1.30.2011

Mga Bugtong (Riddles) - 3 of 6

41. Isang dalagang mabilog, nasa bibig ang pusod. -- Sagot: sako (ng bigas na may punggos at tali sa bibig)

42. Bagama’t nakatakip, ay naisisilip. -- Sagot: salamin ng mata

43. Kung tawagin nila’y santo, hindi naman milagroso. -- Sagot: santol

44. Kung kaylan pa iginapos, saka pa naglibot. -- Sagot: sapatos

45. Maraming dalaga, iisa ang bituka. -- Sagot: rosaryo

46. May sunong, may kilik, may salakab sa puwit. -- Sagot: mais

47. Dalawang batong itim, malayo ang nararating. -- Sagot: mata

48. Ano ang walang buhay ay natutulog? --Sagot: mantika

49. Limang magkakapatid, tig-iisa ng silid, sa iisang kumot nagkakasukob-sukob. -- Sagot: lansones

50. Hindi tao, hindi hayop itong pipeng si Crispino. -- Sagot: pipino

51. Pag munti’y may buntot, paglaki ay punggok. -- Sagot: palaka

52. Dalawang katawan, tagusan ang tadyang. -- Sagot: hagdanan

53. Buto’t balat, ano’t nakalilipad. -- Sagot: guryon o saranggola

54. Binili ko ng mahal, isinabit ko lamang. -- Sagot: hikaw

55. Aling dahon sa mundo ang iginagalang ng tao?. -- Sagot: bandera

56. Nang bata ay nakasaya, naghubo nang maging dalaga. -- Sagot: labong (ng kawayan)

57. Nagtago si Chiquito, nakalabas ang ulo. --Sagot: pako

58. Bahay ni Margarita, naliligid ng sandata. --Sagot: pinya

59. Limang punong niyog, iisa ang matayog. --Sagot: daliri

60. Baston ni Adan hindi mabilang-bilang. --Sagot: ulan

No comments:

Post a Comment

Popular Posts

Featured Post

Benefits And Social Privileges Of Senior Citizens