong kalibugtong, nagsanga’y walang dahon. -- Sagot: sungay ng usa

36. Baboy ko sa parang, namumula sa tapang. -- Sagot: sili

37. Tubig na binalot sa papel, papel na binalot sa bato; Batong binalot sa balahibo. --Sagot: buko

38. Nagsaing si Hudas, itinapon ang bigas, kinuha ang hugas. -- Sagot: paggata ng niyog

39. Tag-ulan at tag-araw, hanggang tuhod ang salawal. -- Sagot: manok

40. Bahay ni Kiko, walang bintana, walang pinto. -- Sagot: itlog

No comments:

Post a Comment

Popular Posts

Featured Post

Benefits And Social Privileges Of Senior Citizens